Skip to content
post thumbnail

VERA FILES FACT CHECK: Pahayag ni Cardema na walang mga disallowance na inisyu sa NYC hindi totoo

WHAT WAS CLAIMED

Ang Commission on Audit ay hindi nag-isyu ng notice of disallowance sa National Youth Commission.

OUR VERDICT

Hindi totoo:

Sa 2021 audit report nito noong 2021, inutusan ng COA ang NYC na i-refund ang ilang partikular na halaga ng mga hindi awtorisado o hindi napatunayang prepaid load cards pati na rin ang mga irregular at hindi kinakailangang paggasta. Dati na itong naglabas ng mga notice of disallowance matapos i-flag ang labis na paniningil kaugnay ng mga biyahe at pagkain noong 2018 at “mga gastos na hindi alinsunod sa umiiral na mga patakaran at regulasyon ng gobyerno” noong 2019.

By VERA Files

Oct 10, 2022

2-minute read

BASAHIN SA INGLES

ifcn badge

Share This Article

:

Bilang pagtugon sa mga alegasyon ng katiwalian sa National Youth Commission (NYC), sinabi ni Chairperson Ronald Cardema na walang mga notice of disallowance na inilabas ang Commission on Audit (COA) sa ahensya. Ito ay hindi totoo.

Inihayag ni Kabataan Partylist Rep. Raoul Manuel sa House plenary session noong Setyembre 27 ang mga iregularidad umano sa mga gastos ng NYC na na-flag ng COA mula noong 2018. Nanawagan ang kongresista para sa pagbibitiw ni Cardema.

Panoorin ang video na ito:

 

Nakakita ka na ba ng anumang kahina-hinalang pahayag, larawan, meme, o online post na gusto mong i-verify namin? Sagutan ang reader-request form na ito.

 

Mga Pinagmulan

Kamuning Bakery Cafe, Pandesal Forum with Congressman Raoul Manuel, KABATAAN PARTYLIST Representative, Oktubre 1, 2022

House of Representatives of the Philippines, 19th Congress 1st Regular Session #23 (Day 6) – FY 2023 Budget Deliberations on HB# 4488, Setyembre 27, 2022

Commission on Audit, National Youth Commission Annual Audit Report 2021 Part 2 – Observations and Recomm, Na-access noong Oktubre 3, 2022

Commission on Audit, 2009 Revised Rules Of Procedure Of The

Commission On Audit, Setyembre 15, 2009

Na-disqualify ng Comelec si Ronald Cardema

Na-reappoint si Cardema bilang NYC commissioner

Commission on Audit, National Youth Commission Annual Audit Report 2018 Part 2 – Observations and Recomm, Na-access noong Oktubre 3, 2022

Commission on Audit, National Youth Commission Annual Audit Report 2019 Part 2 – Observations and Recomm, Na-access noong Oktubre 3, 2022

Commission on Audit, National Youth Commission Annual Audit Report 2019 Part 3 – Status of PY’s Recommendation, Na-access noong Oktubre 3, 2022

Commission on Audit, National Youth Commission Annual Audit Report 2020 Part 3 – Status of PY’s Recommendation, Na-access noong Oktubre 3, 2022

 

 

(Ginagabayan ng code of principles ng International Fact-Checking Network sa Poynter, ang VERA Files ay sumusubaybay sa mga maling pahayag, flip-flops, nakaliligaw na mga pahayag ng mga pampublikong opisyal at kilalang personalidad, at pinasisinungalingan ang mga ito gamit ang tunay na ebidensya. Alamin ang inisyatibong ito at aming pamamaraan.)

Get VERAfied

Receive fresh perspectives and explainers in your inbox every Tuesday and Friday.