Skip to content
post thumbnail

FACT CHECK: National scientist, HINDI nag-eendorso ng fertilizer brand

WHAT WAS CLAIMED

Inendorso ni national scientist Dr. Emil Javier ang Super Seed Organic Fertilizer.

OUR VERDICT

Peke:

Hindi ini-endorso ni national scientist Dr. Emil Q. Javier ang Super Seed Organic Fertilizer. Ginamit ng post ang larawan at pangalan ni Dr. Javier nang walang pahintulot, ayon sa National Academy of Science and Technology.

By VERA Files

Aug 22, 2024

2-minute read

Translate

ifcn badge

Share This Article

:

May Facebook page na nagsasabing si Dr. Emil Javier, isang national scientist na dalubhasa sa plant genetics at agronomy, ay nag-eendorso raw ng Super Seed Organic Fertilizer. Peke ito.

Ayon sa National Academy of Science and Technology (NAST), hindi konektado si Dr. Javier sa Super Seed Organic Fertilizer.

Noong Aug. 2 ay sinabi ng official Facebook page ng NAST na ang kumakalat na post ay gawa-gawa at anumang tungkol sa pag-eendorso ni Dr. Javier sa produktong ito ay hindi totoo.

Inupload noong Aug. 1, sinabi ng pekeng ad na si Dr. Javier daw ang nag-imbento ng Super Seed Organic Fertilizer at ipinakilala niya ito sa isang conference. Ang post ay may picture ni Dr. Javier at may caption na:

“Hot News: Dr. Emil Q. Javier’s Super Seed Organic Fertilizer is Creating a Buzz in the Agriculture Industry!

Recently, at the National Conference on Agriculture and Biotechnology, National Scientist Dr. Emil Q. Javier left the audience in awe with his major announcement for the farming community: his groundbreaking Super Seed Organic Fertilizer.

We are thrilled to announce that Dr. Javier’s Super Seed Organic Fertilizer is now officially available for purchase and is currently offered with a 50% discount!”

Walang “National Conference on Agriculture and Biotechnology” na ginanap kamakailan. Ang picture ni Dr. Javier ay kinuha sa pagdiriwang ng ika-49 taon ng Institute of Plant Breeding sa University of the Philippines, Los Baños noong June 5.

Dagdag pa: ang nag-post ng pekeng ad ay nagpapanggap ding Rice Competitiveness Enhancement Fund Extension Program ng gobyerno. Ang Philippine Rice Research Institute, na namamahala ng programa, ay nagbabala laban sa pekeng account.

Ang Super Seed Organic Fertilizer ay hindi rehistrado sa Department of Agriculture. Ang pekeng ad ay may higit 1,200 reactions, 190 comments at 80 shares.

Laganap ang mga pekeng ad sa social media. Mag-ingat bago mag-share ng mga post at bumili ng mga produkto sa internet. Kamakailan ay pinasinungalingan ng VERA Files Fact Check ang kagayang pekeng post na nagsasabing si Pangulong Bongbong Marcos at agricultural scientist Romulo Davide ay nag-eendorso raw ng Super Seed Organic Fertilizer Siêu Vô Hạt.

Editor’s Note: Ang article na ito ay isinulat ng estudyante ng University of the Philippines bilang parte ng kanyang internship.

Get VERAfied

Receive fresh perspectives and explainers in your inbox every Tuesday and Friday.