Skip to content
post thumbnail

FACT CHECK: Hindi in-endorso nina Dr. Geraldine Zamora, Fr. Jerry Orbos ang bee venom joint cream

WHAT WAS CLAIMED

Nag-endorso si Fr. Jerry Orbos ang bee venom joint cream na gawa ni Dr. Geraldine Zamora para pagalingin ang osteoarthritis.

OUR VERDICT

Fake:

Hindi registered sa Food and Drug Administration ang nasabing osteoarthritis treatment cream.

Minanipula ang mga video nina Fr. Orbos at Dr. Zamora para magmukhang legit ang ibinebenta nila ang produkto.

By VERA Files

Sep 26, 2024

1-minute read
ifcn badge

Share This Article

:

Peke ang ad tungkol sa Bee Venom osteoarthritis treatment cream na in-endorso umano ni Fr. Jerry Orbos at gawa umano ng rheumatologist-internist na si Dra. Geraldine Zamora. Sina Orbos at Zamora ay parehong sikat sa mga Pinoy sa social media.

Minanipula ang mga video nilang dalawa para ipalabas na ibinebenta nila ang produkto.

Itinanggi ni Zamora ang pag-endorso o paggawa sa nasabing produkto.

Hindi registered sa FDA ang Bee Venom osteoarthritis treatment cream. Ginamit sa pekeng video ang in-edit na video nina Fr. Jerry Orbos at Dr. Geraldine Zamora para magmukhang legit ang produkto.

Hindi registered sa Food and Drug Administration ang nasabing pamahid.

Para sa karagdagang kaalaman, panoorin ang aming #VERAFilesFactCheck dito:

Get VERAfied

Receive fresh perspectives and explainers in your inbox every Tuesday and Friday.