PAHAYAG
“I’m addressing lahat kayo, taga-probinsya po ako, hindi ninyo ako pwedeng ma-summon na paulit-ulit. ‘Pag ginawa ninyo yan, i-snub-in ko kayo. Wala akong pera. I’m not that rich na mag-travel dito sa eroplano. Mahal ‘yan. I am… Nabubuhay ako sa retirement pay ko. So, pati itong pamasahe ko, retirement pay ko ‘yan. Wala akong negosyo ever since, gobyerno lang ako, I’ve been an employee of [the] government ever since.”
(“Sinasabihan ko kayong lahat, taga-probinsya po ako, hindi ninyo ako pwedeng maipatawag na paulit-ulit. ‘Pag ginawa ninyo yan, hindi ko kayo papansinin. Wala akong pera. Hindi ako ganoon kayaman na magbiyahe dito sa eroplano. Mahal ‘yan. Ako… Nabubuhay ako sa retirement pay ko. Kaya, pati itong pamasahe ko, retirement pay ko ‘yan. Wala akong negosyo mula pa noon, gobyerno lang ako, empleyado ako ng gobyerno mula pa noon.”)
Pinagmulan: Senate of the Philippines, Blue Ribbon Committee (Subcommittee on the Philippine War on Illegal Drugs), Okt. 28, 2024, panoorin mula 7:26:36 hanggang 7:27:15
ANG KATOTOHANAN
Noong Peb. 16, 2017, si Duterte mismo ang nagsabing hindi mahirap ang kanyang pamilya.
Nauna nang iniulat ng VERA Files na si Duterte ay mayroong hindi bababa sa P211 milyon sa bangko, na hindi niya idineklara sa kanyang Statement of Assets, Liabilities and Net Worth.