Sa isang pampublikong pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee noong Mayo 23, anim na beses na nagbago si Agriculture Undersecretary Domingo Panganiban sa mga pahayag hinggil sa direktiba ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa unang bahagi ng taong ito na mag-angkat ng asukal.
PAHAYAG
Sa pagdinig, nag umpisa si Panganiban sa unang pagsipi kay Marcos na nagsasabing, “Tayo muna ang gumawa,” na tumutukoy sa kanyang utos na bumili ng asukal mula sa ibang bansa dahil sa kakulangan, sa isang pulong ng Sugar Regulatory Administration (SRA) sa na sinasabi lang ng pangulo, “Mag-angkat tayo.”
Binalikan din ng undersecretary ang kanyang pahayag na partikular na ipinag-utos ni Marcos, na siyang Agriculture secretary din, ang pag-aangkat ng asukal sa pamamagitan lamang ng mga piling importer.
ANG KATOTOHANAN
Sa pagsasalaysay ng mga nangyari sa pulong, unang sinabi ni Panganiban:
“We called a meeting with the Sugar Regulatory Administration and raised all these problems with them. Ang sabi ng presidente ‘Let’s do it ourselves muna’ (The president said ‘Let’s do it ourselves first.’). And so, two days after, they called again a meeting with me and several sugar importers and he told the same thing and told us that we need really to import at this point because baka tumaas pa ang inflation rate and tataas pa ang presyo ng sugar sa public market (the inflation rate may rise and the price of sugar in public markets may also increase). And so after one hour of deliberations, the president said: ‘Let’s import. Tell the public that we should be importing.’”
(“Tumawag kami ng isang pagpupulong sa Sugar Regulatory Administration at ipinaalam ang lahat ng mga problemang ito sa kanila. Ang sabi ng presidente ‘Tayo ang gumawa nito muna.’ Kaya, pagkaraan ng dalawang araw, tumawag ulit sila ng pakikipagpulong sa akin at ilang mga sugar importer at pareho ang sinabi niya at sinabi sa amin na talagang mag-angkat sa ngayon dahil baka tumaas pa ang inflation rate at tataas pa ang presyo ng asukal sa pampublikong pamilihan. At kaya pagkatapos ng isang oras na pag-uusap sinabi ng presidente: ‘Mag-angkat tayo. Sabihin sa publiko na dapat tayong mag-angkat.’”)
Pinagmulan: Senate of the Philippines, Blue Ribbon Committee (May 23, 2023), Mayo 23, 2023, panoorin mula 1:28:54 hanggang 1:29:51
Gayunpaman, nang hiniling ni Sen. Risa Hontiveros na linawin kung ano nga ba ang kautusan mula kay Marcos hinggil sa pag-aangkat ng 440,000 metriko tonelada (MT) ng asukal sa pamamagitan ng Sugar Order No. 6, sinabi ni Panganiban:
“Hindi sinabi ng presidente ‘yung ‘Let’s do it ourselves’… Ang sinabi niya ‘Let’s import.’”
(“Hindi sinabi ng presidente ‘yung ‘Tayo ang gumawa nito’… Ang sinabi niya ‘Mag-angkat tayo.’”)
Pinagmulan: Senate of the Philippines, Blue Ribbon Committee (May 23, 2023), May 23, 2023, panoorin mula 1:30:19 hanggang 1:30:23
Tinawag ni Sen. Koko Pimentel ang pansin ni Panganiban sa pagbabago ng kanyang pahayag at hiniling na balikan ang eksaktong utos ni Marcos. Inamin ni Panganiban na binanggit niya na sinabi ni Marcos na “Tayo ang gumawa nito.”
Gayunpaman, makalipas lamang ang limang minuto, muling binawi ni Panganiban ang kanyang pahayag, na nagsabing:
“Hindi po sinabi ng presidente na ‘Let’s do it ourselves’. Ako po ang nagsabi no’ng ‘Let’s do it ourselves.’ Ang sinabi po ng presidente ‘Let’s import.’”
(“Hindi po sinabi ng presidente na ‘Tayo ang gumawa nito’. Ako po ang nagsabi no’ng ‘Tayo ang gumawa nito.’ Ang sinabi po ng presidente na ‘Mag-angkat tayo.’”)
Pinagmulan: Senate of the Philippines, Blue Ribbon Committee (May 23, 2023), May 23, 2023, panoorin mula 1:40:40 hanggang 1:40:47
Nang tanungin ni Sen. Francis Tolentino kung ang direktiba na “Mag-angkat ayo” ay nangangahulugan na kailangan itong gawin sa pamamagitan ng karaniwang proseso, sinabi ni Panganiban:
“No, he said ‘Let’s import through selected importers of sugar’.”
(“Hindi, sabi niya ‘Mag-angkat tayo sa pamamagitan ng mga piling importer ng asukal’.”)
Pinagmulan: Senate of the Philippines, Blue Ribbon Committee (May 23, 2023), Mayo 23, 2023, panoorin mula 1:30:36 hanggang 1:30:41
Binalikan din ni Panganiban ang pahayag na ito makalipas ang 13 minuto nang hilingin ni Pimentel na kumpirmahin na nag-utos si Marcos ng pag-aangkat sa pamamagitan ng mga piling importer ng asukal. Sumagot siya:
“Ang sinabi lang ng presidente ‘Let’s import,’ eh.”
(“Ang sinabi lang ng presidente na ‘Mag-angat tayo,’ eh.”)
Pinagmulan: Senate of the Philippines, Blue Ribbon Committee (May 23, 2023), Mayo 23, 2023, panoorin mula 1:43:52 hanggang 1:43:54
BACKSTORY
Noong Peb. 21, hinimok ni Hontiveros ang Senate Blue Ribbon Committee na imbestigahan ang pagdating noong Pebrero 9 ng 260 20-foot container ng asukal mula sa Thailand.
Sa isang press briefing, ibinunyag ng opposition senator ang mga dokumentong nagpapakitang tatlong importer ang binigyan ng go-signal na magpasok ng 450,000 MT ng asukal nang walang importation order mula sa SRA.
Ang Sugar Order No. 6, na nagpapahintulot sa pag-angkat ng 440,000 MT ng refined sugar, ay isinapubliko lamang noong Peb. 15 nang walang pirma ni Marcos.
Nang maglaon ay inamin ni Panganiban na siya ang pumili ng tatlong sugar importer, kasunod ng isang memorandum mula kay Executive Secretary Lucas Bersamin.
Noong Marso 1, naglabas ang DA ng isang memorandum noong Peb. 27 na nag-uutos kay SRA Administrator David Alba na payagan ang pagpapalabas ng importasyon sa ilalim ng Sugar Order No. 6. Ito, ayon kay Hontiveros, ay “smoking gun” na nagpapatunay na mga matataas na opisyal ang nasa likod ang pinakabagong sugar import fiasco sa bansa.
Ang inquiry noong Mayo 23 ay ang pangalawang imbestigasyon ng Senado sa umano’y iregularidad sa mga pamamaraan ng pag-import ng SRA sa ilalim ng administrasyong Marcos. Noong 2022, isinagawa ang pagsisiyasat ng Senado upang tingnan ang isang hindi awtorisadong kautusan para sa pag-aangkat ng 300,000 MT ng asukal ng SRA.
May nakita ka bang kaduda-dudang status, picture, meme, o iba pang post na gusto mong i-fact-check namin? Sagutan lang itong reader request form o i-message sa Viber ang VERA, the truth bot (Philippines).
Mga Pinagmulan
Senate of the Philippines, Blue Ribbon Committee (May 23, 2023), May 23, 2023
Senate of the Philippines, Press Briefing with Sen. Risa Hontiveros | February 21, 2023, Feb. 21, 2023
Sugar Regulatory Administration, Sugar Order No. 6, Feb. 15, 2023
RTVMalacanang, PCO Press Briefing with DA Senior Undersecretary Domingo Panganiban 2/22/2023, Feb. 22, 2023
DA clears the release of imported sugar
- ABS-CBN News, DA clears 3 ‘handpicked’ importers to release imported sugar, March 1, 2023
- GMA News, DA issues clearance for release of flagged imported sugar, March 2, 2023
- Inquirer.net, SRA gets go-ahead to clear release of sugar imports, March 1, 2023
Senate of the Philippines, Hontiveros: Panganiban memo “smoking gun” proof of gov’t hand in sugar smuggling fiasco, March 1, 2023
(Ginagabayan ng code of principles ng International Fact-Checking Network sa Poynter, ang VERA Files ay sumusubaybay sa mga maling pahayag, flip-flops, nakaliligaw na mga pahayag ng mga pampublikong opisyal at kilalang personalidad, at pinasisinungalingan ang mga ito gamit ang tunay na ebidensya. Alamin ang inisyatibong ito at aming pamamaraan.)