Skip to content
post thumbnail

FACT CHECK: 1.4 milyon, HINDI 17 milyong botante, ang may sobrang boto sa mga senador

WHAT WAS CLAIMED

Mahigit 17 milyong balota ang hindi binilang dahil sa sobrang pagboto sa mga senador.

OUR VERDICT

Mali:

: Gamit ang bilang ng NAMFREL at formula ng COMELEC, na-calculate ng VERA Files na ang mga botanteng may sobrang boto sa mga senador ay 1,419,065–napakalayo sa 17 milyong sinasabi ng maling impormasyon.

By VERA FILES

May 27, 2025

3-minute read

Translate

ifcn badge

Share This Article

:

May Facebook posts na nagsasabing 17 milyong balota ang hindi binilang dahil sa sobrang pagboto sa mga senador. Mali ito.

Simula noong May 16, ang maling impormasyon ay pinakakalat ng dalawang page. Sabi ng isang post:

Overvote in Senatorial race. 2019: 1,170,331. 2025: 16,801,221. Why so nonchalant COMELEC?” (Sobrang boto sa mga senador: 2019: 1,170,331. 2025: 16,801,221 Bakit sobrang walang paki ang Commision on Elections?)

At sabi ng isa pang post: Dinaya ng COMELEC ang eleksyon dahil lagpas 17 milyong balota ang may shade na bago pa mag–May 12.

Mayroong 17,028,780 sobrang boto para sa mga senador, ayon sa National Citizens’ Movement for Free Elections (NAMFREL).

Mahigit 1.4 milyong botante lamang ang sumobra ang boto para senador nitong nakaraang halalan, taliwas sa 16 hanggang 17 milyon na sinasabit ng ilang posts online Ang tinutukoy ng Comelec na 17 milyon ay ang kabuuang bilang ng overvotes para sa mga senador sa lahat ng balota.

Ang sobrang boto ay kapag lagpas 12 senador o isang partido ang na-shade ng isang botante.

Ayon sa NAMFREL, bukod sa mga senador, may milyon-milyong sobrang boto rin sa mga partido, kongresista, at iba pang lokal na posisyon. Nilinaw naman ng COMELEC na kapag ang isang botante ay may sobrang boto sa isang posisyon, mabibilang pa rin ang boto niya sa ibang posisyon.

Nilinaw rin ng COMELEC na ang sobrang botong nabilang ng NAMFREL ay ang kabuuang sobrang boto sa mga senador. Hindi 17 milyon ang mga botanteng may sobrang boto.

Ayon sa COMELEC, “Because a voter may overvote by more than the maximum of 12 candidates that can be chosen for the senatorial race, the accurate way to analyze this [figure] is to divide the total overvote count by 12.” (Dahil ang isang botante ay posibleng sumobra ng botong higit sa 12 senador, ang tamang pagbasa sa sobrang boto ay hatiin ito sa 12.)

Gamit ang bilang ng NAMFREL at formula ng COMELEC, na-calculate ng VERA Files na ang mga botanteng may sobrang boto sa mga senador ay 1,419,065–napakalayo sa 17 milyong sinasabi ng maling impormasyon.

Dagdag ng COMELEC, “Approximately 1.4 million overvotes is the actual [figure in the senatorial race] – which is within the 1.5 to 2.5% normal range from the previous elections.” (Ang may sobrang boto sa mga senador ay nasa 1.4 milyong botante o nasa 2.5% ng 56.7 milyong bumoto. Ang normal range na itinakda ng COMELEC ay 1.5–2.5%, gaya sa mga nakaraang eleksyon.)

Ang maling impormasyon ay kumakalat pa rin isang linggo pagtapos tanggihan ng COMELEC ang panawagan ng kampo ni Pastor Apollo Quiboloy na mano-manong bilangin ulit ang mga boto. Wala nang budget ang COMELEC para sa mano-manong bilangan, ayon kay COMELEC Chair George Garcia.

Ang Facebook pages na Joie De Vivre Every Other Day (ginawa noong Jan. 4, 2024) at Duterte Movement International (Oct. 25, 2016) ang nag-post ng maling impormasyon, na may pinagsamang lagpas 4,600 reactions, 600 comments, at 945 shares.

Get VERAfied

Receive fresh perspectives and explainers in your inbox every Tuesday and Friday.