Enero 9, 2025
Mahal na Ginoong Zuckerberg,
Siyam na taon na ang nakalipas, sumulat kami sa iyo tungkol sa totoong mga pinsalang dulot ng maling impormasyon sa Facebook. Bilang tugon, gumawa ang Meta ng fact-checking program na tumulong na protektahan ang milyun-milyong users laban sa mga panloloko at mga teorya ng pagsasabwatan. Sa linggong ito, inanunsyo mo na tatapusin mo ang programang iyon sa United States dahil sa mga alalahanin tungkol sa “sobrang censorship” — isang desisyon na nagbabantang ipawalang-saysay ang halos isang dekada ng pag-unlad sa pagtataguyod ng tumpak na impormasyon online.
Ang programang inilunsad noong 2016 ay matibay na hakbang sa paghikayat sa tunay na ganap na katumpakan online. Nakatulong ito sa mga tao na magkaroon ng positibong karanasan sa Facebook, Instagram at Threads sa pamamagitan ng pagbabawas ng pagkalat ng mali at mapanlinlang na impormasyon sa kanilang feeds. Naniniwala kami — at ipinakikita ng datos — na karamihan sa mga tao sa social media ay naghahanap ng mapagkakatiwalaang impormasyon para makapagpasya tungkol sa kanilang buhay at para magkaroon ng magandang pakikipag-ugnayan sa mga kaibigan at pamilya. Pagbibigay kaalaman sa users tungkol sa maling impormasyon upang mapabagal ang pagkalat nito, nang walang pag-censor, ang layunin. Mahigpit na sinusuportahan ng fact-checkers ang kalayaan sa pagpapahayag, at paulit-ulit at pormal naming sinabi iyon sa pahayag sa Sarajevo noong nakaraang taon. Ang kalayaang magsabi kung bakit hindi totoo ang isang bagay ay malayang pananalita rin.
Ngunit sinasabi mo na ang programa ay naging “isang kasangkapan sa pag-censor,” at “ang fact-checkers ay naging masyadong may kinikilingan sa pulitika at sinira ang higit na pagtitiwala kaysa sa kanilang nilikha, lalo na sa U.S.” Hindi ito totoo, at gusto naming ituwid ang rekord, para sa konteksto ngayon at sa rekord ng kasaysayan.
Kinakailangan ng Meta ang lahat ng mga kasangga sa fact-checking na matugunan ang mga mahigpit na pamantayan ng non-partisanship sa pamamagitan ng pag-verify ng International Fact-Checking Network. Nangangahulugan ito na walang kaugnayan sa mga partido o kandidatong pampulitika, walang adbokasiya sa patakaran, at isang hindi natitinag na pangako na walang kikilingan at magiging transparent. Ang bawat organisasyon ng balita ay sumasailalim sa mahigpit na taunang pag-verify, kabilang ang independiyenteng pagtatasa at peer review. Malayo sa pagtatanong sa mga pamantayang ito, patuloy na pinuri ng Meta ang kanilang higpit at pagiging epektibo. Isang taon lang ang nakalipas, pinalawig ng Meta ang programa sa Threads.
Iminumungkahi ng iyong mga komento na ang mga fact-checker ay responsable para sa censorship, kahit na ang Meta ay hindi kailanman nagbigay sa mga fact-checker ng kakayahan o awtoridad na mag-alis ng nilalaman o mga account. Madalas na sinisisi at hina-harass ng mga tao sa online ang mga fact-checker para sa mga aksyon ng Meta. Ang iyong mga komento kamakailan ay walang alinlangan na magpapasigla sa mga pananaw na iyon. Ngunit ang katotohanan ay mga tauhan ng Meta ang nagpasya kung paano dapat ibaba ang ranggo o lagyan ng label na nilalaman na napatunayang hindi totoo ng fact-checkers. Sa paglipas ng mga taon, ilang fact-checkers ang nagmungkahi sa Meta kung paano nito mapahuhusay ang pag-label na ito upang maging hindi gaanong mapanghimasok at maiwasan kahit ang paglitaw ng censorship, ngunit hindi kailanman kumilos ang Meta sa mga mungkahing iyon. Bukod pa rito, inalis ng Meta ang mga pulitiko at kandidato sa pulitika sa mga pwedeng i-fact check, bilang isang hakbang sa pag-iingat, kahit na nagkalat sila ng mga pahayag na kasinungalingan. Samantala, sinabi ng fact-checkers na ang mga pulitiko ay dapat na i-fact check tulad ng iba.
Sa paglipas ng mga taon, ang Meta ay nagbigay lamang ng limitadong impormasyon sa mga resulta ng programa, kahit na ang fact-checkers at mga independiyenteng mananaliksik ay paulit-ulit na nagtanong para sa higit pang datos. Ngunit sa masasabi namin, naging epektibo ang programa. Ipinakita ng pananaliksik na ang fact-check labels ay nakabawas ng paniniwala at pagbabahagi ng maling impormasyon. At sa iyong sariling patotoo sa Kongreso, ipinagmalaki mo ang tungkol sa “nangunguna sa industriya na programa sa fact-checking“ ng Meta.
Sinabi mo na plano mong magsimula ng isang programa na Community Notes na katulad ng sa X. Hindi kami naniniwala na ang ganitong uri ng programa ay magreresulta sa positibong karanasan ng gumagamit, tulad ng ipinakita ng X. Ipinakikita ng pananaliksik na maraming Community Notes ang hindi kailanman naipakikita, dahil umaasa sila sa malawakang pampulitikang pinagkasunduan sa halip na sa mga pamantayan at ebidensya para sa katumpakan. Gayunpaman, walang dahilan kung bakit hindi maaaring umiral ang Community Notes sa third-party na programa sa fact-checking; hindi sila eksklusibo sa isa’t isa. Ang modelo ng Community Notes na gumagana sa pakikipagtulungan sa propesyonal na fact-checking ay magkakaroon ng malakas na potensyal bilang bagong modelo para sa pagsulong ng tumpak na impormasyon. Malaki ang pangangailangan para dito: Kung naniniwala ang mga tao na ang social media platforms ay puno ng mga scam at panloloko, hindi nila gugustuhing gumugol ng oras doon o magnegosyo dito.
Dinadala tayo nito sa kontekstong pampulitika sa United States. Ang tiyempo ng iyong anunsyo ay nangyari pagkatapos ng sertipikasyon sa pagkahalal kay President-Elect Donald Trump at bilang bahagi ng mas malawak na tugon mula sa industriya ng tech sa papasok na administrasyon. Si Ginoong Trump mismo ang nagsabi na ang iyong anunsyo ay “marahil” bilang tugon sa mga banta na ginawa niya laban sa iyo. Ang ilan sa mga mamamahayag na bahagi ng aming komunidad sa fact-checking ay nakaranas ng mga katulad na banta mula sa mga pamahalaan sa mga bansang kanilang pinagtatrabahuhan, kaya naiintindihan namin kung gaano kahirap labanan ang panggigipit na ito.
Ang planong tapusin ang fact-checking program sa 2025 ay iiral lamang sa United States, sa ngayon. Ngunit ang Meta ay may katulad na mga programa sa higit sa 100 mga bansa na lahat ay lubos na magkakaiba, sa iba’t ibang yugto ng demokrasya at pag-unlad. Ang ilan sa mga bansang ito ay madaling matukso sa maling impormasyon na nag-uudyok sa kawalang-tatag na pulitika, panghihimasok sa halalan, karahasan ng mga manggugulo at kahit genocide. Kung magpasya ang Meta na ihinto ang programa sa buong mundo, halos tiyak na magreresulta ito sa tunay na pinsala sa maraming lugar.
Binibigyang-diin ng sandaling ito ang pangangailangan para sa karagdagang pondo para sa public service journalism. Ang fact-checking ay mahalaga sa pagpapanatili ng mga ibinahaging katotohanan at talakayan na batay sa ebidensya, sa United States at sa buong mundo. Ang sektor na mapagkawang-gawa ay may pagkakataon na dagdagan ang pamumuhunan nito sa pamamahayag sa isang kritikal na panahon.
Pinakamahalaga, naniniwala kami na ang desisyon na wakasan ang third-party na fact-checking program ng Meta ay isang paatras na hakbang para sa mga gustong makakita ng internet na nagbibigay ng prayoridad sa tumpak at mapagkakatiwalaang impormasyon. Umaasa kami na kahit papaano ay mabubuo namin ang kaalamang ito sa mga darating na taon. Nananatili kaming handang makipagtulungan muli sa Meta, o anumang iba pang platform ng teknolohiya na interesado sa pakikipag-fact-checking na magagamit upang bigyan ang mga tao ng impormasyong kailangan nila para makagawa ng matalinong mga desisyon tungkol sa kanilang pang-araw-araw na buhay.
Ang pag-access sa katotohanan ay nagpapalakas ng kalayaan sa pananalita, na nagbibigay ng kapangyarihan sa mga komunidad na iayon ang kanilang mga pagpipilian sa kanilang mga pinahahalagahan. Bilang mga mamamahayag, nananatili kaming matatag sa aming pangako sa kalayaan ng pamamahayag, tinitiyak na ang paghahangad ng katotohanan ay mananatili bilang isang pundasyon ng demokrasya.
Gumagalang,
AAP FactCheck – Australia
RMIT Lookout, Australia
15min – Lithuania
AFP – France
Africa Check – South Africa, Nigeria, Kenya, Senegal
AkhbarMeter Media Observatory – Egypt
Annie Lab – Hong Kong SAR
Aos Fatos – Brazil
Beam Reports – Sudan
Belarusian Investigative Center – Czech Republic
BOOM – India
Chequeado – Argentina
Check Your Fact – United States of America
Colombiacheck – Colombia
Congo Check : Congo, Congo DR, Central African Rep
CORRECTIV – Germany
Delfi Melo detektorius – Lithuania
Demagog – Poland
Demagog.sk – Slovakia
DFRAC – India
Doğruluk Payı – Türkiye
Dubawa – Nigeria
Ellinika Hoaxes – Greece
Estadão Verifica – Brazil
Facta – Italy
FactCheckHub – Nigeria
FactCheckNI – Northern Ireland
Factchequeado – United States of America
FactReview – Greece
Fact-Check Cyprus – Cyprus
FactCheck Georgia – Georgia
FactCheck.kz – Kazakhstan
Factcheck Lab – Hong Kong
FactCheckZW – Zimbabwe
Factnameh – Iran
Faktisk.no – Norway
Factly – India
Factual.ro – Romania
Faktograf – Croatia
Fakt Yoxla – Azerbaijan
Fatabyyano – Jordan
Full Fact – United Kingdom
Fundación Maldita.es – Spain
Greece Fact Check – Greece
Gwara Media – Ukraine
Internews Kosova KALLXO – Kosovo
Istinomer – Serbia
Istinomjer – Bosnia & Herzegovina
Japan Fact-check Center – Japan
Källkritikbyrån – Sweden
Lead Stories – United States of America
Les Surligneurs – France
Lupa – Brazil
Mafindo – Indonesia
Mala Espina– Chile
Metamorphosis – North Macedonia
Mongolian Fact-checking Center – Mongolia
MyGoPen – Taiwan
NepalFactCheck.org – Nepal
Newtral – Spain
Observador – Portugal
Razkrinkavanje.si – Slovenia
Polígrafo – Portugal
Pravda – Poland
PressOne.PH – Philippines
Probe – Philippines
Rappler – Philippines
Raskrinkavanje – Bosnia & Herzegovina
Raskrinkavanje.me – Montenegro
Snopes – U.S.A.
Taiwan FactCheck Center – Taiwan
Tech4Peace – Iraq
TEMPO.co – Indonesia
Teyit – Türkiye
Tirto.id – Indonesia
The Journal FactCheck – Ireland
VERA Files – Philippines
TjekDet – Denmark
Verificat – Spain
PolitiFact – United States
Civilnet.am – Armenia
The Logical Indian – India
La Silla Vacía – Colombia
MediaWise – United States of America
Myth Detector – Georgia
Verify – Syria
FactCheck.org – United States of America
Factcheck.Vlaanderen – Belgium
Ecuador Chequea – Ecuador
Animal Político-El Sabueso – México
Open – Italy
KOMPAS.com – Indonesia
Telugu Post – India
The Stage Media-Liberia– Liberia
Newschecker – India
The Quint – India
Hibrid.info – Kosovo
India Today Fact Check – India
Cotejo.info – Venezuela
Faktoje.al – Albania
Provereno – Estonia
Maharat Foundation – Lebanon
FactSpace West Africa – Ghana
Kashif – Palestine
Non-signatories
Bill Adair, Duke University – United States of America
EunRyung Chong, Semyung Graduate School of Journalism- South Korea
Summer Chen, co-founder of FactLink, media literacy and digital investigation organization, Taiwan
Yvonne T. Chua, Tsek.Ph, Philippines