Skip to content
post thumbnail

FACT CHECK: Gadon mali ang mga istatistika ng ekonomiya ng PH

WHAT WAS CLAIMED

Malaki ang ibinaba ng poverty incidence noong 2023, kung saan ang poverty rate ay bumaba sa 23.4% ngayong taon mula sa 24.7% noong nakaraang taon, na nangangahulugan na 11 milyong pamilyang Pilipino ang hindi na mahirap.

OUR VERDICT

False:

Habang bumaba ang poverty incidence sa unang semestre ng 2023, hindi ito nangangahulugan na 11 milyong pamilyang Pilipino ang hindi na mahirap, ayon sa pinakabagong datos mula sa Philippine Statistics Authority. Ang mga paunang resulta ng Family Income and Expenditure Survey noong Hulyo 2023 ay nagpapakita ng poverty incidence na 16.4% o humigit-kumulang 4.51 milyong pamilya.

By VERA Files

May 28, 2024

2-minute read

Translate

ifcn badge

Share This Article

:

Sa pagpuri sa mga patakarang pang-ekonomiya ng administrasyong Marcos, nagkamali si Larry Gadon sa mga datos na binanggit niya tungkol sa kahirapan at trabaho sa bansa.

Si Gadon, na nagsisilbing presidential adviser for poverty alleviation, ay tinanong tungkol sa sitwasyon ng kahirapan sa bansa sa isang panayam noong Mayo 17 sa programang Bagong Pilipinas Ngayon ng PTV.

VERA Files FACT CHECK - THE FACTS: Mali ang mga numero sa antas ng kahirapan at trabaho na binanggit ni Larry Gadon sa pagpuri niya sa polisiyang pang-ekonomiya ng administrasyong Marcos.

Sa insidente ng kahirapan

Malaking ibinaba ng poverty incidence kasi noong nakaraang taon ay meron pa tayong 24.7% of poverty rate. Itong taon na ito, itong present data, ay bumaba ito ng 23.4[%], so nabawasan ito ng 1.3% doon sa previous data and this is translated to around 11 million families.”

(“Malaking ibinaba ng poverty incidence kasi noong nakaraang taon ay meron pa tayong 24.7% poverty rate. Itong taon na ito, itong kasalukuyang datos, ay bumaba ito ng 23.4[%], kaya nabawasan ito ng 1.3% doon sa nakaraang datos at ito ay katumbas ng humigit-kumulang 11 milyong mga pamilya.”)

Pinagmulan: PTV Philippines, PANOORIN: Pagtalakay sa mahahalagang serbisyo ng pamahalaan…, Mayo 17, 2024, panoorin mula 14:11 hanggang 14:55

ANG KATOTOHANAN

Hindi totoo. Bagama’t bumaba ang poverty incidence sa unang semestre ng 2023, hindi ito nangangahulugan na 11 milyong pamilyang Pilipino ang hindi na mahirap, ayon sa pinakabagong datos mula sa Philippine Statistics Authority (PSA).

Batay sa paunang resulta ng Family Income and Expenditure Survey noong Hulyo 2023, ang poverty incidence ay nasa 16.4% o humigit-kumulang 4.51 milyong pamilya.

Kumpara noong 2021 nang inilabas ang mga naunang bilang, 18% o humigit-kumulang 4.74 milyong pamilya ang itinuring na mahirap. Ang pagkakaiba ay tinatayang nasa 230,000 pamilya.

Ang poverty incidence ay ang proporsyon ng mga Pilipino na ang per capita income ay hindi sapat upang matugunan ang kanilang mga pangunahing pangangailangan sa pagkain at hindi pagkain.

Nangako si Marcos sa kanyang state of the nation address noong Hulyo 2022 na ibababa ang poverty rate sa 9% sa 2028 kapag natapos na ang kanyang termino.

Sa employment rate

Ang ating employment rate, ang ating latest data diyan ay umabot tayo ng 95.6% from a very low, nong time nong pandemic. Hindi na natin alam kung gaano kababa ang employment rate, eh. Tantya ko, siguro mga 70 to 80% lang dahil milyon ang nawalan ng trabaho.

(“Ang ating employment rate, ang ating pinakahuling datos diyan ay umabot tayo ng 95.6% mula sa pinakamamaba, no’ng panahon no’ng pandemic. Hindi na natin alam kung gaano kababa ang employment rate, eh. Tantya ko, siguro mga 70 to 80% lang dahil milyon ang nawalan ng trabaho.”)

Pinagmulan: panoorin mula 15:51 hanggang 16:15

ANG KATOTOHANAN

Hindi totoo. Ang employment rate noong Marso 2024 ay nasa 96.1%, mula sa 95.3% para sa parehong panahon noong nakaraang taon. Ang employment rate noong panahon ng pandemya, mula 2020 hanggang 2023, ay nasa pagitan ng 89.7% at 95.7% at hindi bumaba sa antas na binanggit ni Gadon.

Nang tumama ang pandemya noong 2020, ang unemployment rate ay nasa 10.3%, na nangangahulugan ng humigit-kumulang 4.5 milyong mga Pilipinong walang trabaho, ang pinakamataas mula noong Abril 2005.

Idineklara ng World Health Organization ang pagtatapos ng COVID-19 global health emergency noong Mayo 5, 2023.

Get VERAfied

Receive fresh perspectives and explainers in your inbox every Tuesday and Friday.