Skip to content
post thumbnail

FACT CHECK: WALANG lockdown sa NCR na dahil sa “mpox covid”

WHAT WAS CLAIMED

Ang Metro Manila ay isasailalim sa general community quarantine simula June 10 para maiwasan ang pagkalat ng “mpox covid”.

OUR VERDICT

Peke:

Ang picture ay inedit na newscard ng ABS-CBN noon pang 2020.

Nilinaw naman ng DOH na hindi kailangang mag-lockdown kahit saan dahil ang mpox ay hindi nabubuhay sa hangin.

By VERA FILES

Jun 5, 2025

2-minute read

Translate

ifcn badge

Share This Article

:

May Facebook page na nagsasabing ang Metro Manila ay isasailalim sa general community quarantine simula June 10 para maiwasan ang pagkalat ng “mpox covid”. Peke ito.

Walang sakit na pinagsamang monkeypox at coronavirus disease. Ang mpox at covid ay magkaibang nakahahawang sakit.

Ini-upload noong June 1 ang picture ay may nakasulat na:

“METRO MANILA PLACED UNDER GENERAL COMMUNITY QUARANTINE JUNE 10, 2025”

At may dagdag na caption na:

“Bilang pag hahanda at pag iingat, tuluyan nang isasailalim sa general community quarantine simula Hunyo 10 ang National Capital Region kung saan matatagpuan na rin ang dumaraming kaso ng Mpox Covid 19 variant sa bansa.”

May Facebook page na nagsasabing isasailalim ang Metro Manila sa GCQ simula June 10 dahil sa “Mpox COVID-19” variant. Peke ito.

Ang picture ay inedit na newscard ng ABS-CBN noon pang 2020.

Nilinaw naman ng Department of Health na hindi kailangang mag-lockdown kahit saan dahil ang mpox ay hindi nabubuhay sa hangin.

Dagdag pa ng DOH: “Mas marami pang mpox noong 2024. Mas marami ring naitala noong Abril kaysa ngayong Mayo 2025. Nagkataon lamang na naghe-headline dahil aktibo at nag-aanunsyo na ngayon ang mga LGU.”

Noong May 31, sinabi naman ng DOH Assistant Secretary na nakapaglista sila ng 911 kaso ng mpox simula noong nakaraang taon at 1,774 kaso ng covid nitong nakaraang buwan.

Ang pekeng announcement ay may link sa e-commerce website. Ini-upload ito ng page na Gov.ph Update (ginawa noong May 5, 2025) at nakakuha ng 490 interactions.

Get VERAfied

Receive fresh perspectives and explainers in your inbox every Tuesday and Friday.