Skip to content
post thumbnail

VERA FILES FACT CHECK: Cimatu mali sa pagsabing isang American Commonwealth ang PH noong 1918 Spanish flu pandemic

Hindi totoo ang pahayag ni Environment Secretary Roy Cimatu na ang Pilipinas ay isang commonwealth state ng United States (U.S) nang manalasa sa buong mundo ang Spanish flu noong 1918.

By VERA Files

Jul 3, 2020

6-minute read

Basahin sa Ingles

ifcn badge

Share This Article

:

Hindi totoo ang pahayag ni Environment Secretary Roy Cimatu na ang Pilipinas ay isang commonwealth state ng United States (U.S) nang manalasa sa buong mundo ang Spanish flu noong 1918.

PAHAYAG

Sa talumpati sa telebisyon ni Pangulong Rodrigo Duterte noong Hunyo 22, kasama ang mga miyembro ng kanyang Gabinete, tungkol sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic, malugod na tinanggap ni Cimatu ang bagong atas na “pangasiwaan” ang tugon ng pamahalaan sa Cebu City kung saan tumaas nang husto ang mga kaso ng impeksyon.

Sinabi ng kalihim:

This (pandemic) only happened 100 years [ago] and I was looking at the statistics of [the] last pandemic in 1918 wherein it was a worldwide — similar to…what we are experiencing now — and there were about 50 million who died. And I was researching how many Filipinos died in 1918 to 1920 in that pandemic.

(Ito (pandemic) ay nangyari lamang 100 taon [ang nakaraan] at tinitingnan ko ang mga istatistika ng [huling] pandemic noong 1918 kung saan ito ay pandaigdig — katulad ng … kung ano ang nararanasan natin ngayon — at may mga 50 milyong namatay. At sinaliksik ko kung gaano karaming mga Pilipino ang namatay noong 1918 hanggang 1920 sa pandemic na iyon.)”

Idinagdag niya:

At that time, Mr. President, we were under [the] Commonwealth and the Americans were here and we suspect that doon nanggaling iyong virus then. So we suffered also casualties in that year. Through the researches coming from some Filipinos, there are (sic) about 50,000 to 75,000 Filipinos [who] died at that time. Of course, they were also implementing some lockdowns.…

(Nang panahong iyon, Mr. President, tayo ay nasa ilalim ng Commonwealth at ang mga Amerikano ay narito at suspetsa namin doon nanggagaling iyong virus noon. Kaya nagkaroon din tayo ng mga taong nasawi nang taong iyon. Sa pamamagitan ng mga pananaliksik na nagmula sa ilang mga Pilipino, mayroong humigit-kumulang 50,000 hanggang 75,000 Pilipino [na] namatay nang panahong iyon. Siyempre, ipinatupad din nila ang ilang mga lockdown….)”

Pinagmulan: RTVMalacanang, Kumusta Po Mahal Kong Kababayan? | Meeting on COVID-19 Concerns and Talk to the People on COVID-19, Hunyo 22, 2020, panoorin mula 56:19 hanggang 57:28

ANG KATOTOHANAN

Taliwas sa pahayag ni Cimatu, ang Pilipinas ay naging commonwealth ng US noon lamang Nob. 15, 1935 — higit sa isang dekada matapos ang Spanish flu pandemic — na tumagal ng 11 taon hanggang sa “kinilala” ng gobyerno ng Amerika ang kalayaan ng bansa noong Hulyo 1946.

Bago ang inagurasyon ng “Commonwealth of the Philippines” noong 1935, nilabanan ng mga Pilipino ang kolonyal na pamamahala ng mga Amerikano. Ang Spain, ang unang sumakop sa bansa bilang kolonya, ang namuno sa Pilipinas ng higit sa 330 taon bago ibinenta ito sa halagang $ 20 milyon sa ilalim ng Treaty of Paris.

Ang status ng pagiging isang commonwealth, na kumikilos bilang isang “estado” ng US, ay ang “huling hakbang” tungo sa kalayaan ng Pilipinas. Sa pamamagitan ng batas at pag-apruba ng Philippine Independence Act, na kilala rin bilang Tydings-McDuffie law, sa ang US noong 1934, ang bansa ay tiniyak na bibigyan ng kalayaan pagkatapos ng isang “10-taong transitional period,” ayon sa mga rekord ng kasaysayan na inilathala ng Official Gazette.

Ang Commonwealth of the Philippines ay opisyal na natapos noong Hulyo 4, 1946, nang manumpa si Manuel Roxas bilang bagong halal na pangulo ng bagong tatag na Ikatlong Republika ng Pilipinas.

1918 Influenza

Ang Spanish flu pandemic, na naging kilala nang maglaon bilang 1918 influenza, ay tumagal hanggang 1919, na nakahawa sa hindi bababa sa 500 milyong tao sa buong mundo. Umabot sa 40 milyon hanggang 50 milyon ang mga namatay dahil dito, ayon sa World Health Organization at ang U.S. Centers for Disease Control and Prevention, ayon sa pagkakabanggit.

Sa Pilipinas, tinatayang 85,000 katao ang namatay dahil sa pandemic noong 1918, ayon sa annual report ng Philippine Health Service nang taong iyon na inilathala noong 1919. Binanggit sa ulat ng Public Health Service sa ilalim ni Vicente De Jesus, ang unang Pilipinong hinirang bilang acting director ng tanggapang pampublikong pinamunuan ng Amerikano noong 1919, na “imposible na mabilang ang aktuwal na dami ng mga kaso, ngunit pinaniniwalaan na ang general mortality ay halos 1.8 porsyento.”

Habang ang 1918 pandemic ay ipinangalan sa Spain, walang “walang unibersal na pinagkasunduan” kung saan ito nagmula, batay sa isang explainer ng U.S. CDC. Gayunman, maraming mga eksperto ang nagsasabing ang virus ay maaaring nagmula sa China, U.S., France, at United Kingdom.

Ang virus na nagdulot ng Spanish flu ay ang Influenza A (H1N1), ang parehong pamilya ng sakit na naging sanhi ng swine flu pandemic noong 2009.

Hindi lamang si Cimatu ang opisyal nagbitaw ng maling pahayag kamakailan tungkol sa Spanish flu pandemic bunga ng sitwasyon sa COVID-19. Sa isang talumpati noong huling bahagi ng Mayo, mali rin ang sinabi ni Pangulong Duterte na nagsimula ang 1918 outbreak bago ang First World War. (Tingnan ang VERA FILES FACT CHECK: Mali si Duterte; Spanish flu hindi nauna sa WWI)

 

Mga Pinagmulan

Presidential Communications Operations Office, PRRD assigns Cimatu COVID-19 overseer in Cebu — Palace, June 23, 2020

RTVMalacanang, Kumusta Po Mahal Kong Kababayan? | Meeting on COVID-19 Concerns and Talk to the People on COVID-19, June 22, 2020

Official Gazette, Proclamation 2148 : Establishment of the Commonwealth of the Philippines, November 14, 1935

Official Gazette, Republic Day, Accessed June 29, 2020

Official Gazette, Treaty of Peace between the United States of America and the Kingdom of Spain (Treaty of Paris), signed in Paris, December 10, 1898

Merriam-Webster Dictionary, Commonwealth | Definition of Commonwealth, Accessed June 29, 2020

Official Gazette, The Commonwealth of the Philippines, Accessed June 29, 2020

Official Gazette, Third Republic, Accessed June 29, 2020

World Health Organization, WHO Report on Global Surveillance of Epidemic-prone Infectious Diseases – Influenza, Accessed June 30, 2020

U.S. Centers for Disease Control and Prevention, History of 1918 Flu Pandemic | Pandemic Influenza (Flu),Accessed June 29, 2020

Origin of the Spanish flu

U.S. Centers for Disease Control and Prevention, Reconstruction of the 1918 Influenza Pandemic Virus

University of Michigan Digital library Collections, Report of the philippine Public Health Service for the fiscal year from January 1 to December 31, 1918.1918 (Digital Archive), Accessed June 30, 2020

Department of Health, A Legacy Public Health, 2014

GEALOGO, F. (2009). The Philippines in the World of the Influenza Pandemic of 1918-1919.

Philippine Studies, 57(2), 261-292. Retrieved June 30, 2020, from www.jstor.org/stable/42634010

Department of Health, LOOK: DOH COVID-19 CASE BULLETIN #107, June 29, 2020

University of the Philippines, COVID-19 FORECASTS IN THE PHILIPPINES: NCR, CEBU and COVID-19 HOTSPOTS as of June 25, 2020, June 29, 2020

 

(Ginagabayan ng code of principles ng International Fact-Checking Network sa Poynter, ang VERA Files ay sumusubaybay sa mga maling pahayag, flip-flops, nakaliligaw na mga pahayag ng mga pampublikong opisyal at kilalang personalidad, at pinasisinungalingan ang mga ito gamit ang tunay na ebidensya. Alamin ang inisyatibong ito at aming pamamaraan.)

Get VERAfied

Receive fresh perspectives and explainers in your inbox every Tuesday and Friday.