Senate press briefing of former Davao police officer Arthur Lascanas, February 20, 2017.
Ako po si Arturo Barikit Lascañas, 56 years old, isa pong retiradong pulis na miyembro ng Davao City Police Office. Ako po ay pinanganak at tubong Davao City. Dito sa gagawin kong isang public confession, ito po ay pagsunod ko po sa kagustuhan ng Diyos, at labis na takot sa Diyos, pagmamahal sa bansa natin at sa sarili ko pong konsensiya. Dahil po dito, dito po nagwakas ang blind obedience and loyalty ko sa isang tao – kay Mayor Rodrigo Roa Duterte, na ngayon po ay Presidente ng bansa natin.
Dito po, una ko pong tatalakayin ang mga sinasabi ni Edgar Matobato. Totoo po ang existence ng Davao Death Squad o DDS. Si Edgar po ay isa sa miyembro namin, at isa po ako sa pasimuno nito. Ang pag-umpisa po ng Davao Death Squad, before po ito nag-umpisa, sa una pong pag-upo ni Mayor Duterte bilang Mayor ng Davao City ay nag-umpisa na po kami na tinatawag ng ‘salvaging’ ng mga tao. Ito po ay mga suspect na gumagawa ng krimen sa Davao about illegal drugs. Naimplementa na po namin ang personal po na utos ni Mayor Rody Duterte sa amin.
Lumabas po ang pangalan na ‘Davao Death Squad’ noong ni-raid namin iyong isang drug den sa Bacaca Heights, Davao City. Dito po, ang City Director ng Davao kung hindi ako nagkakamali ay si Col. Isidro Lapeña. Dito po naatasan si Major Ildefonso Asentista, na mag-compose ng grupo na gagawa ng assault dito sa bahay ng isang Alan Cancio na believed to be a drug lord. Nag compose po kami ng grupo – ako po, si Major Asentista, SPO3 Gerry Baguhin, SPO4 Fulgencio Pabo, SPO1 Jim Tan, SPO1 Obales at may iba pa po. At dito kinuha po namin ang serbisyo ng tinatawag na rebel returnees na galing sa Agdao area, ito po ay led by one Chris Lanay. Gi train po namin sila sa pag assault sa bahay na iyon, doon po sa Laud Quarry, led by SPO4 Ben Laud. After five days of training ni raid namin yung bahay ni Alan Cancio, led by Chris Lanay at saka yung mga dating rebel returnees ng New People’s Army. Dito po napatay ang katulong ni Alan Cancio. Wala po kaming nakuhang shabu. At dito nag umpisa ang Davao Death Squad, dahil po may iniwan kaming note na “ito ‘wag pamarisan” and then nakalagay doon “Davao Death Squad.” Ito po ang umpisa. Sa lahat po ng ginagawa naming pagpatay sa Davao City – ilibing man o itapon namin sa laot – ito po ay binabayaran kami ni Mayor Rody Duterte kadalasan 20,000, minsan 50,000 at depende po sa status ng target, minsan 100,000. Ako po ay tumanggap ng allowance galing sa Office of the Mayor na matagal ng panahon. Tumanggap ako ng P100,000.
Una ko pong tatalakayin yung sinabi ni Edgar Matobato noon sa Senado – ‘yun po ang bombing ng mga Muslim mosque – ito po ay totoo. Isa po ako sa inutusan ni Mayor Rody Duterte – personal. Ako, si Major Macasaet, Major Asentista, SPO4 Binlaod, SPO4 Desiderio Floribel, SPO4 (the late) Boy Pabo, SPO3 Cherry Baguhin, SPO3 Teodoro Pagidupon and SPO2 Jun Larisma. Nung nangyari po ang pagbomba sa San Pedro Cathedral, kung hindi ako nagkamali two days after two days after, pumunta si Mayor Rody sa opisina ng Anti-Crime Group. At dahil kami po ang core group, kami lang po ang personal na inutusan niya na gumanti sa pagbomba ng San Pedro Cathedral sa pamamagitan ng pagbomba sa mga Muslim Mosque na within the EOR of Davao City. Hinati po ang grupo namin sa tatlong group, with the support of the rebel returnees group. Ang grupo ko po ay pinangunahan ni SPO4 Dick Loribel, ako, si SPO4 Boy Pavo at isang RRE o rebel returnee na tinatawag na ‘force multiplier.’
Na-assign po kami na bombahin ang Camamara Muslim Mosque along the Diversion Road ng Davao City. Binomba po namin ang Camamara Mosque gamit ang granada. Iyong grupo ni Edgar, sa ibang sulok sila ng Davao City. And then po the following day, nag-announce po si former Senator Nene Pimentel na mayroong anarchy sa Davao City. And then dahil po doon, nagbigay sa amin ng instruction ang task group commander namin na si dating Major Macasaet na to stop the bombing operation, baka magkaroon ng isang Senate inquiry. And then for several days, binigyan kami ni Major Macasaet ng 200 thousand pesos. Ang sabi niya, mayroong pinadala si Mayor Rody na 300 – sa amin ang 200 thousand, sa kaniya ang 100 thousand.
Dito po, patutunayan ko na totoo ang sinasabi ni Edgar Matobato. May isa pang incident – ito po ay paggawa namin na pag-massacre sa isang buong pamilya na taga-General Santos City. Ang nangyari po ay ganito: Merong kaso sa Davao City noon, way back twenty plus years ago, merong kinidnap na isang Misis Abaca sa Davao City. Kami po ang naatasan ni Mayor Duterte, personal na to conduct an investigation and hot pursuit operation sa mga suspect. Nagbuo po ng isang team si Major Macasaet. SPO4 Dick Floribel ang team leader namin, si SPO4 Ben Laud, SPO4 Boy Pavo, SPO3 Gerry Baguhin, SPO3 Teodoro Paguidupon and myself. Nalibot namin ang sulok ng South and North Cotabato. Pero hindi namin na-solve ang kaso. Na release si Misis Abaca, kung hindi ako nagkamali for several months.
And then, for more a month, or several months nakatanggap si SPO4 Dick Loribel ng isang ‘A1 Information’ galing sa kaniyang kaklase, na isa ring police. Kaklase niya sa isang police schooling na taga-General Santos City Police Office. Ito po ay si Inspector Patayan. Ang information na natanggap niya na alam ni Inspector Patayan kung sino ang financier, sino ang responsable at sino ang mastermind sa pag-kidnap kay Misis Abaca.
Personal pong ni-relate namin kay Mayor Rody Duterte ang natanggap na information ni SPO4 Dick Loribel. Ang instruction ni Mayor Duterte, I-follow-up sa GenSan, Kausapin ang source of information. And agad-agad po, pinuntahan namin sa General Santos City at doon na-meet ko personal, ng grupo namin si Inspector Patayan, malapit sa City Hall ng General Santos City.
At dito ni-relate lahat ni Inspector Patayan ang sinasabi niyang “A1 Information”. Kung hindi ako nagkamali, pagbalik namin sa Davao City, dala namin si Inspector Patayan, para personally i-relay niya kay Mayor Rody Duterte ang kaniyang natanggap na impormasyon. At sa Davao City po, personal na nakausap ni Inspector Patayan, kami, si Mayor Duterte at si Major Macasaet.
And after that, gumawa po ng operational plan si Major Macasaet. As per approval ni Mayor Duterte, nag-order siya na puntahan namin ang lugar, at yung sinasabi ni Inspector Patayan na mastermind o possible financier ng pag-kidnap kay Misis Abaca na tawagin ko na lang pong, siya po ay si Mister Patasaha. Kung hindi ako nagkamali.
Dahil po sa information ni Inspector Patayan, nakuha namin si Mister Patasaha. Hinarang namin ang kaniyang sasakyan, na isang Ford Fiera type van, kung hindi ako nagkamali, color blue. At dito nadiskubre namin na kasama ang kaniyang buong pamilya. Yung kaniyang buntis na asawa na seven months old, ang kaniyang anak na four o five year old. Ang kaniyang manugang na seventy plus year old na lalaki, ang katulong na babae, ang kaniyang helper na lalaki na onboard sa likod ng sasakyan. Kinuha namin si Mister Patasayan, ako ang nag-drive sa kaniyang sasakyan, nilipat namin ang kaniyang misis sa likod ng kaniyang sasakyan, nasa front, pinagitnaan namin siya ni SPO4 Ben Laut.
As per order po ng team leader namin na si Dick Cloribel, dinala namin ang sasakyan going to Davao City, pero while on mobile-ling nag-order si SPO4 Cloribel, noong lumabas na kami sa siyudad ng General Santos City, going to Malungin area ng Sarangani province, itinabi ko ang sasakyan. Dito po inilipat namin ang buong pamilya.
Ang dala naming sasakyan ay Tamaraw FX van type, color white at yung pick-up nadala ni SPO4 Cloribel na Toyota Hilux. Ang sasakyan ni Mister Patasaha ay pinarking ko doon sa isang madamong lugar along the highway. In short po, nadala namin si Mister Patasahasa sa Laud Quarry as instruction ni Dick Cloribel. At dito sa Laud Quarry, may isang bahay na doon nilagay namin si Mister Patasaha, yung kaniyang manugang na lalaki, yung helper na lalaki at saka yung katulong na babae. Si Misis Patasaha na sa labas doon sa isang open na kubo at saka yung isang anak na four o five year old na lalaki.
Dito nag-conduct ang grupo namin ng initial na investigation about sa kidnapping na allegedly, itong subject na tao na pinangalanan kong Mister Patasaha ay isa sa mga financier o mastermind. For more than hour, inutusan ako ni SPO4 Cloribel na drive-an ko ang van type namin na sasakyan dahil puntahan namin si Mayor Rodrigo Duterte, para i-report niya ang initial findings niya sa kaniyang investigation about sa subject na tao at i-explain din niya kung bakit nadala ang buong pamilya. Pumunta po kami sa isang lugar sa Ecoland, Davao City at doon po si Mayor at doon din po si Major Macasaet.
Ako, si Dick Cloribel, si SPO4 Paguidupon ang pumunta. Ako ang nag-drive sasasakyan namin. At dito po nilatag lahat ni SPO4 Cloribel ang kanyang initial findings ng kaniyang investigation. At dahil dito, nag-comments si Major Macasaet na positive itong subject, na involved sa kidnapping dapat erase na, at erase ang lahat. Meaning, patay na, at patayin ang lahat.
Dito po nagbigay ng go-signal si Mayor Rody Duterte. Ang sabi niya: “Sige, limpio lang.” Bisaya parlance po ito. Ang ibig pong sabihin “Sige malinis lang”. In short po, bumalik kami sa quarry. Doon sumunod si Major Macasaet. Nagdala pa siya ng pansit, tinapay at soft drinks, dahil ang naiwan na mga kasama namin sa quarry wala pang pagkain.
Dito po, meron silang conversation ni SPO4 Cloribel at umalis si Major Macasaet. Siguro, for more than an hour, nag-confirm sa amin si SPO4 Cloribel, na very clear ang order ni Mayor Rody Duterte, erase lahat.
Isa po ako sa nag-protest at si SPO3 Jerry Baguhin, na isa lang ang taong target natin bakit ma-sama itong buntis, ma-sama itong anak na four year old, ma-sama itong matanda at ma-sama itong dalawang katulong na lalaki at babae. At dahil sa pag-insist ko po at walang sumuporta, hiningi ko na lang ang bata na lalaki na dalhin ko ito sa Butuan City at doon iwanan ko sa isang bus terminal. Sumuporta sa akin si SPO3 Jerry Baguhin. Pero isa sa grupo namin ang nag-comments na: Paglaki ng batang iyan, makilala pa rin niya ang mukha namin. At kami, hindi na namin siya makikilala. Baka ito gagawa ng pagganti dahil inubos natin ang buong pamilya niya. Dito po walang nagsuporta. Dito, evil prevailed. Napatay po ang buong pamilya sa harap ko, using a caliber .22 with a silencer. And the rest po is history. Ilang araw po ito, tinawag kami ni Major Macasaet. At mayroong binigay na pabuya galing daw kay Mayor Rodrigo Roa Duterte.
Isa pa pong kaso na tatalakayin ko sa inyo, ay ang pagpatay kay Jun Porras Pala. Isa po ako sa gi-hire ni Mayor, thru SPO4 Sonny Buenaventura, yung kanyang trusted aide and driver. Gi-hire ako ni Sonny sa halaga po na three million pesos. Dahil sabi ni Sonny, galit na galit si Mayor Rody kay Jun Pala. Dahil sa palagi niton atake araw-araw sa radyo. Tinaggap ko po ang kontrata. Kinontak ko si SPo1 Jim Tan, ng Santa Ana police, Davao City. Dahil si Jim po ay may maraming tinatawag namin na players. Meaning, mga hitman or tirador. Sinabi ko kay Jim Tan na ang offer na kontrata ni SPO4 Sonny Buenaventura ay two million. Pumayag si Jim Tan. At mayroong binigay na five hundred thousand pesos na operational fund. Sa madaling sabi po, kami ang nagplano na i-assassinate si Jun Porras Pala. Gumawa kami ng pag-ambush kay Jun Pala two times, two times din siyang nakaligtas.
Dito ginamit ni Jim Tan ang kanyang mga players. Na ito po ay sina Valentin Duhilag, Roland Duhilag, Alan Duhilag at isang alyas Joy. Ito po sila ay mga rebel returnees sa Mandog Area ng Davao City. Nakalipas po ang ilang buwan nag-lie low kami. And then sa isang sitwasyon nagkita kami ni Mayor Rody. May isa pong mall sa Davao City, nag-kape ako. At duon po sa third floor, nakita ko si Mayor Duterte na walang security. Nilapitan ko siya at ang bulong niya sa akin, sa Bisaya: “unsa man ang nahitabo sa pag-ambush ninyo kay Jun Pala?” [What happened to the ambush you staged against Jun Pala?] Ang sabi ko sa kanya: ‘I’m sorry sir.” Ang sagot naman niya sa akin: “Take time, ayaw pagdali.” [“Take your time, don’t be in a hurry”] And then Naghiwalay kami ng landas.
For several months pa, in-introduce sa akin ni Sonny Buenaventura si Jerry Trucio, ito po ay isang rebel returnees na empleyado din ng city hall. Si Jerry Trucio po ay isa mga part time bodyguard ni Jun Pala. Gi-hire siya ni Sonny Buenaventura para gawin naming intelligence doon sa grupo ni Jun Pala sa halaga po na three hundred-fifty thousand pesos. Pumayag si Jerry Trucio. Dito po nagkaroon kami ng malinaw na idea doon sa weakest point ni Jun Pala. At sa madaling sabi po. Isang gabi, nagbigay sa amin si Jerry ng impormasyon na si Jun Pala ay maglaro ng tong-its sa kaniyang kapit-bahay, at dito kasama si Jerry. Ang gagawin lang signal ay two miscalls. Nangyari po ito. Tinawagan ko po si Jim Tan. Mayroon kaming code na ‘it’s showtime’. Proceed si Jim Tan onboard sa isang Toyota FX na four doors, kasama po itong Duhilag brothers. In short of the story, napatay si Jun Pala.
Two days after, binigyan kami ni Mayor Rody Duterte, through SPO4 Sonny Buenaventura ng 3 million pesos. Hinati namin ni Sonny Buenaventura ang one million, and then gi-present ko kay Jim Tan ang two million pesos. Binigay ni Jim Tan sa akin ang one million, kay Jim Tan ang one million – para sa kaniya at sa kaniyang players.
At for several months kung hindi ako nagkamali, tinawag ako ni Sonny Buenaventura through cellphone, nag-advise sa akin na mag-proceed sa bahay ng girlfriend ni Mayor Rody Duterte sa Ecoland. Kasi doon, magbigay pa si Mayor Rody ng bonus sa amin. Ang sabi ko kay Sonny: “Magsama ba kami?” Sabi niya, “Tapos na ako. Kunin mo ang one million mo doon.” Pumunta ako mag-isa, pumasok ako sa bahay at doon sinabi ni Mayor Rody sa akin ang one million. Sabi niya, one million – tinanggap ko at sabi ko, “Salamat, sir…” and then umalis ako. Ito po ang buong katotohanan sa Pala Murder Case. Consider na po ito ngayon as ‘solved’. Isa ako sa nagpatay kay Jun Pala.
Isa pa po tatalakayin ko na kaso, ay ito po ang tao na pinahuli sa amin ni Mayor Rody Duterte. Ito po ay notorious na dating sundalo ng Philippine Constabulary. Nabanggit po ito ni Edgar, ito si Jun Versabal. In short po, nakuha namin ito sa Kaputian, Samal, recorded po ito ng pulis ng Samal dahil ang pag-aresto po namin ay covered kami ng warrant of arrest. At dito po, dinala namin siya personal kay Mayor Rody Duterte, at dito nakausap siya ni Mayor at minura ni Mayor Rody. Ang sabi ni Mayor sa amin, in Visayan: “Lubaan na ninyo” – meaning patayin ninyo na ‘yan.
Dito nahirapan kami, kasi na-present ito sa Kaputian Police. Ang kasama ko po na nag-present sa kaniya, si SPO3 Jerry Baguhin, si SPO4 Boy Pavo, at dito po nahirapan kami. Pero ang ginawa namin pinuntahan namin ang Chief of Police ng Sigaboy Police Station, kasi dito po na-issue ang warrant of arrest from the Davao Oriental Court. Dahil dito kinausap namin ang Station Commander ng Sigaboy, na noon po ay si Inspector Rommel Mitra. Dito po binigay namin kay Inspector Mitraang gusto ni Mayor. Pumayag po si Inspector Mitra dahil notorious nga itong taong ito – si Jun Versabal. Sabi namin kay Inspector Mitra, “Pirmahan mo lang iyong logbook namin, na you received the living body of Jun Versabal.” Pagkatapos dito, i-scenario mo mamayang gabi na si Jun Versabal ay naka-escape dahil sa gabi ngayon, pag-uwi namin ng Davao along the way, itatapon namin ang katawan ni Jun Versabal.
Nangyari po ito, nakita si Jun Versabal bandang Compostela Valley, patay na. Dito po nakasuhan po kami at ang Sigaboy Police. Pinatawag kami sa Commission on Human Rights ng Davao City. At dahil po dito, gi-present namin iyong logbook na na-received ang katawan ni Jun Versabal, buhay, ng Sigaboy Police. At dito, hindi kami nasama sa kaso. Ang nakasuhan lang po, iyong isang pulis na kinausap namin na huwag siyang mag-alala kasi si Mayor Rody na lahat ang bahala. In fact, gi-present namin siya bago kami nag-present sa CHR ng Davao City, personal kay Mayor Rody at si Inspector Mitra. At sinabi ni Mayor Rody na huwag siyang mag-alala, siya ang bahala lahat, pati na sa kaniyang salary sa pulis na mawala kung ma-suspended siya. At dahil po doon sa kaso niya sa Human Rights, na-suspended itong pulis na ito – pagkaalam ko six months, pero kuntento naman siya sa kaniyang suspension. Ito po ang buong katotohanan.
Isa pa po, dahil po sa my blind loyalty and obedience kay Mayor Rody Duterte at sa kaniyang campaign against criminality and illegal drugs, dito po nakagawa ako ng isang, a lethal judgment call that lead to the untimely death of my two brothers. Sila po ay involved sa illegal drugs, gumamit ng illegal drugs at nagproteksiyon. Napakasakit po ang ginawa kong desisyon. Wala pong nakakaalam nito, except ako lang. Alam ko ngayon, iyong mga pamangkin ko na nalaman nila na isa ako sa instrumento sa pagkapatay ng dalawa kong kapatid, si Cecilio at si Fernando. Tanggap ko po kung anong mangyari sa akin. Dahil po sa sobra kong loyalty sa kaniyang campaign, nagawa ko po ito – sarili kong dalawang kapatid, pinapatay ko.
Panawagan ko po sa mga kasamahan ko sa Pambansang Kapulisan, na hindi po solusyon ang pagpatay. Managot po tayo sa batas ng tao at batas ng Diyos. Uusigin tayo ng konsensiya natin, hanggang sa katapusan ng angkan natin kung dalahin natin ito sa libingan natin. Mapatay man ako o papatayin ako, kontento na ako na nagawa ko ang promise ko sa Diyos – magsagawa ng isang public confession. Na sana po, darating ang panahon na magkaroon tayo ng isang Pambansang Kapulisan na totoo po na may dangal, maka-Diyos, makabayan at makatao; na totoo po ang tungkulin, ang kaniyang sinumpaang tungkulin na magsilbi sa bayan. To serve and protect, para po sa ikabubuti ng nakararami. Hindi po to serve and collect.
God bless po sa bansa natin at sa Pambansang Kapulisan. Salamat po.
Source: News and Information Bureau, Presidential Communications Operations Office. View PDF file here.