No such thing as ‘limpio’ in a dirty job

President Duterte and SP03 Arthur Lascanas.

In the narration of SP03 Arthur Lascañas of the “jobs” he had done as member of the Davao Death Squad, he recalled the instruction of then Davao Mayor Rodrigo Duterte in a murder operation against the financier of a kidnapping: “Sige, limpio lang.”

Lascañas explained.” Bisaya parlance po ito. Ang ibig pong sabihin “Sige malinis lang.”

Another term that Lascañas said Duterte used complementary to the “limpio lang” instruction was “erase lahat.”

Limpio is a Spanish adjective for “clean” from the word limpiar. Many Spanish words have been assimilated into the Visayan languages and one of them is “limpio.”

There was nothing clean in Duterte’s order . Per Lascañas narration, they were discussing a dirty operation involving multiple murders including an unborn child.

His additional order of “erase lahat” seals the kind of operation he wants. There should be nothing that the murders could be traced to them.

One lesson can be learned from last Monday’s public confession of Lascañas: There is no such thing as “limpio” in a dirty job.

Here’s Lascañas’ narration of that sordid job:

May isa pang incident – ito po ay paggawa namin na pag-massacre sa isang buong pamilya na taga-General Santos City. Ang nangyari po ay ganito: Merong kaso sa Davao City noon, way back twenty plus years ago, merong kinidnap na isang Misis Abaca sa Davao City. Kami po ang naatasan ni Mayor Duterte, personal na to conduct an investigation and hot pursuit operation sa mga suspect. Nagbuo po ng isang team si Major Macasaet. SPO4 Dick Floribel ang team leader namin, si SPO4 Ben Laud, SPO4 Boy Pavo, SPO3 Gerry Baguhin, SPO3 Teodoro Paguidupon and myself. Nalibot namin ang sulok ng South and North Cotabato. Pero hindi namin na-solve ang kaso. Na release si Misis Abaca, kung hindi ako nagkamali for several months.

“And then, for more a month, or several months nakatanggap si SPO4 Dick Loribel ng isang ‘A1 Information’ galing sa kaniyang kaklase, na isa ring police. Kaklase niya sa isang police schooling na taga-General Santos City Police Office. Ito po ay si Inspector Patayan. Ang information na natanggap niya na alam ni Inspector Patayan kung sino ang financier, sino ang responsable at sino ang mastermind sa pag-kidnap kay Misis Abaca.

“Personal pong ni-relate namin kay Mayor Rody Duterte ang natanggap na information ni SPO4 Dick Loribel. Ang instruction ni Mayor Duterte, I-follow-up sa GenSan, Kausapin ang source of information. And agad-agad po, pinuntahan namin sa General Santos City at doon na-meet ko personal, ng grupo namin si Inspector Patayan, malapit sa City Hall ng General Santos City.

“At dito ni-relate lahat ni Inspector Patayan ang sinasabi niyang “A1 Information”. Kung hindi ako nagkamali, pagbalik namin sa Davao City, dala namin si Inspector Patayan, para personally i-relay niya kay Mayor Rody Duterte ang kaniyang natanggap na impormasyon. At sa Davao City po, personal na nakausap ni Inspector Patayan, kami, si Mayor Duterte at si Major Macasaet.

“And after that, gumawa po ng operational plan si Major Macasaet. As per approval ni Mayor Duterte, nag-order siya na puntahan namin ang lugar, at yung sinasabi ni Inspector Patayan na mastermind o possible financier ng pag-kidnap kay Misis Abaca na tawagin ko na lang pong, siya po ay si Mister Patasaha. Kung hindi ako nagkamali.

“Dahil po sa information ni Inspector Patayan, nakuha namin si Mister Patasaha. Hinarang namin ang kaniyang sasakyan, na isang Ford Fiera type van, kung hindi ako nagkamali, color blue. At dito nadiskubre namin na kasama ang kaniyang buong pamilya. Yung kaniyang buntis na asawa na seven months old, ang kaniyang anak na four o five year old. Ang kaniyang manugang na seventy plus year old na lalaki, ang katulong na babae, ang kaniyang helper na lalaki na onboard sa likod ng sasakyan. Kinuha namin si Mister Patasayan, ako ang nag-drive sa kaniyang sasakyan, nilipat namin ang kaniyang misis sa likod ng kaniyang sasakyan, nasa front, pinagitnaan namin siya ni SPO4 Ben Laut.

“As per order po ng team leader namin na si Dick Cloribel, dinala namin ang sasakyan going to Davao City, pero while on mobile-ling nag-order si SPO4 Cloribel, noong lumabas na kami sa siyudad ng General Santos City, going to Malungin area ng Sarangani province, itinabi ko ang sasakyan. Dito po inilipat namin ang buong pamilya.

“Ang dala naming sasakyan ay Tamaraw FX van type, color white at yung pick-up nadala ni SPO4 Cloribel na Toyota Hilux. Ang sasakyan ni Mister Patasaha ay pinarking ko doon sa isang madamong lugar along the highway. In short po, nadala namin si Mister Patasahasa sa Laud Quarry as instruction ni Dick Cloribel. At dito sa Laud Quarry, may isang bahay na doon nilagay namin si Mister Patasaha, yung kaniyang manugang na lalaki, yung helper na lalaki at saka yung katulong na babae. Si Misis Patasaha na sa labas doon sa isang open na kubo at saka yung isang anak na four o five year old na lalaki.

“Dito nag-conduct ang grupo namin ng initial na investigation about sa kidnapping na allegedly, itong subject na tao na pinangalanan kong Mister Patasaha ay isa sa mga financier o mastermind. For more than hour, inutusan ako ni SPO4 Cloribel na drive-an ko ang van type namin na sasakyan dahil puntahan namin si Mayor Rodrigo Duterte, para i-report niya ang initial findings niya sa kaniyang investigation about sa subject na tao at i-explain din niya kung bakit nadala ang buong pamilya. Pumunta po kami sa isang lugar sa Ecoland, Davao City at doon po si Mayor at doon din po si Major Macasaet.

“Ako, si Dick Cloribel, si SPO4 Paguidupon ang pumunta. Ako ang nag-drive sasasakyan namin. At dito po nilatag lahat ni SPO4 Cloribel ang kanyang initial findings ng kaniyang investigation. At dahil dito, nag-comments si Major Macasaet na positive itong subject, na involved sa kidnapping dapat erase na, at erase ang lahat. Meaning, patay na, at patayin ang lahat.

“Dito po nagbigay ng go-signal si Mayor Rody Duterte. Ang sabi niya: “Sige, limpio lang.” Bisaya parlance po ito. Ang ibig pong sabihin “Sige malinis lang”. In short po, bumalik kami sa quarry. Doon sumunod si Major Macasaet. Nagdala pa siya ng pansit, tinapay at soft drinks, dahil ang naiwan na mga kasama namin sa quarry wala pang pagkain.

“Dito po, meron silang conversation ni SPO4 Cloribel at umalis si Major Macasaet. Siguro, for more than an hour, nag-confirm sa amin si SPO4 Cloribel, na very clear ang order ni Mayor Rody Duterte, erase lahat.

“Isa po ako sa nag-protest at si SPO3 Jerry Baguhin, na isa lang ang taong target natin bakit ma-sama itong buntis, ma-sama itong anak na four year old, ma-sama itong matanda at ma-sama itong dalawang katulong na lalaki at babae. At dahil sa pag-insist ko po at walang sumuporta, hiningi ko na lang ang bata na lalaki na dalhin ko ito sa Butuan City at doon iwanan ko sa isang bus terminal. Sumuporta sa akin si SPO3 Jerry Baguhin. Pero isa sa grupo namin ang nag-comments na: Paglaki ng batang iyan, makilala pa rin niya ang mukha namin. At kami, hindi na namin siya makikilala. Baka ito gagawa ng pagganti dahil inubos natin ang buong pamilya niya. Dito po walang nagsuporta. Dito, evil prevailed. Napatay po ang buong pamilya sa harap ko, using a caliber .22 with a silencer. And the rest po is history.

“ Ilang araw po ito, tinawag kami ni Major Macasaet. At mayroong binigay na pabuya galing daw kay Mayor Rodrigo Roa Duterte. “

Despite strong opposition from senators friendly with Malacanang, the Senate will test Lascañas’ credibility in the hearing to be conducted by Sen. Panfilo Lacson’s committee on public order and dangerous drugs. He is expected to give more details of the crimes he has participated in.

Another lesson: No crime is totally erased. Nothing in this world is forever erased.

FOR FURTHER READING

TRANSCRIPT: Senate press briefing of former Davao police officer Arthur Lascanas

Dito sa gagawin kong isang public confession, ito po ay pagsunod ko po sa kagustuhan ng Diyos, at…

The power of conscience

The turnaround of SP03 Arthur Lascañas on the murders he committed as a member of the Davao Death…

Lascañas: ‘Superman’ ordered death of political enemies, innocents

They called him Superman. That was the code the Davao Death Squad allegedly gave former Davao City…

About Vera Files

Founded in March 2008, VERA Files is published by veteran Filipino journalists taking a deeper look into current Philippine issues. Vera is Latin for “true.”

Contact Us

Email us at newsroom@verafiles.org