Skip to content
post thumbnail

FACT CHECK: Picture ng mga bahay na lubog sa baha, HINDI sa Bulacan, kundi sa Brazil

WHAT WAS CLAIMED

May litratong ipinagmumukhang hanggang bubong daw ang baha sa Bulacan

OUR VERDICT

Mali:

Ang picture ay screenshot ng video na kinuhanan sa Rio Grande do Sul, Brazil noong nakaraang taon.

By VERA FILES

Jul 29, 2025

2-minute read

Translate

ifcn badge

Share This Article

:

Sa gitna ng pagsalanta ng Bagyong Dante at Emong sa Luzon, may picture na ipinakakalat sa Facebook na ipinagmumukhang hanggang bubong daw ang baha sa Bulacan. Hindi ito totoo.

Ini-upload noong July 24 ang picture na may nakasulat na:

“Naku po Bulacan. CTTO”

At may caption na:

“Bulacan Lubog sa tubig mga bahay bubong nalang ang nakikita. Mag iingat ang lahat #cttocredittotherightfulowner”

Ang picture ay screenshot ng video na kinuhanan sa Rio Grande do Sul, Brazil noong nakaraang taon.

Ini-upload sa TikTok noong May 6, 2024, ipinakikita sa video ang napakaraming bahay sa Rio Grande do Sul na lubog sa baha, kasama ang sikat na Arena do Grêmio stadium.

Nakasulat sa Portuguese ang caption ng video: “RS ASKS FOR HELP #ajudeors #riograndedosul” at naka-tag ang Porto Alegre, ang kapitolyo at pinakamalaking lungsod sa Rio Grande do Sul.

 

Ang baha sa katimugang Brazil noong May 2024 ay kinawalan ng bahay ng 115,000 residente at kinamatay ng 78 katao, ayon sa mga balita.

Ang picture ay ini-upload ni D-Ann N. Pabillar (ginawa noong April 29, 2014) at may lagpas 142,000 reactions, 35,000 shares at 27,300 comments.

Get VERAfied

Receive fresh perspectives and explainers in your inbox every Tuesday and Friday.