Skip to content
post thumbnail

VERA FILES FACT CHECK: Pekeng DSWD pages, nagpapakalat ng PEKENG listahan ng 4Ps beneficiaries 

WHAT WAS CLAIMED

Naglabas sa Facebook ang DSWD ng bagong listahan ng mga 4Ps beneficiary

OUR VERDICT

Peke:

Mula sa mga FB page na ginagaya ang DSWD ang mga post tungkol sa bagong listahan ng 4Ps beneficiaries. Ang listahan ay luma at nagpapakita ng mga benepisyaryo ng ibang social program.

By VERA FILES

Jan 23, 2024

2-minute read

Basahin sa Ingles

ifcn badge

Share This Article

:

May mga impostor ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na nagpapakalat sa Facebook ng listahan daw ng mga bagong beneficiary ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program o 4Ps. Peke ang mga ito.

Noong Jan. 9, pinost ng ilang Facebook page at group ang listahan daw ng mga bagong kasama sa 4Ps mula Jan. 7 hanggang Feb. 10. May caption ang mga ito na: 

“~Source DSWD Official. Narito ang bagong listahan ng 4Ps at listahan na makakasama sa PAY Out. Nasa Link ang Listahan. Hanapin sa Link Ang Pangalan mo.” 

Ang mga post ay may link sa website na namumutiktik sa ads at may listahan ng 266 na tao. Maraming nagtanong ng mga detalye at umasang mapipili. 

Peke ang mga post at ang mga page at group ay hindi mula sa DSWD.

THUMBNAIL

Ang listahan ay kinuha sa Special Services Office ng Parañaque, na nagpapakita ng kanilang mga beneficiary ng Unconditional Cash Transfer noong August 2022. Hindi ito 4Ps.

/p>

Ang mga beneficiary ng 4Ps ay hindi pinipili sa online registration. Ayon sa DSWD, ang mga beneficiary ng 4Ps ay pinipili sa Listahanan, isang sistema kung saan inaalam kung sinu-sino at nasaan ang mahihirap sa buong bansa.

Ilang beses nang inireport ng VERA Files Fact Check ang website na libreng-ayuda-2022.blogspot.com dahil sa paulit-ulit na pagpo-post ng mga pekeng announcement at registration ng gobyerno.

Noong Jan. 16, in-announce ng 4Ps FB page ang pansamantalang paghinto sa registration ng mga bagong beneficiary ng 4Ps dahil naabot na ang dami ng mga target beneficiary.

Sa P245 bilyong budget para sa 2024, ang DSWD ay nangakong palalakasin ang kanilang mga programa at serbisyo at magpapatupad ng mga pagbabagong digital. 

Ayon sa social media monitoring tool na CrowdTangle, ang pekeng listahan at link ay ibinahagi sa hindi bababa sa 11 Facebook post ng mga pekeng page na DSWD News and Updates (ginawa noong Jan. 6, 2024) at DSWD 4ps Update (July 27, 2022) at mga pekeng group na DSWD NEWS AND UPDATE (Dec. 21, 2020) at Philippine Go Hiring (Jan. 8, 2023 bilang DSWD 4ps Uct Mcct Rcct Pay Out and Registration). 


May nakita ka bang kaduda-dudang status, picture, meme, o iba pang post na gusto mong i-fact-check namin? Sagutan lang itong reader request form o i-message sa Viber ang VERA, the truth bot (Philippines).


(Editor’s Note: Nakikipagtulungan ang VERA Files sa Facebook para labanan ang pagkalat ng maling impormasyon. Alamin ang iba pang tungkol sa partnership na ito at ang pamamaraan namin.)

Get VERAfied

Receive fresh perspectives and explainers in your inbox every Tuesday and Friday.