Skip to content
post thumbnail

VERA FILES FACT SHEET: Paano nakakaapekto ang mga bike lane sa trapiko?

Dahil sa mga protesta, ipinagpaliban hanggang Marso 6 ng Make It Makati, isang pakikipagtulungan ng lokal na pamahalaan, Ayala Land, Inc. at ng Makati Commercial Estate Association, ang planong gawing shared lane o sharrows ang mga bike lane sa Ayala Avenue. Ginalugad ng VERA Files Fact Check ang mga epekto ng bike lanes at sharrows sa kaligtasan ng mga siklista at daloy ng trapiko sa pangkalahatan.

By VERA Files

Feb 20, 2023

6-minute read

Basahin sa Ingles

ifcn badge

Share This Article

:

Dahil sa mga protesta, ipinagpaliban hanggang Marso 6 ng Make It Makati, isang pakikipagtulungan ng lokal na pamahalaan, Ayala Land, Inc. at ng Makati Commercial Estate Association, ang planong gawing shared lane o sharrows ang mga bike lane sa Ayala Avenue.

Layunin ng plano na “pabutihin ang daloy ng trapiko sa lungsod” sa pamamagitan ng pagpapahintulot sa parehong mga four-wheel na sasakyan at bisikleta na gamitin ang sharrows na ito simula Peb. 15.

Ngunit nagsulputan ang mga katanungan sa proyekto tungkol sa epekto nito sa trapiko sa lugar. Ginalugad ng VERA Files Fact Check ang mga epekto ng bike lanes at sharrows sa kaligtasan ng mga siklista at daloy ng trapiko sa pangkalahatan.

1. Sino ang nagbibisikleta sa Pilipinas?

Isang survey ng Social Weather Stations (SWS) noong 2022 ang nagpakita na isa sa apat na Filipino households ang nagmamay-ari ng bisikleta. Mas mataas ang bilang na ito sa Metro Manila, kung saan isa sa tatlong kabahayan ang may bisikleta. Sa pangkalahatan, nalampasan ng mga may-ari ng bisikleta ang mga may-ari ng kotse — 4:1. Sa Metro Manila, mayroong limang tao na nagmamay-ari ng bisikleta sa bawat taong may sasakyan. Isa sa limang households ang nagbibisikleta para sa mahahalagang aktibidad tulad ng pagpunta at pag-uwi mula sa palengke at/o sa kanilang lugar ng trabaho.

Ang survey, na isinagawa sa pagitan ng Abril 19 at 27, ay may 1,440 respondents.

Ang datos mula sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ay nagtala ng average na 199,402 na sasakyan na dumadaan sa EDSA araw-araw noong 2021. Ito ang bumubuo sa 53.6% ng lahat ng sasakyang gumagamit ng kalsada.

Noong Hunyo 2020 lamang, nakapagrehistro ang ahensya ng 100,792 na siklista sa siyam na intersection lamang sa EDSA.

2. Mahalaga ba ang pagkakaiba ng sharrows at bike lane?

Nalaman sa isang pag-aaral noong 2016 sa United States na ang mga sharrow ay mapanganib para sa mga nagbibisikleta dahil doble ang posibilidad na sila ay magtamo ng katamtaman hanggang sa matinding pinsala bunga ng pag share ng lane sa mga sasakyan. Kung ikukumpara, ang mga siklista sa protektadong bike lanes ay maaaring magtamo lamang ng mga minor na pinsala. Sa bike lane, nagkaroon ng 36% na pagbaba sa mga banggaan sa mga sasakyan.

Ang isa pang pag-aaral mula sa University of New Mexico at University of Colorado ay nagpakita na ang mga sharrow ay mas mapanganib para sa mga siklista kaysa sa walang anumang uri ng bike infrastructure.

Nagbabala ang National Association of City Transportation Officials, na binubuo ng 93 mga lungsod at ahensya ng transit sa North America, na hindi dapat gamitin ang sharrows bilang pamalit sa mga bike lane dahil ang mga shared lane na ito ay “karaniwan, hindi naaangkop sa mga lansangan na may speed limit sa higit 35 mph (56.3 kph).”

Isang 2019 memorandum mula sa MMDA ang nagtakda ng speed limit para sa lahat ng mga sasakyang de-motor, maliban sa mga bus at trak, sa 50 kph sa lahat ng mga pangunahing kalsada sa Metro Manila.

3. Nakakaapekto ba ang mga bike lane sa daloy ng trapiko?

Ang trapiko at paggamit ng kalsada ay kilala na sumusunod sa prinsipyo ng induced demand, na nangangahulugang ang pagtaas ng supply ay mag-iimbita ng mas mataas na demand. Sa madaling salita, kung ang mga pribadong sasakyan ay bibigyan ng mas maraming espasyo sa kalsada, ito ay makakaakit ng mas maraming tao na magmaneho ng kanilang mga sasakyan.

Ipinakita ng ilang pag-aaral na habang ang pagbabawas ng mga lane para sa mga pribadong sasakyan ay maaaring magdulot ng pagsisikip ng trapiko sa simula, hinihikayat nito ang mga may-ari ng sasakyan na gumamit ng pampublikong transportasyon o bisikleta sa katagalan. Ang phenomenon na ito ay tinatawag na “traffic evaporation.”

“Ang mga benepisyo ng pagbibiyahe gamit ang bisikleta tulad ng mobility, pagbawas sa bilang ng mga sasakyan sa mga lansangan, mas kaunting carbon emissions at mas healthy na pamumuhay ay naidokumento sa mga lugar kung saan parehong naging matagumpay ang bicycle infrastructure at policies,” nakasaad sa isang 2019 na pag-aaral ng University of the Philippines-Diliman School of Urban and Regional Planning (UP SURP).

Ang isang naunang pag-aaral mula 2017 ang tumingin sa mga epekto ng bike lane infrastructure sa ridership sa Manila. Nabanggit nito na ang mga bike lane at iba pang mga anyo ng bike infrastructure ay maaaring humantong sa pagbawas ng pagsisikip ng trapiko at mga greenhouse gas emissions.

“Mukhang walang alinlangan ang mga tao na ang pagtataguyod ng pagbibisikleta sa lungsod at pagtatayo ng network ng bikeways ay magreresulta sa masusukat na benepisyo. Kabilang sa mga binanggit ay ang pagbawas sa polusyon mula sa mga sasakyang de-motor, mas kaunting pagsisikip ng trapiko, mas mababang gastos sa transportasyon at pagtataguyod ng pangkalahatang kalusugan ng populasyon,” sabi pa nito.

Ito rin ang ipinahayag sa 2019 UP SURP na pag-aaral kung saan nabanggit na ang pagbibigay ng mga kinakailangang imprastraktura tulad ng mga bicycle lane at mga parking area ay may “makabuluhang kaugnayan sa pagpayag na magbisikleta sa pag commute at karanasan sa pag-commute gamit ang bisikleta.”

Ang pag-aaral ng SWS noong 2022 ay nagpatibay nito. Ipinakita nito na humigit-kumulang 75% ng mga pinuno ng mga household ang naniniwala na ang pagbibisikleta ay kasing epektibo sa paghahatid ng mga commuter sa kanilang mga destinasyon tulad ng iba pang mga paraan ng transportasyon, at 80% ang nagsabi na mas maraming tao ang gagamit ng mga bisikleta kung ang mga kalsada ay mas ligtas.

 

Nakakita ka na ba ng anumang kahina-hinalang pahayag, larawan, meme, o online post na gusto mong i-verify namin? Sagutan ang reader-request form na ito.

 

Mga Pinagmulan

Make It Makati official Facebook page, OFFICIAL ADVISORY as of February 14, 2023, Feb. 14, 2023

Make It Makati official Facebook page, Advisory, Feb. 10, 2023

Social Weather Stations, Bicycle Ownership, Usage, and Attitudes of Filipino Household Heads on Cycling as Transportation, Aug. 24, 2022

Metropolitan Manila Development Authority, Metropolitan Manila Annual Average Daily Traffic (AADT) 2021, accessed on Feb. 15, 2023

Institute for Climate and Sustainable Cities, MMDA Counts, Sep. 7, 2020

National Association of City Transportation Officials, Shared Lane Markings, accessed on Feb. 17, 2023

National Association of City Transportation Officials, Bike Lanes, accessed on Feb. 17, 2023

National Library of Medicine, The Effect of Sharrows, Painted Bicycle Lanes and Physically Protected Paths on the Severity of Bicycle Injuries Caused by Motor Vehicles, Dec. 10, 2016

International Journal of Transportation Science and Technology, Advancing healthy cities through cycling: An examination of shared lane markings, Jan. 9, 2019

Metropolitan Manila Development Authority, MMDA Regulation 19-001, series of 2019, March 26, 2019

United Kingdom Department for Transport, Latest Evidence on Induced Travel Demand: An Evidence Review, May 2018

Case Studies on Transport Policy, Exploring traffic evaporation: Findings from tactical urbanism interventions in Barcelona, Dec. 2022

Advances in Science, Technology & Innovation, Provision of Bicycle Facilities to Increase Bicycle Commuting at Central Business Districts in Metro Manila, Philippines, July 21, 2019

The Scientific World Journal, Effect of Bike Lane Infrastructure on Ridership, May 2017

 

(Ginagabayan ng code of principles ng International Fact-Checking Network sa Poynter, ang VERA Files ay sumusubaybay sa mga maling pahayag, flip-flops, nakaliligaw na mga pahayag ng mga pampublikong opisyal at kilalang personalidad, at pinasisinungalingan ang mga ito gamit ang tunay na ebidensya. Alamin ang inisyatibong ito at aming pamamaraan.)

Get VERAfied

Receive fresh perspectives and explainers in your inbox every Tuesday and Friday.