Skip to content
post thumbnail

PEKE ang patakarang hindi makakaboto ang walang national ID

WHAT WAS CLAIMED

Kailangan ng National ID para makaboto sa darating na midterm elections ngayong Mayo

OUR VERDICT

Peke:

Walang inilabas na advisory ang Commission on Elections na hindi maaaring bumoto kapag walang national ID.

By VERA Files

May 10, 2025

2-minute read

Translate

ifcn badge

Share This Article

:

May kumakalat na picture na nagsasabing kailangan ng national ID para makaboto sa eleksyon ngayong May 12, ayon daw sa Commission on Elections. Peke ang picture.

Unang ini-upload nitong May 3, ang picture ay may logo ng COMELEC at may caption na:

“PLEASE INFORMED YOUR FAMILY ASAP.
Public Advisory. NO NATIONAL ID NO VOTE.
Bring your national ID on May 12 mandatory.”

(Pakiusap: Ipaalam sa inyong pamilya, sa lalong madaling panahon.
Pampublikong abiso: Hindi makakaboto ang walang national ID.
Kailangan dalhin ang inyong national ID sa May 12.)

Walang inilabas na advisory ang Commission on Elections na hindi maaaring bumoto kapag walang national ID. Magpunta lang sa mga opisyal na source para sa mga update ukol sa eleksyon.

Ang post na may parehong picture ay may link na pinagmumukhang voter verification, pero papunta talaga sa shopping website.

Sinabi ng COMELEC na “fake news” ang kumakalat na picture:

“The supposed ‘No National ID, No Vote’ public advisory is FALSE and DID NOT ORIGINATE from the Commission on Elections. It was not posted on the official and verified social media channels of the COMELEC on any social media platform.”

(Ang kumakalat na “No National ID, No Vote” public advisory ay HINDI TOTOO at HINDI GALING sa Commission on Elections. Hindi iyon nai-post sa official at verified accounts ng COMELEC sa kahit anong social media.)

Nilinaw rin ng COMELEC na kakailanganin lang magpakita ng valid ID kung hindi masiguro ang pagkakakilanlan ng botante sa Election Day Computerized Voters’ List (EDCVL).

Ayon sa interview ng Super Radyo DZBB kay COMELEC Chair George Garcia: Makakaboto ang mga rehistradong botanteng may pangalan sa EDCVL, nakatanggap ng voter’s information sheet, o may pangalan sa online precinct finder.

Hinikayat din ng COMELEC ang publiko na laging siguruhing ang impormasyon tungkol sa eleksyon ay galing sa official sources.

Ang pekeng picture ay inilabas halos isang linggo bago ang eleksyon ngayong May 12.

Na-delete na ang original post pero kumakalat pa rin ang pekeng picture. Isa sa mga kopya nito ay may higit 680 shares, 95 reactions, at 75 comments.

Get VERAfied

Receive fresh perspectives and explainers in your inbox every Tuesday and Friday.