Skip to content
post thumbnail

FACT CHECK: PEKE ang kumakalat na video ng pagguho ng Skyway

WHAT WAS CLAIMED

May video na ipinamumukhang gumuho ang parte ng Skyway dahil sa lindol.

OUR VERDICT

Peke:

Sa dalawang clip na ginamitan ng AI ay mapapansin ang ilang palatandaan: hindi natural na parte ng katawan, maling galaw, at tira o sobrang piyesa.

By VERA Files

Aug 14, 2025

2-minute read

Translate

ifcn badge

Share This Article

:

May ipinakakalat na video na ipinamumukhang gumuho ang parte ng Skyway dahil sa lindol. Peke ito.

Ini-upload sa Facebook noong Aug. 8 ang video na nagpapakita ng dalawang clip ng gumuguhong tulay at may reaction ng vlogger:

“Nakakahadlok ito ng mga pangyayari mga idol. Grabe tingnan niyo mga idol. ‘Yung bagong gawa na tulay bila na lang natumba sa malakas na linog. Grabe na ito.”

Ginawa gamit ang artificial intelligence ang kumakalat na video na nagpapakita ng pagbagsak umano ng isang bahagi ng Metro Manila Skyway. Ang video ay may mga visual inconsistency na madalas makita sa AI-generated media. Mula rin ang isang clip sa isang page na nagpo-post ng AI-generated content.

May mga nag-akalang Skyway ang ipinakikitang tulay, pero tama ang mga nakapansing peke ang video, dahil ito ay ginamitan ng artificial intelligence (AI).

Ang isang clip ay ini-upload noong June 14 sa TikTok ni @the.worldai, na nagpo-post ng mga content na ginamitan ng AI. Nasa caption ng mismong clip na ginamitan ito ng AI.

At nasa bio ng mismong user ang “guide on how to create and earn from ai” na may link kung saan magbabayad para matuto kung paano gumawa ng AI content at kumita sa pagpapakalat nito.

Sa dalawang clip na ginamitan ng AI ay mapapansin ang ilang palatandaan: hindi natural na parte ng katawan, maling galaw, at tira o sobrang piyesa.

 

Walang bagong balita tungkol sa pagguho o kahit anong aksidente sa Skyway.

Noong February 2020 ay gumuho ang parte ng Skyway Stage 3 dahil sa pagkasunog ng kalapit nitong bodega sa Pandacan, pero naayos na ito noon pa.

Ang video ay ipinakalat apat na araw pagtapos magsalita ni Senador Jinggoy Estrada tungkol sa pagguho ng bagong Tulay ng Cabagan–Santa Maria sa Isabela. Ipinunto niya ang nga depekto sa disenyo at konstruksiyon ng Tulay, at nanawagan siyang panagutin ang mga sangkot sa proyekto.

Ang pekeng video ay may lagpas 966,000 views, 3,200 reactions, 660 comments, at 280 shares.

Get VERAfied

Receive fresh perspectives and explainers in your inbox every Tuesday and Friday.