Skip to content
post thumbnail

FACT CHECK: Gawa gamit ng AI ang ‘group hug’ video nina Alice Guo at mga hepe ng DILG, PNP

WHAT WAS CLAIMED

Ipinapakita ng video na niyakap nina Benhur Abalos at Rommel Marbil si Alice Guo.

OUR VERDICT

Peke:

Ginawa ang video gamit ang program na RunwayML, isang app na gumagamit ng AI para lumikha ng mga video. May dalawa pang palatandaan sa video na nagsilbing clue na ang video ay dinoktor.

By VERA Files

Sep 17, 2024

2-minute read

Translate

ifcn badge

Share This Article

:

Kumakalat sa Facebook (FB) ang isang video na ipinalalabas na masayang niyakap nina Interior Secretary Benhur Abalos at Philippine National Police (PNP) Chief Rommel Marbil si Alice Guo, ang dismissed mayor ng Bamban, Tarlac, matapos siyang arestuhin sa Indonesia. Ang video ay ginawa gamit ang artificial intelligence (AI).

In-upload noong Sept. 8 ang video, kung saan makikita ang tatlong masayang naka-pose sa harap ng camera. Sa huling mga segundo ng video, niyakap ng dalawang hepe si Alice.

“Saya saya naman with group hug pa,” ayon sa caption.

AI-manipulated ang kumakalat na video na ipinakitang niyakap umano ni Interior Secretary Benhur Abalos at PNP Chief Rommel Marbil ang pinatalsik na Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo. Totoong nakangiti sila sa orihinal na litrato pero hindi nila niyakap si Guo.

Ginamit ang AI para gawing video ang sumikat na litrato ng dalawang hepe kasama si Guo, kung saan nakangiti sila at naka-peace sign ang dating mayor matapos maaresto.

Ang tatak ng Runway na nakikita corner ng video ay malaking palatandaang ginawa ito gamit ang AI. Ang Runway ay isang AI research company sa America. Isa sa mga produkto nila ang RunwayML, isang app na gumagamit ng AI para gumawa ng mga video.

May dalawa pang palatandaan kaming nakita na ginawa ang video gamit ang AI:

  • dalawa lang ang daliri sa kaliwang kamay ni Guo, at
  • may biglang sobrang kamay na yumakap kay Marbil.

Ayon sa balita ng media, ang orihinal na picture ay kuha sa Jakarta, Indonesia, kung saan inaresto si Guo. Oo’t nakangiti rin ang dalawang hepe sa picture pero hindi nila ito niyakap.

Ang video ay patuloy na kumakalat matapos ma-cite in contempt si Guo dahil sa hindi niya pagsagot sa mga tanong ng mga senador tungkol sa kinalaman niya sa mga krimen ng Philippine Offshore Gaming Operators.

Ang video na ini-upload ng FB page na Ser. Chief (ginawa noong Jan. 6, 2016) ay may higit 34,000 reactions, 9,300 comments, 7,800 shares at 3.7 million views.

Get VERAfied

Receive fresh perspectives and explainers in your inbox every Tuesday and Friday.