Skip to content
post thumbnail

VERA FILES FACT CHECK: Cardema ng Duterte Youth nagpakawala ng tatlong maling pahayag sa Comelec withdrawal notice

Nagbitaw ng tatlong maling pahayag si Ronald Cardema, ang tinanggalan na karapatan na maging nominado ng Duterte Youth party-list at dating pinuno ng National Youth Commission, sa kanyang Notice of Withdrawal na isinumite sa Commission on Elections (Comelec) noong Set. 13.

By VERA Files

Sep 18, 2019

6-minute read

Basahin sa Ingles

ifcn badge

Share This Article

:

Nagbitaw ng tatlong maling pahayag si Ronald Cardema, ang tinanggalan na karapatan na maging nominado ng Duterte Youth party-list at dating pinuno ng National Youth Commission, sa kanyang Notice of Withdrawal na isinumite sa Commission on Elections (Comelec) noong Set. 13.

Ang Duterte Youth (Duty to Empower the Republic Through Enlightenment of the Youth), na nanalo ng isang puwesto sa House of Representatives, ay muling pinangalanan si Cardema bilang unang nominado sa bago nitong certificate of nomination.

Ito ay sa kabila ng desisyon ng Comelec First Division na ibasura ang nominasyon ni Cardema dahil sa pagkabigo na matugunan ng kanyang edad ang basehan upang maging kinatawan ng kabataan. Ang Section 9 ng Party-list System Act ay nagsasaad na ang mga kinatawan ng kabataan ay “dapat hindi bababa sa 25 ngunit hindi hihigit sa 30 taong gulang sa araw ng halalan.” Si Cardema ay 34 taong gulang.

Narito ang tatlong maling pahayag ni Cardema.

Tungkol sa naantalang representasyon sa Kongreso

Pahayag:

[U]ntil now we are not able to take our (Duterte Youth) duly-proclaimed seat in the Philippine Congress because of the public harassment towards me of (sic) Comelec Commissioner Rowena Guanzon

(Hanggang ngayon ay hindi namin makuha ang aming (Duterte Youth) na proklamadong posisyon sa Kongreso ng Pilipinas dahil sa pampublikong panliligalig sa akin ni Comelec Commissioner Rowena Guanzon).”

Katotohanan:

Ang “tunay na sanhi” ng pagkaantala ay ang “huling-sandali” na pag-atras ng Duterte Youth ng orihinal na hanay ng mga nominado, na pagkatapos ay pinalitan nila ng mga nominado na may “kaduda-dudang kwalipikasyon,” sabi ni Comelec Spokesperson James Jimenez sa isang text message sa VERA Files noong Set. 18.

Nagpasya ang Comelec First Division noong Agosto 5 na paboran ang ilang mga petisyon laban kay Cardema at kanselahin ang kanyang nominasyon matapos na matuklasan na:

[he was] aware that he is already thirty-four (34) years old [at the time of his nomination], and thus, committed a falsity when he misrepresented that he is eligible for nomination…despite not possessing the age qualification provided by law for representatives of the youth sector

([alam niya] na siya ay tatlumpu’t apat na (34) taong gulang [sa oras ng kanyang paghirang], at sa gayon, nakagawa ng isang kasinungalingan nang siya ay nagsabi na siya ay karapat-dapat sa nominasyon…sa kabila ng hindi pagkakaroon ng tamang edad na nakasaad sa batas para sa mga kinatawan ng sektor ng kabataan…).”

Pinagmulan: Commission on Elections First Division, SPA No. 19-003 at SPA No. 19-004, Agosto 5, 2019, p. 23

Nangatuwiran si Cardema na hindi siya sakop ng limitasyon sa edad na itinakda ng batas dahil ang party-list ay kumakatawan hindi lamang sa sektor ng kabataan ngunit ang mga batang propesyonal din.

Gayunpaman, sa kawalan ng kahulugan ng salitang “mga batang propesyonal,” sinabi ng Comelec na ang mga propesyonal “ay kinakailangang kabilang din sa sektor ng kabataan.”

Dagdag nito, para sa “kapakanan ng talakayan,” na ipinahayag ni Cardema ang kanyang adbokasiya para sa mga batang propesyonal nang kuwestiyunin lamang ang kanyang pagiging karapat-dapat na kinatawan ng kabataan, at ang kanyang track record ay nabigong patunayan ang adbokasiyang ito.

Tungkol sa Certificate of Proclamation ni Cardema

Pahayag:

“…[Commissioner Guanzon] used her office as a Commissioner-Judge…to force Comelec offices & employees to withhold my already existing Certificate of Proclamation.”

“…Ginamit ni [Commissioner Guanzon] ang kanyang tanggapan bilang isang Commissioner-Judge…upang pilitin ang mga tanggapan at empleyado ng Comelec na pigilan ang naroong Certificate of Proclamation.”

Katotohanan:

Si Cardema ay walang umiiral na Certificate of Proclamation. Sa isang text message noong Set. 16, sinabi ni Jimenez sa VERA Files na “wala pang certificate of proclamation na inilabas, at iyon talaga ang totoo.”

Nakasaad sa resolusyon ng Comelec sa kaso ni Cardema:

It is worth noting that [Cardema] himself has not yet secured a Certificate of Proclamation from this Commission, the issuance of which was held in abeyance during the pendency of the present consolidated cases questioning [Cardema’s] eligibility for the office he seeks to assume

(Kapansin-pansin na si [Cardema] mismo ay hindi pa nakakakuha ng isang Certificate of Proclamation mula sa Komisyong ito, at ang pagpapalabas nito ay pansamantalang nahinto sa panahon ng pagkakabimbin ng kasalukuyang pinagsama-samang mga kaso na kinukwestiyon ang pagiging karapat-dapat [ni Cardema] para sa posisyon na nais niyang gampanan).”

Tungkol sa edad ng mga orihinal na nominado ng Duterte Youth

Pahayag:

When the Comelec en banc approved our Registration last January 2019, our nominees were ages 28, 40, 41, 43 & 46

(Nang naaprubahan ng Comelec en banc ang aming Rehistro noong Enero 2019, ang aming mga nominado ay nasa edad 28, 40, 41, 43 & 46).”

Katotohanan:

Nagkamali si Cardema sa edad ng apat sa limang orihinal na mga nominado ng Duterte Youth.

Ayon sa Certificate of Acceptance of Nomination ng party-list, na isinampa noong Okt. 17, 2018 at inaprubahan ng Comelec en banc noong Enero 28, 2019, ang edad ng mga orihinal na nominado noong nag-file ay:

Ducielle Marie Suarez – 28 taong gulang (ipinanganak Set. 20, 1990)

Joseph De Guzman – 39 taong gulang (ipinanganak Dis. 21, 1978)

Benilda De Guzman – 44 taong gulang (Hunyo 15, 1974)

Arnaldo Villafranca – 42 taong gulang (Abril 3, 1976)

Elizabeth Anne Cardema – 42 taong gulang (Hulyo 8, 1976)

Si Ducielle Marie Suarez, asawa ni Cardema, ang unang nominado ng party-list. Bago ang halalan noong Mayo 2019, nagkamaling sinabi ni Cardema na si Suarez at ang apat na iba pang mga nominado ay umatras dahil “natakot.” (Tingnan VERA FILES FACT CHECK: Duterte Youth’s Cardema leaves a trail of false claims on party nominees)

Ang nanotaryong mga notice of withdrawal na isinumite ng mga orihinal na nominado ng Duterte Youth ay nagsabi ng iba’t ibang mga kadahilanan sa pag-alis pag atras ng kanilang nominasyon bilang kinatawan ng partido.

Si Cardema ay gumawa ng huling-sandali na kahilingan na pumalit (sa mga nominado) noong Mayo 12 — isang araw bago ang pambansang halalan.

 

Mga Pinagmulan

Inquirer.net, Cardema still Duterte Youth’s 1st nominee despite Comelec ruling, Aug. 7, 2019

Manila Bulletin, Duterte Youth submits new set of nominees; Cardema still first nominee, Aug. 7, 2019

CNN Philippines, Cardema’s wife back as Duterte Youth party-list nominee, Aug. 7, 2019

COMELEC Commissioner Rowena Guanzon Official Twitter account, Seriously, Cardema stated under OATH, Sept. 16, 2019

Philippine Commission on Women, Republic Act 7941

Commission on Elections First Division, SPA No. 19-003 and SPA No. 19-004, Aug. 5, 2019

Commission on Elections, Certificate of Nomination of original nominees of Duterte Youth party-list

ABS-CBN News, Cardema: Duterte Youth nominees backed out due to Left fears, May 23, 2019

Commission on Elections, Certificate of Nomination and Substitution of Party Nominees of DUTERTE Youth from the Commission on Elections

Commission on Elections, Acceptance of Withdrawal for Party Nominees of Duterte Youth from the Commission on Elections

 

(Ginagabayan ng code of principles ng International Fact-Checking Network sa Poynter, ang VERA Files ay sumusubaybay sa mga maling pahayag, flip-flops, nakaliligaw na mga pahayag ng mga pampublikong opisyal at kilalang personalidad, at pinasisinungalingan ang mga ito gamit ang tunay na ebidensya. Alamin ang inisyatibong ito at aming pamamaraan.)

Get VERAfied

Receive fresh perspectives and explainers in your inbox every Tuesday and Friday.