Hindi ang mga huling sandali ng mga pilot at pasahero sa nag-crash na eroplano ng Jeju Air noong Dec. 29 ang nasa kumakalat video.
Ang nasa clip ay ang ligtas na paglapag ng isang eroplano sa Cancun, Mexico na nauna nang in-upload sa YouTube noong 2012. Binaligtad (mirrored), pinabilis at nilapatan ng ibang audio ang video para makapanloko.