Ginoong Pangulo:
Sa paglilitis na ito, ang aking boto ay para … sa kasagraduhan at kapangyarihan ng Saligang Batas ng Republika ng Pilipinas.
Mr. President, if there is one thing that our Nation would have learned in this Impeachment Process, it is this: that we must renew our respect for and protect the sanctity and the primacy of the Constitution of our Republic.
Ang ating Saligang Batas ay sagrado – at walang sinumang kapangyarihan sa ating bansa ang mas mataas pa dito.
Ito ay sagrado – lahat ay dapat sumunod dito … ipatupad ito … at igalang ito.
Ito ay sagrado – kaya lahat ng lingkod-bayang ibinoto o inappoint sa tungkulin ay pinasusumpa na ito ay itataguyod at ipagtatanggol.
Ang hindi pagsunod … ang hindi pagtupad … at ang hindi pagtatanggol sa ating Saligang Batas … ay isang malinaw … na paglapastangan sa pinakamataas na batas ng ating Republika.
At sa kasong pong ating nilitis, Ginoong Pangulo, pinag-aralan ko ang mga sumusunod: nagkaroon ba ng paglabag at ng paglapastangan sa sagradong Saligang-Batas ng Pilipinas? At kung nagkaroon nga, ang lumabag at lumapastangan ay dapat bang hindi na payagang magpatuloy sa kanyang puwesto at tungkulin?
Inihayag ba ng nasasakdal ang LAHAT ng assets, liabilities at net worth niya bilang pagsunod sa utos ng Saligang Batas? Ang sagot ko: hindi po ginawa.
Nagkaroon ba ng bahid ang kanyang integrity at probity sa panahon ng kanyang panunungkulan sa pinakamataas na korte ng bansa? Ang sagot ko: opo, nagkaroon po ng malaking bahid.
Nilabag ba niya ang utos ng Saligang Batas na siya ay dapat maging “accountable to the people” sa lahat ng pagkakataon, at maglingkod nang may “utmost responsibility, integrity and loyalty”? Ang sagot ko: opo, nilabag po.
One action of the accused stood out, Mr. President.
Mula mismo sa mga labi ng nasasakdal, inamin niya na nakadeposito sa iba’t ibang mga bangko ang mga salapi niya na nagkakahalagang walumpung milyong piso at 2.4 million dollars. Pero, nasaan ito sa kanyang sinumpaang statement of assets, liabilities and net worth? Idedeklara lamang ba ito kung kailan gugustuhin ng isang mataas na opisyal? Puwede ba siyang magtago sa likod ng Foreign Currency Deposits Act?
Mr. President, ito ay isang pagbaluktot ng provision ng Constitution . How could one man use the very same constitution which mandates full public disclosure to justify the concealment of millions of dollars in his personal bank accounts?
This is Constitutional Perversion in its ultimate form.
Ginoong Pangulo, sino po ba ang inaasahan ng ating bansa at lipunan para maging pangunahing tagapagtanggol ng Saligang Batas? Hindi po ba’t ang Korte Suprema?
Anong aasahan nating pagtatanggol kung ang mismong pinuno nito ang unang humahanap ng butas na babaluktot dito sa ating Saligang Batas?
Ang Saligang Batas ay sagrado. Anumang paglusot sa mga utos nito; anumang pagbaluktot dito ay paglabag at pambabastos sa pinakamataas na Batas ng bansa.
The Constitution, above all.
Ginoong Pangulo, batay sa ebidensiya; sa mismong mga sinabi at pag-amin ng nasasakdal … at bilang pagkilala sa kasagraduhan ng Saligang Batas ng Pilipinas … ang hatol ko ay ito:
Ang nasasakdal na Punong Mahistrado ng Korte Suprema … ay hindi na karapat-dapat sa pagtitiwala ng sambayanang Pilipino.
Mr. President, I vote … to convict … the accused Chief Justice of the Supreme Court.
CLOSING NOTE
The facts are indisputable, the applicable laws are clear, and the Constitution leaves no room for perverted interpretations. Renato C. Corona failed to comply with a Constitutional duty. He has failed to present convincing evidence to support his acts and omissions. He brazenly presented a twisted interpretation of the Constitution to justify his violations.
While the highest law of the land recognizes distinctions in rank, it must not be read to create distinctions in accountability. For this reason, Renato Corona, Chief Justice of the Supreme Court of the Republic of the Philippines, must be removed from office after having been found guilty of two serious and impeachable offenses: culpable violation of the Constitution and betrayal of public trust.