Skip to content
post thumbnail

VERA FILES FACT CHECK: Ang bagyong Hanna ay HINDI doble ang lakas kaysa Yolanda

WHAT WAS CLAIMED

Ang hagupit ng bagyong Hanna ay doble kaysa Yolanda

OUR VERDICT

Mali:

“Hindi naman po [totoo]. Oo, malayo po,” sabi ni Beni Estareja, weather specialist II ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) sa VERA Files sa isang telephone call noong Sept. 4.

By VERA Files

Sep 13, 2023

2-minute read
ifcn badge

Share This Article

:

Ilang video sa Facebook at YouTube ang nagsasabing ang hagupit ng bagyong Hanna ay doble kaysa Yolanda.

BAGYONG ‘HANNA’ DOBLE ANG LAKAS SA YOLANDA! NAKAKATAKOT,” sabi ng mga video na inupload noong Aug. 30.

Wala itong katotohanan. “Hindi naman po [totoo]. Oo, malayo po,” sabi ni Beni Estareja, weather specialist II ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) sa VERA Files sa isang telephone call noong Sept. 4.

Ayon sa PAGASA, umabot ng 155 kilometro kada oras ang lakas ng hangin malapit sa mata ng bagyong Hanna at umabot ang pagbugso nito sa 255 kilometro kada oras. Sa kasalukuyan, nasa labas na ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ang bagyo.

Ang Yolanda ay isa sa pinakamalakas na bagyong naitala sa kasaysayan ng mundo. Noong Nov. 8, 2013, alas-siyete ng umaga, binalita ng PAGASA na umabot ng 235 kilometro kada oras ang lakas ng hangin malapit sa mata ng bagyo at may pagbugsong itong umabot ng 275 kilometro kada oras. 

Pinaalalahanan ng PAGASA ang publiko na ’wag basta-bastang maniwala sa mga kaduda-dudang source. Sa halip, sumubaybay raw sa official social media accounts ng PAGASA (Facebook at Twitter) at mga news organization.   

Ang video na may maling impormasyon ay inupload habang papasok ang bagyong Hanna sa PAR. Ang video ay nagka-125,464 interactions sa Facebook page na Deandre Mejia (na ginawa noong Jun. 15, 2023) at 202,216 interactions sa YouTube channel na Balitang Pinas (na ginawa noong Nov. 20, 2019).

 

May nakita ka bang kaduda-dudang status, picture, meme, o iba pang post na gusto mong i-fact-check namin? Sagutan lang itong reader request form o i-message sa Viber ang VERA, the truth bot (Philippines).

(Editor’s Note: Nakikipagtulungan ang VERA Files sa Facebook para labanan ang pagkalat ng maling impormasyon. Alamin ang iba pang tungkol sa partnership na ito at ang pamamaraan namin.)

 

Get VERAfied

Receive fresh perspectives and explainers in your inbox every Tuesday and Friday.