Skip to content
post thumbnail

VERA FILES FACT CHECK: ‘Comelec order’ na nagtatanggal ng karapatan sa Abra congressman na kumandidato sa halalan PEKE

​Isang dokumento na nagsasabing pinagbawalan ng Commission on Elections (Comelec) si Abra Rep. Joseph "JB" Bernos na tumakbo sa 2019 midterm elections ay gawa-gawa lamang.

By VERA FILES

May 23, 2019

5-minute read

Basahin sa Ingles

ifcn badge

Share This Article

:

Isang dokumento na nagsasabing pinagbawalan ng Commission on Elections (Comelec) si Abra Rep. Joseph “JB” Bernos na tumakbo sa 2019 midterm elections ay gawa-gawa lamang.

PAHAYAG

Si Bernos, na muling nanalo sa katatapos na halalan, ay sumulat sa kanyang Facebook page noong bisperas ng eleksyon ng Mayo 13:

I am vehemently denying the rumors that I am disqualified from the 2019 Congressional race. It is yet another FAKE NEWS that they wish to spread to stain the good service we have done here in Abra. They should be ashamed of this dirty tactic, for they know they will never win against us that had proven many things for Abra. This is FAKE NEWS, my fellow Abreños.”

(Lubos akong itinatanggi ang mga chismis na ako ay hindi maaaring tumakbo sa 2019halalan para sa Kongreso. Ito ay isa na namang FAKE NEWS na nais nilang ikalat upang sirain ang magandang serbisyo na ginawa namin dito sa Abra. Dapat silang mahiya sa maruruming taktika na ito, sapagkat alam nila na hindi sila magtatagumpay laban sa amin na nakapagpatunay ng maraming bagay para sa Abra. Ito ay FAKE NEWS, mga kapwa Abreños.)”

Pinagmulan: Cong. JB Bernos Facebook page, Mayo 12, 2019.

Ipinakita sa post ng congressman ang dalawang litrato ng tila isang order mula sa Comelec en banc, na may nakatatak na “FAKE.”

Ito ay nakakuha ng mahigit na 3,500 reaksyon at ibinahagi nang 45 ulit.

Lumabas ang post tatlong linggo matapos na inilathala ni Bernos ang isang Facebook status noong Abril 21 na nagrereklamo sa tanong mula sa isang netizen sa Facebook Abrenian.com Abra Community na nagtanong kung siya ay na-disqualify sa pagtakbo sa eleksyon. Ang post ng netizen ay may 66 reaksiyon at 55 komento. Ang kontra-post ni Bernos na nagsasabi na ito ay peke at “black propaganda” ay may higit sa 3,300 reaksyon at 94 shares.

ANG KATOTOHANAN

Ang “Comelec order” sa post ni Bernos ay isang kumbinasyon ng dalawang magkaibang dokumento:

  • isang Marso 11 order mula sa Comelec en banc na nagsasabing kanilang “isinaalang-alang na ang inirereklamo/ang respondent (Bernos) ay nabigyan na” ng kopya ng isang resolusyon na nagpapatibay ng kanilang desisyon sa kaso na isinampa laban sa kanya noong 2013 sa paglabag umano sa Omnibus Election Code sa eleksyon nang taong iyon
  • isang Certificate of Finality na nagdedeklara na ang resolusyon ay final and executory, na may petsang Marso 12.

Inirekomenda ng Comelec en banc noong 2016 ang pagsampa ng kaso sa korte laban kay Bernos at dalawang pulis matapos suriin ang petisyon na isinampa noong 2013 sa pamamagitan ni dating Dolores, Abra Mayor Robert Victor Seares. Ibinasura ng Comelec ang motion for reconsideration ni Bernos, at kasama ang Certificate of Finality, tinapos ang kanilang desisyon noong Marso 12, 2019.

Pagkalipas ng anim na araw, isang petisyon na nagnanais na tanggalan ng karapatan si Bernos na tumakbo sa halalan ng taong ito ang isinampa ng pinsan ni Seares, si Jendricks Seares Luna.

Bukod sa pinagsama ang dalawang magkaibang dokumento na ipinalabas ng Comelec, ang sinasabing ikalawang pahina ng pekeng dokumento na inilathala ni Bernos ay na-manipula.

Nag copy-paste ito mula sa Certificate of Finality ng isang bahagi na sinipi mula sa resolusyon ng Comelec, na nag-uutos sa pagsasampa ng kaso laban kay Bernos:

WHEREFORE, premises considered, the Commission En Banc RESOLVED, as it hereby RESOLVES, to ORDER the filing of Information against respondents Joseph Sto. Nino B. Bernos, PO3 Raymund Palope and PO2 Jithelo Panigan Tuazon for violation of Section 261, Paragraphs (e), (f) and (y) (9) of B.P. Blg. 881. As to Dante B. Guzman, the case against him is hereby DISMISSED by reason of his death.”

(KAYA, isinaalang-alang ang mga batayan, ang Commission En Banc ay PINAGTITIBAY, habang ito ay NAGPAPASYA, na IUTOS ang paghaharap ng Impormasyon laban sa mga inirereklamo, Joseph Sto. Nino B. Bernos, PO3 Raymund Palope at PO2 Jithelo Panigan Tuazon dahil sa paglabag sa Section 261, Paragraphs (e), (f) at (y) (9) ng B.P. BLG. 881. Tungkol kay Dante B. Guzman, ang kaso laban sa kanya ay PINAWAWALANG-HALAGA dahil sa kanyang kamatayan.)”

 

Isang kathang-isip na probisyon ang idinagdag:

“Respondent JOSEPH STO. NINO BERNOS is hereby ordered DISQUALIFIED as candidate for Representative of the LONE DISTRICT OF ABRA in the 2019 MIDTERM ELECTIONS[.]”

(Ang inirereklamong si JOSEPH STO. NINO BERNOS sa pamamagitan nito ay tinatanggalan ng karapatan na maging kandidato para sa Kinatawan ng NAG-IISANG DISTRITO NG ABRA sa 2019MIDTERM ELECTIONS [.])”

Sinabi ng Office of the Clerk of Commission ng Comelec sa VERA Files na may dalawang petisyon na humihiling ng diskwalipikasyon ni Bernos ngunit pareho lamang itong “isinumite para sa resolusyon” at “pagpapasyahan pa lang ng Comelec en banc.”

Ginawang opisyal na ng Provincial Electoral Board of Canvassers ang pagkapanalo ni Bernos ng ikalawang termino noong Mayo 14.

Ang Abra ay idineklara ng Comelec bilang isang Category Red Election Hotspot ngayong halalan matapos lumabas ang mga ulat ng “mga insidente na may kinalaman sa halalan sa nakaraang dalawang eleksyon” at “seryosong armadong pagbabanta” ng iba’t ibang mga grupo.

 

Mga pinagmulan

@abragovph, “COMELEC-Abra proclaimed Cong. Jb Bernos, @govjoybernos, Vice-Gov. Ronald Balao-as, and Sangguniang Panlalawigan members,” May 15, 2019

Baguio Herald Express Online, “Abra solon, 2 cops face election raps,” April 21, 2019.

Manilastandard.net, “Luzon: Gov. Bernos, Balao-as win in Abra,” May 15, 2019.

Official website of the Commission on Elections, “Comelec declares entire Mindanao and other areas as election hotspots,” March 19, 2019.

Office of the Clerk of Commission, personal correspondence, May 14, 2019.

Philippine News Agency, “Congressman, guv and vice guv reelected in Abra,” May 15, 2019.

Politiko North Luzon, “Comelec denies Gov Bernos petition vs 2013 election complaint,” April 22, 2019.

The Manila Times, “Abra lawmaker faces poll raps,” April 19, 2019.

Inquirer.net, “In Abra, political rivalry heats up,” March 12, 2019

 

(Ang VERA Files Fact Check ay sumusubaybay sa mga maling salaysay at nakaliligaw na mga pahayag ng mga pampublikong opisyal at personalidad, at itinatama ang mga ito gamit ang mga tunay na ebidensya. Kami ay ginagabayan ng mga prinsipyo ng International Fact-Checking Network sa Poynter. Para sa karagdagang impormayan bisitahin ang pahinang ito.)

Get VERAfied

Receive fresh perspectives and explainers in your inbox every Tuesday and Friday.