Skip to content
post thumbnail

FACT CHECK: HINDI totoong sinususpinde ng DTI ang lahat ng vape brands maliban sa isa

WHAT WAS CLAIMED

Suspendido ang lahat ng vape brand maliban sa X-Vape, sabi ng Department of Trade and Industry (DTI).

OUR VERDICT

Peke:

Pinabulaanan ng DTI ang pekeng advisory na nag-aanunsyo ng suspensyon ng lahat ng vape brand maliban sa isa. Inedit lang ang graphic na ginagamit ng DTI sa pag-aanunsyo ng mga vape brand na lumalabag sa batas.

By VERA Files

Oct 2, 2024

2-minute read
ifcn badge

Share This Article

:

May ipinakakalat na pekeng social media post tungkol sa pag-suspend daw ng Department of Trade and Industry sa lahat ng vape brands maliban sa isa.

Pinabulaanan ng DTI ang pekeng advisory na nag-aanunsyo ng suspensyon ng lahat ng vape brand maliban sa isa. Inedit lang ang graphic na ginagamit ng DTI sa pag-aanunsyo ng mga vape brand na lumalabag sa batas.

Sa kumakalat na post, ginamit ang mga logo ng DTI at Bagong Pilipinas – ang slogan ng administrasyong Marcos – at sinabing lahat ng vape brands maliban sa “X-Vape” ay suspendido ang lisensiya sa paglalako at pagbebenta.

Ayon sa post:

“Pursuant to Executive Order No. 913 (1983), the Department of Trade and Industry SUSPENDS THE SALE, TRADE, AND PS LICENSE (if issued) of all vape products of: All Brands Except X- Vape.

Formal charges have been filed against the manufacturers, importers, distributors, and retailers of these products for violation of Sec. 4(d) (No Tax Stamps) of Republic Act No. 11900, or the Vaporized Nicotine and Non-Nicotine Products Regulation Act.”

Nilista rin ng post ang mga parusa, gaya ng multang dalawa hanggang limang milyong piso at pagkakatanggal ng mga permit at lisensiya sa negosyo. Sampung ganitong Facebook post na ang nahanap ng VERA Files Fact Check mula Sept. 11.

Noong Sept. 20 ay nagbabala ang DTI laban sa mga pekeng post:

“The Department of Trade and Industry issues this advisory to warn the public against the circulation of fake posts and the unauthorized use of the agency’s name and logo. The public is advised to stay vigilant and only refer to posts and announcements from official DTI channels and social media pages.”

Inedit ang graphics template ng DTI sa pag-anunsyo ng suspendidong vape products para sa panlolokong ito.

Ang nakasulat na “All Brands Except X- Vape” ay ipinatong sa mga pangalan ng totoong suspendidong mga produkto.

Ang pekeng post ay ginamit ng ilang online store para magbenta ng vape, habang ang ibang netizen ay binatikos ang DTI sa pagpapabor sa isang brand lang.

Ang inedit na graphics ay ipinakalat noong parehong araw na nagbabala ang DTI laban sa apat na vape brand, at sinabing nagsampa na sila ng mga kaso laban dito dahil sa paglabag sa batas.

Siguruhing i-check muna ang official sources bago mag-share ng mga post. Napasinungalingan na rin ng VERA FilesFact Check ang iba pang pekeng graphics na ipinalabas na galing sa iba pang ahensiya ng gobyerno.

Get VERAfied

Receive fresh perspectives and explainers in your inbox every Tuesday and Friday.