Sabi ni Pangulong Marcos, ang kalagayan ng bansa ay “sound and improving.”
Dumating na raw ang Bagong Pilipinas.
Pero sa Commonwealth Avenue, ilang metro mula sa Batasan Pambansa sa Quezon City kung saan siya nag-report sa sambayanang Filipino (State of the Nation Address) para sa pangalawang taon ng kanyang pamumuno, iba ang sigaw ng libu-libong nagra-rally.
Nandoon si Bullit Marquez at ito ang mga kuha niya para sa VERA Files.