Skip to content
post thumbnail

​VERA FILES FACT CHECK: DDB Chair Santiago inulit ang maling pahayag ni Duterte tungkol sa pampublikong bidding

Ang Batas Republika Blg. 9184, ang batas na sumasaklaw sa pagkuha ng pampublikong gamit, ay hindi nag-uutos sa gobyerno na kunin lamang ang "pinakamurang" mga kalakal at serbisyo.

By VERA FILES

Sep 13, 2017

3-minute read

BASAHIN SA INGLES

ifcn badge

Share This Article

:

Sa pag ulit ng naunang argumento ni Pangulong Rodrigo Duterte, si Dangerous Drugs Board Chair Dionisio Santiago ay naman ang nagkamali tungkol sa proseso ng pagkuha ng gamit ng pamahalaan.

ANG PAHAYAG

Sa isang pakikiharap sa media sa Malacanang noong Set. 5, tinanong si Santiago tungkol sa giyera laban sa mga droga, at kung kailan, sa kanyang palagay, ito matatapos. (Tingnan ang VERA FILES FACT CHECK: In his own words: Duterte’s drug war, so far)

Sa pagtugon sa tanong, umiwas ang DDB Chair at tinalakay ang isyu ng nakaw na yaman ni Marcos, at ang mga hamon sa modernisasyon ng sandatahang lakas.

Tungkol sa huli, sinabi niya:

 

Tapos ‘yung… pirming doon tayo sa pinakamura. Magbabayad ka para sa kalidad. Magbabayad ka para sa kalidad.. Hindi pwedeng lahat mura. Pagka-mura ang kinuha mo, magmumura ka.

Pinagkunan: Press Briefing by Presidential Spokesperson Ernesto Abella with Chairperson Dionisio Santiago Dangerous Drugs Board, Sept. 5, 2017, watch from 48:15-48:26

FACT

Tulad ni Duterte, na mas nauna, pati sa kanyang ikalawang State of the Nation Address, na nagsalita tungkol sa pagkuha ng mga kalakal at serbisyo para sa militar, mali si Santiago. (Tignan VERA FILES FACT CHECK: Can the president order COA to bypass gov’t bidding rules?</a>; VERA FILES FACT CHECK: Duterte orders breach of bidding rules anew)

Ang Batas Republika Blg. 9184, ang batas na sumasaklaw sa pagkuha ng pampublikong gamit, ay hindi nag-uutos sa gobyerno na kunin lamang ang “pinakamurang” mga kalakal at serbisyo.

Sa halip, ang batas ay nagdisenyo ng isang pampublikong proseso ng bidding na may kompetisyon upang matiyak na ang mga kalakal at serbisyo na makukuha ay ang pinakamahusay na posibleng kalidad at halaga, sa pamamagitan ng ilang mga safeguard.

Una, ang proseso ng pagkuha ay sinimulan sa pagbibigay ng abiso sa publiko tungkol sa mga pagkakataon na mag bid, upang matiyak ang transparency at madagdagan ang bilang ng mga maaaring mag bid.

Pagkatapos, ang mga supplier ng produkto at tagapagbigay ng serbisyo na gustong lumahok sa bidding ay sinusuri kung karapat-dapat, sa pamamagitan ng kasapatan ng kanilang mga pagsusumite ng dokumentaryo.

Susunod, sinusuri ang mga pinansiyal na bahagi ng mga kwalipikadong bid, at niraranggo upang matukoy ang pinakamababang bid.

Sa huli, ang mga pahayag at mga dokumento ng pinakamababang bidder ay inaalam kung tunay at pinapagtibay upang matiyak kung ang mga ito ay sumusunod sa mga legal, pinansiyal at teknikal na pangangailangan ng bid.

At saka pa lamang iginagawad ang kontrata, batay sa batas.

BACKSTORY

Nilagdaan ni Duterte noong Hulyo 17 ang Executive Order No. 34, na, kasama ang iba pa, pinasimple ang pag-apruba ng mga kontrata ng pamahalaan na ipinasok sa pamamagitan ng mga paraan ng pagkuha bukod sa pampublikong bidding na may kompetisyon na utos ng batas.

Kabilang sa mga pamamaraan na ito ang limitadong mapagkukunan ng bidding o selective bidding, direktang pagkontrata, pag-uulit ng order, pamimili at pakikipagkasundo sa pagkuha ng gamit.

Gayunpaman, ang Korte Suprema, sa isang naunang kaso na may kinalaman sa mga alternatibong paraan ng pagkuha ng gamit ng Commission on Elections, ay pinaboran ang masigasig na “pagsunod sa mga kundisyong ibinigay sa (procurement law) at lahat ng may kinalaman na mga alituntunin at pamamaraan.”

Sources:

Government Procurement Policy Board, Guidelines on the Establishment of Procurement Systems and Organizations Vol. 1

Government Procurement Policy Board, Manual of Procedures for the Procurement of Goods and Services Vol. 2

Republic Act No. 9184

Executive Order No. 34

Bishop Broderick S. Pabillo v COMELEC, G.R. No. 216098

Ang VERA Files Fact Check ay sumusubaybay sa mga maling
salaysay at nakaliligaw na mga pahayag ng mga pampublikong opisyal at
personalidad, at itinatama ang mga ito gamit ang mga tunay na ebidensya. Kami
ay ginagabayan ng mga prinsipyo ng International Fact-Checking Network sa
Poynter. Para sa karagdagang impormayan bisitahin ang pahinang ito.

 

Get VERAfied

Receive fresh perspectives and explainers in your inbox every Tuesday and Friday.