Skip to content
post thumbnail

FACT CHECK: HINDI namimigay ang CHED ng ‘monthly allowance’ sa lahat ng Pilipinong estudyante

WHAT WAS CLAIMED

Namimigay ng monthly allowance ang Commission on Higher Education (CHED) sa mga estudyanteng sasagot ng form online.

OUR VERDICT

Peke:

Walang inaalok na monthly allowance ang CHED para sa estudyante sa lahat ng antas ng pag-aaral. Sinabi ng UniFAST, ang opisina sa CHED na namamahala sa financial assistance, na peke ang posts na ito.

By VERA Files

Oct 2, 2024

2-minute read
ifcn badge

Share This Article

:

May mga post sa Facebook (FB) na nagsasabing ang Commission on Higher Education (CHED) ay namimigay raw ng buwanang ayuda sa mga Pilipinong estudyante sa lahat ng antas kung sasagutan nila ang isang online form. Peke ang mga ito.

Ang mga post na in-upload noong Sept. 18 at 19 ay patuloy na kumakalat ngayong linggo.

Ayon sa isa:

“TINATAWAGAN LAHAT NANG NAG AARAL KAYO AY MAKAKATANGGAP NG MAG MAG MONTHLY ALLOWANCE MULA SA CHED. MAG PALISTA KAYO DITO FILL APAN ANG FORM NA NASA LINK

WALANG REQUIREMENTS KUNDI MAG PALISTA LANG KAYO ANG CHED NA ANG MAG AAYOS NG SCHOLARSHIP NYO”

Sinasabi ng mga post na ang mga estudyante ay puwedeng makatanggap ng P7,000 hanggang P10,000 kada buwan, depende sa kanilang antas, sakop ang elementary hanggang college.

Ang mga post na ito ay panloloko para makakuha ng personal na impormasyon.

Sa email na ipinadala sa VERA Files Fact Check noong Sept. 24, kinumpirma ng UniFAST na peke ang mga ipinakakalat na post.

Ang UniFast o Unified Student Financial Assistance for Tertiary Education ay kalakip na ahensiya ng CHED na responsable sa lahat ng pang-estudyanteng mga ayuda ng gobyerno sa mga college at university.

Ayon sa email ng UniFast:

“Please be informed that the private Facebook Group Page ‘DSWD Payout (4PS, MCCT, RCCT, UCT & TCT)’ is neither an official page nor affiliated in any way with the CHED or UniFAST. The posts claiming that CHED offers monthly allowances to students of all education levels are fake. Additionally, CHED programs specifically cater to at least incoming college freshmen.”

Source: Personal correspondence (email), UniFAST, Sept. 24, 2024

Payo ng UniFAST sa publiko: Mag-ingat sa mga social media page na nagpopost ng “fake news” at nagshe-share ng link sa mga clickbait na scam na dinisenyo para magnakaw ng personal na impormasyon.

Walang inaalok na monthly allowance ang CHED para sa estudyante sa lahat ng antas ng pag-aaral. Sinabi ng UniFAST, ang opisina sa CHED na namamahala sa financial assistance, na peke ang posts na ito.

Ang mga pekeng post ay patuloy na kumalat matapos magbahagi ang UniFAST ng tertiary education subsidy sa Pampanga noong Sept. 23.

Ang admin page ng FB group na DSWD Payout (4PS, MCCT, RCCT, UCT & TCT) (ginawa noong May 25, 2023 at may higit 486,300 members) ay apat na beses na ipinost ang pekeng ad. Nakakuha ang mga ito ng higit sa 495 likes, 420 comments at 80 shares.

Get VERAfied

Receive fresh perspectives and explainers in your inbox every Tuesday and Friday.