Maraming post sa Facebook (FB) ang nag-aanyaya sa mga tao na mag-apply para sa isang umano’y cash assistance program na alok ng Land Bank of the Philippines sa mga estudyante sa lahat ng antas ng pag-aaral. Peke ang mga ito.
Lumitaw ang mga post noong Sept. 16 at sinabing maari raw makakuha ng P7,000 hanggang P10,000 kada buwan ang mga mag-aaral mula elementarya hanggang kolehiyo kung sila ay mag-a-apply sa programa na ito.
Lahat ito ay scam. Sinabi ng Land Bank of the Philippines ngayong buwan na wala silang kinalaman sa mga post na ito.
Panooring ang #VERAFilesFactCheck video namin dito:
Check out these sources
Land Bank of the Philippines official Facebook page, “Nakakita ka na ba ng mga post…“, Sept. 9, 2024
Land Bank website, Iskolar ng LANDBANK Program
Land Bank of the Philippines official Facebook page, “Napinsala ba ng mga nagdaang bagyo…“, Sept. 16, 2024