Skip to content
post thumbnail

VERA FILES FACT CHECK: Anti-Duterte Facebook page gamit ang mga pekeng litrato, maling nagpahiwatig ng krisis sa kasalukuyang administrasyon

Ang Facebook page na Silent No More PH ay nag post noong Mayo 29 ng dalawang litrato na may maling label na nagpapahiwatig na ang administrasyon ng Duterte ay nasa isang krisis.

By VERA Files

Jun 18, 2018

-minute read
ifcn badge

Share This Article

:

Ang Facebook page na Silent No More PH ay nag post noong Mayo 29 ng dalawang litrato na may maling label na nagpapahiwatig na ang administrasyon ng Duterte ay nasa isang krisis.

PAHAYAG

Silent No More PH, na naglalabas ng impormasyon na kritikal sa kasalukuyang administrasyon, ay nag-post ng dalawang litrato ng mga taong nakaupo sa paligid ni Pangulong Rodrigo Duterte sa tila isang pagpupulong, na may isang caption na nasasabing:

“Mahal na mga kapwa Filipino,
Dahil sa sunud-sunod na mga iskandalo na kinabibilangan ng mga opisyal ng gobyerno, si Katay Digong ay nagkipagpulong sa kanyang mga pangunahing lider!
#WorryMode
#NgaNga
#AlamNaThis
#SilentNoMorePH”

Pinagmulan: Silent No More PH, May 28, 2018

FACT

Ang dalawang litrato ay hindi isang pulong kaugnay ng krisis gaya ng ipinahihiwatig ng post sa Facebook. Ipinakikita ng isang mabilis na image reverse search na ang mga ito ay isang pulong noong Mayo 28 ni Duterte at mga pinuno ng Kongreso at mga miyembro ng Bangsmoro Transition Commission (BTC).

Ang GMA News reporter na si Joseph Morong ang unang nag post ng mga litrato sa kanyang Twitter account:

Tingnan: Pangulong Duterte kausap ang mga pinuno ng Kongreso kaugnay ngpanukalang Bangsamoro Basic Law.

Abril 25 sinabi ni Duterte na siya ay magbibitiw kung ang ipinanukalang Bangsamoro Basic Law ay hindi maipasa pagdating ng Mayo.

Ang BBL ay ang batas na magpapatupad ng Comprehensive Agreement on Bangsamoro, ang kasunduang pangkapayapaan ng 2014 sa pagitan ng pamahalaan ng Pilipinas sa ilalim ni dating Pangulong Benigno Simeon Aquino III at Moro Islamic Liberation Front.

Inaprubahan ng House of Representatives noong Mayo 30 ang ipinanukalang BBL sa ikatlong at huling pagbasa.

Ang maling post ng Silent No More PH ay lumabas ilang linggo pagkatapos magbitiw o patalsikin ang ilang mga mataas na opisyal ni Duterte:

  • Si Tourism Secretary Wanda Teo ay nagbitiw noong Mayo 8 kasunod ng mga ulat na ang Department of Tourism ay gumastos ng P60 milyon para sa mga advertisement sa programa ng PTV na hino-host ng mga kapatid ni Teo na si Ben at Erwin Tulfo.
  • Ang asawa ni Teo na si Roberto ay nagbitiw din bilang miyembro ng board ng Tourism Infrastructure and Enterprise Zone Authority, ayon sa kay Palace spokesperson Harry Roque.
  • Si Board of Tourism Promotions chief Cesar Montano ay nagbitiw noong Mayo 21 kasunod ng mga ulat ng kanyang ahensiya na gumasta ng P80 milyon sa proyekto Buhay Carinderia
  • Si Transportation Assistant Secretary Mark Tolentino ay sinisante noong Mayo 22 dahil sa umano’y pakikipag-usap sa kapatid na babae ni Duterte kaugnay ng Mindanao railway project

Ang post ay maaaring naabot sa tinatayang 647,000 katao.

Mga pinagmulan:

ABS-CBN, “Congress leaves contentious BBL provisions to Duterte,” May 28, 2018

GMA, “Duterte meets lawmakers, Bangsamoro Transition Commission over BBL,” May 28, 2018

Rappler, “Duterte to certify BBL as urgent on May 29 – lawmakers,” May 28, 2018

Joseph Morong, personal correspondence, May 13, 2018

Joseph Morong, Twitter account, May 28, 2018

Ang VERA Files Fact Check ay sumusubaybay sa mga maling salaysay at nakaliligaw na mga pahayag ng mga pampublikong opisyal at personalidad, at itinatama ang mga ito gamit ang mga tunay na ebidensya. Kami ay ginagabayan ng mga prinsipyo ng International Fact-Checking Network sa Poynter. Para sa karagdagang impormayan bisitahin ang pahinang ito.

Get VERAfied

Receive fresh perspectives and explainers in your inbox every Tuesday and Friday.