Nanawagan ang kandidato pagka-senador na si Glenn Chong sa mga botante na gumamit ng isang ultraviolet (UV) light camera simulator na maaaring makakita ng “pre-shaded” na mga balota — isang payo na batay sa maling impormasyon.
PAHAYAG
Noong Mayo 11, huling araw ng kampanya, si Chong sa isang 16-minutong live Facebook video ay nagsalita tungkol sa isyu ng mga pre-shaded na balota na kinunan ng video at naunang nag-trend ng dalawang linggo. Ang balota sa video, kung saan ang mga oval para sa mga kandidato ng Otso Diretso ay minarkahan ng UV ink, ay peke.
Bagamat sinabi ni Chong na hindi niya matiyak kung ang pinasinungalingang viral video ay lehitimo, ipinanukala niya sa mga botante na mag download ng mobile application na “UV Flashlight Camera Simulator,” na sinabi niyang inirekomenda ng International Police of Norway:
“I-download po natin ang app na ito, 15 MB lang po siya. At kapag nag-on na po ‘yung application, pindutin niyo po yung play. Play kasi it’s a simulation, tapos lalabas po ‘yung screen na ganito, at i-go over niyo (padaanin niyo) po sa (ibabaw ng) balota para makita po ninyo kung may shade (marka) na ito o wala.
Pinagmulan: Glenn Chong’s Facebook page, Mayo 11, 2019, panoorin mula 10:03 hanggang 10:20
Nauna rito, ipinaliwanag niya na kung ang vote counting machine (VCM) ay kayang mabasa ang UV watermark security feature ng balota, maaari rin nitong iproseso ang mga oval na pre-shaded na may UV ink:
“Kapag nabasa po ng makina ang ultraviolet ink na watermark sa bandang gitna, sa itaas ng balota, hindi po nakikita ng ating mga mata ‘iyan. Posible pong mabasa din ng makina ang ultraviolet ink na ginamit pag marka po ng mga oval ng mga kandidatong gustong mandaya.
Pinagmulan: Glenn Chong’s Facebook page, Mayo 11, 2019, panoorin mula 6:38 hanggang 7:00
Sinabi ni Chong na kinumpirma ng opisyal ng Commission on Elections na posible ito. Pagkatapos hinimok niya ang mga botante na i-scan ang kanilang mga balota gamit ang UV camera bago bumoto.
ANG KATOTOHANAN
Ang paggamit ng mga mobile phone bilang “capturing devices” sa loob ng presinto ng botohan ay itinuturing na labag sa batas, ayon sa 2016 Comelec resolution. Higit pa rito, pinabulaanan nang Comelec ang mga alegasyon ng mga pre-shaded na balota.
Sinabi ni Comelec Executive Director Jose Tolentino sa mga reporter noong Mayo 2 na hindi binibilang ng VCM ang UV marks bilang mga boto, ngunit hinahanap nito ang itim na tinta:
“So we tested. Eh hindi naman binabasa ng VCM iyon (The VCM does not read that). The VCM actually looks for black ink. ‘Yung talagang (The black) ink, hindi (not) invisible (Kaya sinubukan namin. Eh hindi naman binabasa ng VCM iyon. Ang VCM ay naghahanap ng itim na tinta. ‘Yung talagang (itim) tinta, hindi yung hindi nakikita.)”
Pinagmulan: Pilipino Star Ngayon, Inquirer.net, Manila Bulletin
Ang UV marks ay palatandaan ng mga VCM bilang isang security feature, upang matiyak ang pagiging tunay na mga opisyal na balota, sinabi ni Tolentino sa ulat ng Inquirer. Ang poll watchdog na Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) ay nagsabi na ang isang balota ay peke kapag ang scanner ay hindi nakakita ng UV mark dito, at / o kapag ang balota ay may ibang uri ng barcode kaysa sa tinukoy para sa halalan.
Kahit na mag download ang isang botante ng UV camera application, hindi lahat ng camera ng telepono ay maaaring makakita ng UV light; may mga murang UV sensor sa mga telepono na kamakailan lamang na debelop. Maaaring kailanganin ng iba na magkabit ng isang panlabas na aparato sa kanilang mga telepono para magkaroon ng kakayahan na matunugan ang UV light.
Ang application na isinulong ni Chong ay nakakuha ng halos negatibong feedback mula sa mga gumagamit, ayon sa Google Play Store – nakakukuha halos lahat ng one-star rating. Ang isang dating gumamit ay nagbabala pa sa iba tungkol sa pag-download ng app dahil humihingi ito ng pahintulot sa mga gagamit na payagan ang app na “magbahagi (ng kanilang) personal na impormasyon.”
Ang video ni Chong, na na-post ng 277 beses sa pamamagitan ng mga pahina kasama ang MOCHA USON BLOG Group, Maharlika at ATTY. GLENN CHONG, ay nakakuha ng higit sa 54,000 views at 3,104 shares at maaaring umabot sa may 4.8 milyong tao.
Mga pinagmulan
Adafruit Industries, Analog UV Light Sensor Breakout – GUVA-S12SD
Commission on Elections, Resolution No. 10088, s. 2016, April 12, 2016
Google Play, UV Flashlight Camera Simulator
Inquirer.net, ‘Obviously staged,’ says Comelec exec on video showing ‘pre-shaded ballots’, May 2, 2019
Philstar.com, Pre-shaded ballot pinabulaanan ng Comelec, May 3, 2019
PPCRV Antipolo Diocese, VCM Demonstration 2019 National and Local Elections
Manila Bulletin, Commission on Elections tells public to not believe video showing alleged pre-shaded ballot, May 2, 2019
Tohoku University, Ultraviolet light sensor for wearable devices in the IoT era, April 17, 2017
US National Library of Medicine National Institutes of Health, Ultraviolet Imaging with Low Cost Smartphone Sensors: Development and Application of a Raspberry Pi-Based UV Camera, Oct. 6, 2016