Skip to content
post thumbnail

FACT CHECK: Anti-poverty czar Gadon pinagwalang-bahala ang kahirapan sa PH

WHAT WAS CLAIMED

Sinabi ni Presidential adviser for poverty alleviation Larry Gadon na malakas ang purchasing power ng mga Pilipino, batay salami ng tao sa mga shopping mall.

OUR VERDICT

Hindi totoo:

Humina ang purchasing power ng piso simula noong 2018, base sa datos ng Philippine Statistics Authority. Kapag ang mga presyo ay tumataas at ang mga tao ay may nakapirming kita, ang “inklinasyon ay bumili ng mas kaunti at mas kaunti ng parehong hanay ng mga kalakal,” paliwanag ni Luisito Abueg, assistant professor sa economics sa UP Los Baños.

By VERA Files

May 28, 2024

2-minute read

Translate

ifcn badge

Share This Article

:

Pinagwalang-bahala ni Larry Gadon, isang disbarred na abogado, ang kanyang mandato bilang adviser for poverty alleviation ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Itinalaga noong Hunyo 23 noong nakaraang taon, si Gadon ay inatasang “tugunan ang isa sa pinakamabigat na hamon na kinakaharap ng ating bansa.”

PAHAYAG

Sa kanyang panghuling pahayag sa panayam sa Bagong Pilipinas Ngayon ng PTV, sinabi ni Gadon:

Sana ang ating mga kababayan ay patuloy na suportahan ang Marcos administration sapagkat sa totoo lang, ‘yang mga nagsasabi na napakahirap ng buhay, eh, sila lang ang nagsasabi niyan, haka-haka lang nila yan. Pero ang katotohanan, magpunta ka sa mall, punong puno, ibig sabihin mataas ang purchasing power ng mga tao.

(“Sana ang ating mga kababayan ay patuloy na suportahan ang administrasyong Marcos sapagkat sa totoo lang, ‘yang mga nagsasabi na napakahirap ng buhay, eh, sila lang ang nagsasabi niyan, haka-haka lang nila yan. Pero ang katotohanan, magpunta ka sa mall, punong puno, ibig sabihin mataas ang purchasing power ng mga tao.”)

Pinagmulan: PTV Philippines, PANOORIN: Pagtalakay sa mahahalagang serbisyo ng pamahalaan…, Mayo 17, 2024, panoorin mula 28:37 hanggang 29:00

ANG KATOTOHANAN

Mayroong 25.24 milyong mahihirap na Pilipino na ang kita ay hindi sapat upang matugunan ang mga pangunahing pangangailangan sa pagkain at hindi pagkain, ayon sa pinakabagong datos mula sa Philippine Statistics Authority (PSA).

“Hindi alam kung may nakakabili ng sasakyan at maraming tao sa mall, na pwedeng ang dahilan ay sa sobrang init ngayon, [a]y wala nang kahirapan sa Pilipinas,” sinabi ni Cielo Magno, associate professor in economics sa University of the Philippines ( UP).

VERA FILES FACT CHECK - ANG TOTOO: Minaliit ni Larry Gadon ang sarili niyang mandato bilang presidential adviser for poverty alleviation. Ayon sa datos ng PSA, may 25.24 milyong mahihirap na Filipino na hindi sapat ang kita para matugunan ang mga pangunahing pangangailangan sa pagkain at iba pa.

Sinusukat ng purchasing power kung ano ang mabibili ng pera. Humina ang purchasing power ng piso, batay sa datos ng PSA, mula noong 2018.

Ipinaliwanag ni Luisito Abueg, assistant professor in economics sa UP Los Baños, na kapag tumataas ang mga presyo at may fixed income ang mga tao, ang "inklinasyon ay bumili ng mas kaunti at mas kaunti ng parehong hanay ng mga kalakal."

Ang headline inflation, o ang rate kung saan tumaas ang mga presyo ng mga produkto at serbisyo, ay nasa 3.8% noong Abril 2024.

However, the PSA said that for the bottom 30% of income households, inflation went up by 5.2% largely due to higher cost of food and non-alcoholic beverages.

Gayunpaman, sinabi ng PSA na para sa pinakamababang 30% ng mga kumikitang sambahayan, ang inflation ay tumaas ng 5.2% dahil sa mas mataas na halaga ng pagkain at mga inuming non-alcoholic.

Binigyang-diin ni Abueg na ang pinakamahihirap na sambahayan ay "napakadaling maapekto" ng pagtaas ng presyo, lalo na sa pagkain at enerhiya, dahil mas mababa ang kanilang kita.

Get VERAfied

Receive fresh perspectives and explainers in your inbox every Tuesday and Friday.