Hindi totoo ang pahayag ni Senador Juan Edgardo “Sonny” Angara na si Senator Emmanuel “Manny” Pacquiao ang unang Pilipino na nagtalumpati sa Oxford Union.
PAHAYAG
Sa pagbati sa kanyang kasamahan, sinabi ni Angara sa isang Nob. 9 tweet na:
Maligayang bati sa ating kasamahang Sen. @mannypacquiao sa pagsasalita sa prestihiyosong Oxford Union sa Oxford University. Unang Pilipino kung hindi ako nagkakamali, kung saan kabilang sa naging bisita ang mga personalidad tulad nina Einstein, Stephen Hawking, Churchill.
ANG KATOTOHANAN
Mali si Angara.
Dalawang iba pang mga Pilipino ang nakapagsalita sa debating society bago si Pacquiao: si Megan Young noong 2014, tulad ng tinukoy ni Twitter user @yogawithben bilang tugon sa tweet ni Angara, at dating pangulong Fidel Ramos noong 1997.
Nagsalita si Young tungkol sa kanyang trabaho bilang Miss World 2013, kasama ang kanyang mga pagbisita sa bansang Haiti na niyanig ng lindol at mga lugar sa Pilipinas na hinagupit ng Haiyan.
Ang isang video ng kanyang talumpati ay na-upload sa Youtube channel ng Oxford Union.
Nagsalita naman si Ramos tungkol sa pagbangong ng ekonomiya ng Pilipinas mula sa pagiging kilalang “the sick man of Asia” at ang mga bagong direksyon ng foreign policy at mga ugnayan sa rehiyon tulad Association of Southeast Asian Nations.
Ang teksto ng kanyang talumpati ay nasa Official Gazette.
Ang boksingerong-kampeon-na-naging-politikong si Pacquiao, sa kanyang talumpati noong Nob. 5, ay nagbahagi ng kanyang mga karanasan habang lumalaking mahihirap at ang tinatawag niyang edukasyong “Open University of Life.”
“Si Manny Pacquiao ang pinakamahusay na fairy tale ng bawat Pilipino na makapagsasabi at muling masasabi sa lahat ng henerasyon na darating,” sabi niya.
Mga pinagkunan ng impormasyon:
Oxford Union Youtube channel, Miss World Contestants 2014 Oxford Union Address
Official Gazette, Speech of President Ramos before the Oxford Union Society
Senate of the Philippines, Speech delivered by Pacquiao before the Oxford Union