Mali ang pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na ang pSpanish flu pandemic ay nangyari bago pa magsimula ang World War I (WWI) noong 1914.
PAHAYAG
Sa isang speech kamakailan tungkol sa COVID-19 update ng gobyerno, nabanggit ni Duterte ang likas na katangian ng mga pandemic at kung paano ito sumisiklab sa pagdaan ng mga henerasyon:
“[A]lam mo sa totoo lang a pandemic is a pandemic (ang pandemic ay isang pandemic). It occurs maybe every — I don’t know (Nangyayari ito marahil tuwing — hindi ko alam). But (Ngunit) noong panahon ng… Well, that was the Spanish flu just before the First World War (Hmm, iyong Spanish flu bago ang Unang World War). Iyon talagang maraming milyon ang namatay.”
Pinagmulan: RTV Malacañang, Meeting with the IATF-EID and Talk to the People on COVID-19, Mayo 25, 2020, panoorin mula 3:01 hanggang 3:20.
Muling inulit ng pangulo ang kahalagahan ng mga bakuna sa pagharap sa naturang mga outbreak. Kahit noon, sinabi niya:
“But to say (Pero para sabihin) na nawala ‘yon — you do not kill bacteria and viruses ((hindi mo mapapatay ang bacteria at mga virus). They linger on for as long as mankind is in (sic) this planet (Tumatagal sila hangga’t ang sangkatauhan ay nasa (sic) ng planeta na ito).”
ANG KATOTOHANAN
Taliwas sa pahayag ni Duterte, nagsimula ang Spanish flu outbreak noong 1918, apat na taon pagkatapos magsimula ang WWI.
Nakilala bilang “pinaka matinding pandemic sa makabagong kasaysayan,” ang sakit ay sumiklab “noong taglagas ng 1918,” nang ang WWI ay “patapos” na, ayon sa ulat ng Stanford University.
Ang giyera, na tumagal mula Hulyo 1914 hanggang Nobyembre 1918, “natulungan marahin” ng “mabilis na pagkalat at pag-atake” ng sakit dahil sa “malawakang pagkilos ng mga hukbo at sa mga barko,” sabi ng ulat.
Ang Spanish flu outbreak, na nang maglaon ay nakilala bilang 1918 influenza, ay nanalasa sa ilang mga bansa sa buong mundo hanggang 1919. Tinatayang 500 milyong katao, o isang-katlo ng populasyon ng mundo noong panahong iyon, ay nahawahan ng sakit, pumatay ng hindi bababa sa 50 milyong katao, ayon sa isang explainer ng US Center for Diseases Control and Prevention (CDC).
Sa December 1918 edition ng journal nito, sinabi ng American Medical Association:
“The 1918 has gone: a year momentous as the termination of the most cruel war in the annals of the human race; a year which marked, the end at least for a time, of man’s destruction of man; unfortunately a year in which developed a most fatal infectious disease causing the death of hundreds of thousands of human beings. Medical science for four and one-half years devoted itself to putting men on the firing line and keeping them there. Now it must turn with its whole might to combating the greatest enemy of all–infectious disease.
(Ang 1918 ay tapos na: isang taon na mahalaga bilang pagtatapos ng pinaka-malupit na digmaan sa mga talaan ng lahi ng tao; isang taon na minarkahan, ang pagtatapos sandaling panahon, ng pagkawasak ng tao dahil sa tao; sa kasamaang palad isang taon kung saan na debelop ang isang pinaka-nakamamatay na nakakahawang sakit na naging sanhi ng pagkamatay ng daan-daang libong mga tao. Apat at kalahating taon tumutok ang medical science sa pagtatalaga ng mga tauhan sa firing line at pinanatili sila doon. Ngayon kailangan nito gamitin ang buong lakas nito upang labanan ang pinakamatinding kaaway ng lahat – ang nakakahawang sakit.)”
Mga Pinagmumulan: Hogan, D., and Burnstein, J. (2007). Disaster Medicine Second Edition (p. 44), Wolters Kluwer | Lippincott Williams & Wilkins; Stanford University, The Influenza Pandemic of 1918, Hunyo 1997
Ang 1918 influenza pandemic ay napag-alaman ngayon na dala ng H1N1 virus na may genes na nagmula sa mga ibon. Gayunpaman, “walang unibersal na pinagkasunduan tungkol sa kung saan nagmula ang virus,” sabi ng US CDC. — kasama ang mga ulat mula kay Manny Mirabite Jr.
Mga Pinagmulan
RTV Malacañang, Meeting with the IATF-EID and Talk to the People on COVID-19, May 25, 2020
U.S. Center for Disease Control and Prevention, 1918 Pandemic (H1N1 virus), Accessed May 29, 2020
Virus.stanford.edu, The Influenza Pandemic of 1918, June 1997
National Geographic, Influenza, Accessed May 29, 2020
National Geographic, Inside the swift, deadly history of the Spanish flu pandemic, 2018
History.com, Spanish flu, Oct. 12, 2010
National Geographic, What caused World War I and what were its effects?, April 11, 2019
Britannica Encyclopedia, World War I, Accessed May 29, 2020
History.com, World War I, Oct. 29, 2009
U.S. Center for Disease Control and Prevention, History of 1918 Flu Pandemic, Accessed May 29, 2020
Hogan, D., and Burnstein, J. (2007). Disaster Medicine Second Edition (p. 44), Wolters Kluwer | Lippincott Williams & Wilkins
(Ginagabayan ng code of principles ng International Fact-Checking Network sa Poynter, ang VERA Files ay sumusubaybay sa mga maling pahayag, flip-flops, nakaliligaw na mga pahayag ng mga pampublikong opisyal at kilalang personalidad, at pinasisinungalingan ang mga ito gamit ang tunay na ebidensya. Alamin ang inisyatibong ito at aming pamamaraan.)