Skip to content
post thumbnail

FACT CHECK: HINDI tinalagang DOJ secretary ang dating PNP chief na si Torre

WHAT WAS CLAIMED

Itinalagang kalihim ng Department of Justice si Gen. Nicolas Torre III

OUR VERDICT

Mali:

Si Atty. Jesus “Boying” Remulla pa rin ang Justice secretary, ayon sa website ng DOJ. Kinumpirma rin ng Malacañang na may iniaalok na bagong posisyon kay Torre, pero hindi pa masisiwalat ang mga detalye tungkol dito.

By VERA FILES

Sep 2, 2025

3-minute read

Translate

ifcn badgemeta badge

Share This Article

:

Clickbait ang pamagat ng YouTube video na sinasabing itinalagang secretary ng Department of Justice ang tinanggal na hepe ng Philippine National Police na si Gen. Nicolas Torre III. Hindi ito totoo at hindi pinatunayan kahit ng mismong video.

Ang video na may pamagat na “TORRE EX-PNP CHIEF, NEW DOJ SECRETARY” ay ini-upload noong Aug. 26.

Si Atty. Jesus “Boying” Remulla pa rin ang Justice secretary, ayon sa website ng DOJ.

Wala ring announcement ang Malacañang o DOJ na pinalitan na si Remulla.

Nakasulat sa pamagat ng video na si Torre na ang bagong DOJ secretary pero walang binigay na impormasyon para patunayan ito. Hinala lang ng vlogger na dahil gusto ni Remulla maging Ombudsman at paalis na siya sa DOJ, si Torre malamang ang papalit.

Lahat ng miyembro ng gabinete ay pinipili ng Pangulo at kailangang makumpirma ng Commission on Appointments, ayon sa Article 7, Section 16 ng Konstitusyon.

Ang pinakahuling kumpirmadong pagtatalaga, ayon sa website ng CA, ay naganap noong pangatlong session ng katatapos na 19th Congress. Wala sa listahan ang kahit anong pagtatalaga sa DOJ. Noong Sept. 14, 2022 ikinumpirma ng CA ang pagtalaga kay Remulla bilang DOJ secretary.

Ang video ay ipinakalat nang ilabas ang opisyal na sulat na tinatanggal si Torre bilang PNP chief matapos lang ang tatlong buwan. Kinabukasan ay itinalagang officer in charge ng PNP si Lt. Gen. Jose Melencio Nartatez Jr.

Nananatiling pinuno ng Department of Justice si Secretary Boying Remulla taliwas sa sinabi ng isang YouTube video na pinalitan na siya ni dating PNP chief Gen. Nicolas Torre III. Bagaman kinumpirma ng Malacañang noong Agosto 27 na may bagong posisyon na iniaalok kay Torre, wala nang ibang detalyeng ibinahagi ukol dito.

Sa press conference noong Aug. 26 ay kinumpirma ni Interior and Local Government Secretary Jonvic Remulla na isa sa mga dahilan ng pagtanggal kay Torre ang hindi raw niya pagsunod sa pagsalungat ng National Police Commission sa pagbalasa niya sa matataas na opisyal, gaya ni Nartatez na pangalawang pinakamataas na opisyal ng PNP at inilipat ni Torre sa Mindanao.

Sinabi rin ni Jonvic Remulla na ang Pangulo ay nag-iisip mag-alok ng bagong posisyon kay Torre. Sa interview ng 24 Oras ay sinabi naman niya na ang posisyon ay may kinalaman sa laban ng gobyerno sa korapsyon).

Sa ibang press briefing noong sumunod na araw ay ikinumpirma rin ni Malacañang press officer Claire Castro na may iniaalok na bagong posisyon kay Torre, pero hindi pa masisiwalat ang mga detalye tungkol dito.

Ang video ay ini-upload ng YouTube channel na Jojo De Guzman KonekTV (ginawa noong March 2, 2012) at may lagpas 53,370 views, 2,700 reactions, at 860 comments.

Get VERAfied

Receive fresh perspectives and explainers in your inbox every Tuesday and Friday.