Sa kabila ng matinding pagtutol ng mga kinatawan ng mga nagbibisikleta at nagmomotorsiklo, ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ay naninindigan sa kanilang panukala para sa isang shared lane sa EDSA bilang bahagi ng isang diskarte upang maibsan ang matinding trapiko sa kahabaan ng daan.
Sinabi ni MMDA Chair Romando Artes na pinag-aaralan ng ahensya ang mga opsyon para sa existing lane na para lamang sa mga bisikleta. Gayunman, ito aniya ay proyekto ng Department of Transportation (DOTr) na may pinal na desisyon kung ano ang gagawin dito. Magsusumite lamang ng mga rekomendasyon ang MMDA.
Narito ang pagbabago ng posisyon ng MMDA kaugnay ng paninindigan nito sa eksklusibong daanan ng bisikleta sa EDSA sa gitna ng pagtutol ng mga stakeholder, kabilang ang pagpataw ng multa para sa mga makakapasok dito:
BACKSTORY
Sa pagpupulong ng mga stakeholder noong Ago. 29, tinutulan ng mga kinatawan ng mga nagmomotorsiklo at nagbibisikleta ang panukala ng MMDA, na binanggit ang mga alalahanin sa kaligtasan para sa mga gumagamit ng kalsada.
Ipinaliwanag ni transport economist Robert Siy Jr. ng Move As One na kailangang humanap ng paraan ang gobyerno para protektahan ang mga siklista.
Sinabi niya: “Ang parehong prinsipyo ay naaangkop sa bike lane. Kailangan nating magkaroon ng bike lane doon para kapag ang isang siklista ay kailangang gumamit nito, siya ay mapoprotektahan at makararamdam na ligtas.”
“We cannot put out ‘yung aming right because of volume sa dami ng motorsiklo sa bansa para agawin ‘yung lane ng ating mga siklista. May halaga din ho ‘yung buhay nila so one life sacrificed is one too many already,” said Jobert Bolanos, head of Motorcycle Rights Organization.
(“Hindi namin mailalabas ‘yung aming karapatan dahil sa dami ng motorsiklo sa bansa para agawin ‘yung lane ng ating mga siklista. May halaga din ho ‘yung buhay nila kaya ang isang buhay na isasakripisyo ay napakarami na,” ani Jobert Bolanos, pinuno ng Motorcycle Rights Organization.)
Parehong nanawagan sina Siy at Bolanos sa gobyerno na muling pag-aralan ang kanilang mga prayoridad sa road sharing upang ligtas na mapagbigyan ang lahat ng gumagamit ng kalsada.
“Kailangan din nating tingnan ang mas mahusay na paggamit ng ating espasyo sa kalsada. Ngayon, alam nating karamihan sa ating kalsada ay inookupahan ng mga sasakyang de-motor na may apat na gulong. Ang karamihan sa ating lahat ay hindi may-ari ng kotse at umaasa tayo sa pampublikong sasakyan, motorsiklo, bisikleta o paglalakad para makalibot. Ito ang aming apela din sa MMDA,” dagdag ni Siy.
Nakipag-ugnayan ang VERA Files Fact Check sa MMDA para itanong kung kailan matatapos ang pag-aaral sa shared lane. Tumugon ang Public Concerns and Response Management Unit ng MMDA noong Set. 8 na wala pang desisyon kung kailan matatapos ang pag-aaral at hiniling nila sa mga stakeholder na magsumite ng mga position paper sa usapin.
May nakita ka bang kaduda-dudang status, picture, meme, o iba pang post na gusto mong i-fact-check namin? Sagutan lang itong reader request form o i-message sa Viber ang VERA, the truth bot (Philippines).
Mga Pinagmulan
MMDA Facebook Page, LIVE: PULONG BALITAAN NG MMDA UKOL SA RESULTA NG ISINAGAWANG STAKEHOLDERS’ MEETING NA MAY KINALAMAN SA EDSA BIKE LANE, Aug. 29, 2023
UP Law, JMO No. 2020-0001, Aug. 19, 2020
Timeline of statements
- MMDA Facebook Page, “Ang bicycle lane ay inilaan para sa mga cyclists o nagbi-bisikleta, hindi para sa mga motorcycle riders” (archive), Aug. 20, 2023
- MMDA Facebook Page, LIVE: PULONG BALITAAN NG MMDA KAUGNAY SA BIKE LANE SA EDSA AT PREPARASYON SA 2023 FIBA WORLD CUP, Aug. 22, 2023
- MMDA Facebook Page, LIVE: PULONG BALITAAN NG MMDA UKOL SA RESULTA NG ISINAGAWANG STAKEHOLDERS’ MEETING NA MAY KINALAMAN SA EDSA BIKE LANE, Aug. 29, 2023
- Radyo 630 Youtube Channel, Radyo 630 – Official Livestream (September 1, 2023) Morning Show, Sept. 1, 2023
Move As One, Official Website, Accessed Sept. 6, 2023
Move As One, Robert Siy Jr., Accessed Sept. 6, 2023
(Ginagabayan ng code of principles ng International Fact-Checking Network sa Poynter, ang VERA Files ay sumusubaybay sa mga maling pahayag, flip-flops, nakaliligaw na mga pahayag ng mga pampublikong opisyal at kilalang personalidad, at pinasisinungalingan ang mga ito gamit ang tunay na ebidensya. Alamin ang inisyatibong ito at aming pamamaraan.)