VERA FILES FACT CHECK: Pahayag ni Duterte na binigay ng LP sa mga Ayala ang water concession hindi totoo
Sa seremonya ng oath-taking ng mga bagong miyembro ng Partido Demokratiko ng Pilipinas-Lakas ng Bayan (PDP-Laban) noong Okt. 16, inakusahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang oposisyon na Liberal Party (LP) sa pagbibigay sa mga Ayala, isang kilalang pamilya ng mga negosyante sa bansa, ng water distribution contract. Hindi totoo ang kanyang pahayag.