Skip to content

User need Archives

‘Sinimulan ko, tatapusin ko hanggang makamit ang hustisya’

Nangako si Emily Soriano sa harap ng bangkay ng kanyang 15-taon gulang na anak na si Angelito na panagutin ang mga taong responsable sa kanyang pagkamatay. Pakinggan dito sa episode ng What the F?! Podcast kung bakit patuloy na lumalaban si Emily para makamit ang hustisya, hindi lang para kay Angelito kundi sa lahat ng mga biktima ng drug war.

‘Sinimulan ko, tatapusin ko hanggang makamit ang hustisya’

’DOTA player ang anak ko, hindi nagdo-droga’

Isa si Christine Pascual sa mga nanay na nagreklamo laban kay dating pangulong Rodrigo Duterte sa ICC matapos mapatay ang kanyang anak dahil sa madugong war on drugs. Iyon na lang kasi ang nakikita niyang paraan para mapanagot si Duterte at mga kasabwat nito sa pagkamatay ng 17-taon-gulang na si Joshua. Pakinggan sa Episode 3, Season 2 ng What the F?! Podcast.

’DOTA player ang anak ko, hindi nagdo-droga’

Hanggang may buhay, handang lumaban

Dalawang anak ni Llore Pasco ang namatay dahil sa drug war sa ilalim ng administrasyon ni Rodrigo Duterte. Sa halip na magmukmok, sumapi siya sa Rise Up for Life and for Rights para bigyang hustisya ang pagkamatay ng kanyang mga anak.

Hanggang may buhay, handang lumaban

‘Nagpatay-patayan ako’

Nagpatay-patayan si Efren Morillo para makaligtas sa Oplan Tokhang noong 2016. ‘Yung apat na kasama niya patay lahat. Pinaghinalaan silang nagdodroga. Pakinggan natin ang kwento ni Efren dito sa Episode 1 ng Season 2 ng What the F?! Podcast ng VERA Files.

‘Nagpatay-patayan ako’