Skip to content
post thumbnail

FACT CHECK: HINDI tinulungan ni Chiz na mapauwi si Digong

WHAT WAS CLAIMED

Tinulungan ni Senate President Franciz “Chiz” Escudero na makauwi si dating pangulong Rodrigo Duterte sa Pilipinas

OUR VERDICT

Mali:

Ang picture ay kuha noon pang Sept. 28, 2016 nang bumisita ang administrasyong Duterte sa Vietnam. Kuha ito ng Presidential Photographers Division at ginamit din sa balita ng GMA tungkol sa pagsama ni Heart Evangelista sa mga opisyal ng gobyerno.

By VERA FILES

Jun 13, 2025

2-minute read

Translate

ifcn badge

Share This Article

:

May TikTok video na nagsasabing si dating pangulong Rodrigo Duterte ay makakauwi na sa Pilipinas dahil sa tulong ni Senate President Chiz Escudero. Hindi ito totoo.

Ini-upload noong June 4 ang video na ginamit ang picture ni Duterte na nasa eroplano, kasama si Chiz at iba pang opisyal ng gobyerno na kuha pa noong 2016.

Ang video ay may nakasulat na:

“Dating Pangulong Rodrigo Duterte Makakauwi na sa Pilipinas. Thank you Sen. pres Escudero”

At caption na:

“Dating Pangulong Rodrigo Duterte Makakauwi na sa Pilipinas sa tulong ng mga Senador. #PRRD #netherlands #philippines #duterte”

Ang picture ay kuha noon pang Sept. 28, 2016 nang bumisita ang administrasyong Duterte sa Vietnam. Kuha ito ng Presidential Photographers Division at ginamit din sa balita ng GMA tungkol sa pagsama ni Heart Evangelista sa mga opisyal ng gobyerno.

Kasama rito si Sen. Alan Peter Cayetano na nag-tweet din ng parehong picture noong parehong araw: “Pinoys in Hanoi! Led by Pres. Duterte. Let’s all work hard and pray for a very productive and fruitful official visit!” (Mga Pinoy sa Hanoi, magsikap tayo at magdasal para sa produktibong pagbisita ni Pangulong Duterte!)

Simula nang arestuhin si Duterte noong March 11, nasa kustodiya pa rin siya ng International Criminal Court sa Netherlands at maghihintay hanggang Sept. 23 kung kailan didinggin ang mga kaso niya dahil sa libo-libong pinatay sa kanyang drug war.

Ang video ay kumalat pagtapos batikusin si Chiz dahil sa nakikitang pagkampi niya sa mga Duterte sa pamamagitan ng pagpapatagal ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.

Ang video ay may lagpas 437,700 views, 18,500 likes, 480 comments, at 120 shares.

Get VERAfied

Receive fresh perspectives and explainers in your inbox every Tuesday and Friday.