Maraming kalamidad ang hinarap ng mga Pilipino nitong 2023, mula sa delubyong dala ng mga bagyo, pagyanig ng lindol at hanggang sa pag-alburoto ng bulkan. Dahil sa mga sakunang ito, rumagasa rin ang mga kahina-hinalang video na nagpapakita umano ng kalamidad online.
Ngayong taon, 46 sa 410 na online claims na dinebunk ng VERA Files Fact Check mula Enero hanggang Disyembre ay may kinalaman sa mga natural at man-made disaster.
Karamihan dito ay tungkol sa mga video ng kalamidad na binigyan ng maling konteksto at ang iba naman ay edited o may nakapanlilinlang na sinasabi.
Panoorin ang creative skit para malaman kung anu-ano ang mga ito at ano ang pwede nating gawin para hindi maloko.