Skip to content
post thumbnail

VERA FILES FACT CHECK: Cardema ng Duterte Youth nag lubid ng mga maling pahayag tungkol sa mga nominado ng partido

Ang notarized na mga abiso ng withdrawal na isinumite ng mga orihinal na nominado ng Duterte Youth ay hindi nagpapatunay sa mga pahayag ni Cardema.

By VERA FILES

May 27, 2019

7-minute read

Basahin sa Ingles

ifcn badge

Share This Article

:

Kinontra ni dating National Youth Commission Chair Ronald Cardema ang kanyang sarili at mga miyembro ng Duterte Youth sa pagpapaliwanag kung bakit iniurong ng lahat ng mga nominado ang kanilang representasyon isang araw bago ang eleksyon.

Ang Duterte Youth (Duty to Empower the Republic Through Enlightenment of the Yout), isang grupo na kumakatawan sa mga kabataan at mga propesyonal, ay nanalo ng isang puwesto sa Kongreso.

PAHAYAG

Sa isang panayam noong May 23 sa ABS-CBN, isang araw matapos ipahayag ng Commission on Elections (Comelec) ang mga nanalong partylist, sinabi ni Cardema na ang limang mga orihinal na nominee — kasama ang kanyang asawa na si Ducielle Marie Suarez at ang kanyang pangalawa sa pinsan na si Elizabeth Anne Cardema – ay umatras dahil “kinabahan at nagbago ng isip”:

“Cardema: I talked to my wife and she told me I’d be in the best position to debate in Congress, to advocate for our advocacies…Napag-usapan talaga nila the best representative there for Duterte Youth, the best representative there to defend the military, the youth, the government, is me (Kinausap ko ang aking asawa at sinabi niya sa akin na ako ang nasa pinakamagaling na posisyon para makipag-debate sa Kongreso, upang itaguyod ang aming mga adbokasiya … Napag-usapan talaga nila (at sumang-ayon na) ang pinakamahusay na kinatawan doon para sa Duterte Youth, ang pinakamahusay na kinatawan doon upang ipagtanggol ang militar, ang kabataan, ang gobyerno, ay ako.

Tanong: But why didn’t you settle this among yourselves…bakit at the very last minute you would file for substitution( Ngunit bakit hindi mo ito inayos ng kayo kayo… bakit at sa huling minute ikaw ay nag-file para sa substitution…?)

Sagot: Ano po eh, parang hindi rin po ineexpect, nagkaroon rin po ng kaba sila na… mataas iyong expectation bigla sa Duterte Youth, dahil during the campaign kita naman natin na talagang nakiki-engage ang Duterte Youth sa Left tapos talagang trina-try ng Left, na tapatan rin ang Duterte Youth (parang hindi rin po inaasahan, nagkaroon rin po ng kaba sila na … mataas iyong inaasahan bigla sa Duterte Youth, dahil noong kampanya kita naman natin na talagang nakikipag-ugnayan ang Duterte Youth sa Kaliwa tapos talagang sinusubukan ng Kaliwa, na tapatan rin ang Duterte Youth…)

T: So this was a belated realization on the part of all five nominees of the Duterte Youth that you would have been the best person to sit in Congress (Kaya huli nang napagtanto ng lahat ng limang mga nominee ng Duterte Youth na maaaring ikaw ang pinakamahusay na taong uupo sa Kongreso?)

S: Yes (Oo) po.”

Pinagmulan: ABS-CBN News Channel, Cardema – Duterte Youth nominees backed out due to Left fears, Mayo 22, 2019, panoorin mula 0:17 hanggang 2:03

ANG KATOTOHANAN

Ang notarized na mga abiso ng withdrawal na isinumite ng mga orihinal na nominado ng Duterte Youth ay hindi nagpapatunay sa mga pahayag ni Cardema na ang lahat ng limang nominado/ ay nawalan ng lakas ng loob sa panahon ng kampanya, ayon sa mga talaan ng Comelec.

Iba’t ibang dahilan ang isinulat ng mga nominado sapagbawi ng kanilang nominasyon bilang kinatawan ng party-list — mula sa pagpapasya na bumalik sa pribadong buhay hanggang sa pagkakataon na makapag-trabaho sa ibang bansa:

  • Sinabi ng pangalawang nominado na si Joseph De Guzman na pagkatapos ng “maingat na pagmumuni-muni,” gusto niyang magtrabaho nang “hindi napapansin” at sa halip sumusuporta sa Duterte Youth na “malayo sa opinyon ng publiko.”
  • Ang asawa ni De Guzman na si Benilda, ang ikatlong nominado ng grupo, ay binigyang diin na mas gusto niyang iwanan ang paggawa ng patakaran sa mga “intelihente” sa grupo, dahil hindi nito mapapalitan ang kanyang labis na pagkahaling at hilig sa pagtuturo.
  • Sinabi ng ika-apat na nominado na si Arnaldo Villafranca na gusto niyang pangalagaan ang kanyang privacy habang tinutupad ang kanyang obligasyon sa kanyang pamilya “sa ilalim ng normal at ordinaryong paraan ng pamumuhay.”
  • Isinulat ng pinsan ni Cardema na si Elizabeth, ang ikalimang nominado ng Duterte Youth,na nagkaroon siya ng pagkakataon na mag trabaho sa ibang bansa na “mukhang may magandang maaasahang karanasan.”

Tanging ang asawa ni Cardema na si Ducielle, ang unang nominado ng grupo, ang malinaw na nagpahayag ng kanyang sinabi na nadama ng grupo na siya ang magiging pinakamahusay na kinatawan ng party-list.

Specifically, I objectively passed (sic) on the responsibility to the leadership of the party whose compassion and expertise are more fitting…(Partikular na talaga kong ipinasa (sic) ang pananagutan sa pamumuno ng partido sa may awa at kadalubhasaan na mas angkop …)”

Pinagmulan: Ducielle Marie D. Suarez’ Notice of Withdrawal as Duterte Youth party-list nominee

 

Higit pa, inamin ni Cardema sa isang panayam isang buwan bago ang eleksiyon na ang pagkandidato ni Ducielle ay pansamantala lamang — binalak na nilang bawiin ang kanyang nominasyon bago ang eleksyon:

Cardema: “Actually, sir, when we filed, talagang wala na kaming ma-file agad na pangalan, sir. So andun naman iyong asawa ko, finile ko. Pero I talked to my wife, she can withdraw before the elections from the…from the seat. (Sa totoo lang, sir, noong nag-file kami, talagang wala na kaming ma-file agad na pangalan, sir. Kaya andun naman iyong asawa ko, finile ko. Pero kinausap ko ang aking asawa, maaari siyang umatras bago ang halalan mula sa … mula sa pwesto.)

T: She will withdraw (Aatras siya?)

S: Yes (Oo), Sir.

T: She will or she can (Gagawin niya o kaya niya?)

S: She will, she will. It doesn’t matter who sits there, basta kahit iyong second nominee namin, si Joseph De Guzman, he’s very passionate about our advocacy…(Gagawin niya, gagawin niya. Hindi mahalaga kung sino ang nakaupo doon, basta kahit na iyong pangalawang nominado namin, si Joseph De Guzman, siya ay masigasig tungkol sa aming adbokasiya….) kahit sino pong nakaupo diyan, basta naka-linya sa aming adbokasiya.

Pinagmulan: ABS-CBN News, Youth Commission chair’s wife is Duterte Youth Party-list’s first nominee | ANC,Abril 8, 2019, panoorin mula 0: 39-1: 15

Ang dating youth commission chair ay nasa sentro ng hindi bababa sa 10 petisyon na humihiling sa Comelec na ibasura ang kanyang petisyon na magpalit at maging unang nominado ng paty-list na suportado ng administrasyon.

Ang mga grupo ng kabataan at mga kritiko ay nagsabi na siya ay masyadong matanda para maging kinatawan ng kabataan. Sa ilalim ng batas ng party-list, ang mga nominado ng sektor ng kabataan ay dapat na hindi bababa sa 25 ngunit hindi hihigit sa 30 taong gulang sa araw ng halalan. Si Cardema ay 34 taong gulang ayon sa kanyang certificate of acceptance ng nominasyon.

Ipinagtanggol ni Cardema ang kanyang sarili, sinasabing ang Duterte Youth ay nakarehistro sa Comelec “upang itaguyod ang mga sektor ng Kabataan at Propesyonal at sa ilalim ng pangalawang kategorya, walang limitasyon sa edad.”

Kabilang sa mga kontra sa petisyon ni Cardema na maging kinatawan ng kabataan ay ang National Union of Students of the Philippines, Youth Act Now Against Tyranny, Kabataan Party-list, Millennials PH, election watchdog Kontra Daya, Sen. Panfilo Lacson, dating NYC Commissioner-at-Large Dingdong Dantes at dating NYC Chair Ice Seguerra.

Noong Mayo 19, tatlong araw bago iproklama ng Comelec ang mga nanalong kandidato, nag update si Cardema ng seksyon ng trabaho at edukasyon ng kanyang profile sa Facebook upang ilarawan ang kanyang susunod na trabaho bilang “papasok na kongresista.”

Kabilang sa mga bumati sa kanya sa Facebook ay sina Davao City 1st District Representative Paolo Duterte, Presidential Anti-Corruption Commission Commissioner Greco Belgica, at Quezon City 1st District Congressman Onyx Crisologo.

 

Mga Pinagmulan

ABS-CBN News Channel, Cardema – Duterte Youth nominees backed out due to Left fears, May 22, 2019

Commission on Elections, Certificate of Nomination and Substitution of Party Nominees of DUTERTE Youth from the Commission on Elections

Commission on Elections, Acceptance of Withdrawal for Party Nominees of Duterte Youth from the Commission on Elections

ABS-CBN News,Youth Commission chair’s wife is Duterte Youth Party-list’s first nominee | ANC, April 8, 2019

INQUIRER.net, Jimenez: 10 petitions filed vs Cardema’s bid to become partylist nominee, May 24, 2019

Ronald Gian Carlo Cardema official Facebook page, DUTERTE YOUTH: ELAGO & KONTRA DAYA, NPA-ALLIES WHO ARE JUST BITTER WITH THE ELECTION RESULTS, May 20, 2019

Ronald Gian Carlo Cardema official Facebook page, Started New Job at House of Representatives of the Philippines, May 17, 2019

 

(Ang VERA Files Fact Check ay sumusubaybay sa mga maling salaysay at nakaliligaw na mga pahayag ng mga pampublikong opisyal at personalidad, at itinatama ang mga ito gamit ang mga tunay na ebidensya. Kami ay ginagabayan ng mga prinsipyo ng International Fact-Checking Network sa Poynter. Para sa karagdagang impormayan bisitahin ang pahinang ito.)


(Ang VERA Files ay bahagi ng Tsek.ph, isang pagtutulungan sa fact-checking na inisyatibo ng akademya at ng media para sa 2019 midterm na halalan sa Pilipinas.)

Get VERAfied

Receive fresh perspectives and explainers in your inbox every Tuesday and Friday.