Skip to content
post thumbnail

VERA FILES FACT CHECK: Duterte admin iba iba ang pananaw sa legalidad ng pagtanggi sa mga hindi nabakunahang naghahanap ng trabaho

Habang tinitingnan ng gobyerno ang tatlong araw na National Vaccination Drive sa huling bahagi ng buwang ito, muling binuksan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang isyu kung legal ba para sa mga negosyo na tanggihan ang mga hindi nabakunahang aplikante sa trabaho.

By VERA Files

Nov 15, 2021

4-minute read

Basahin sa Ingles

ifcn badge

Share This Article

:

Habang tinitingnan ng gobyerno ang tatlong araw na National Vaccination Drive sa huling bahagi ng buwang ito, muling binuksan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang isyu kung legal ba para sa mga negosyo na tanggihan ang mga hindi nabakunahang aplikante sa trabaho.

Ang pahayag ni Duterte kamakailan ay sumasalungat sa paninindigan na napagkasunduan ng Inter-Agency Task Force for Managing Emerging Infectious Diseases (IATF) sa usapin, kasunod ng sunud-sunod na magkakaibang posisyon.

Sinubaybayan ng VERA Files Fact Check ang mga magkasalungat na pahayag dito:

Sa panayam ng People’s Television Network noong Nob. 11, muling nilinaw ni Trade and Industry Secretary Ramon Lopez na walang pagbabakuna na kinakailangan para sa mga manggagawa, na sinasabing ang mga employer ay maaaring “mas gusto ang nabakunahan” na mga aplikante sa trabaho ngunit ang naturang kondisyon ay “dagdag na puntos lamang” para sa pagtanggap sa trabaho.

Nakasaad sa Section 12 ng RA 11525, o ang COVID-19 Vaccination Program Act of 2021 na “ang mga vaccine card ay hindi dapat ituring bilang isang karagdagang ipinag-uutos na kinakailangan para sa edukasyon, trabaho, at iba pang katulad na mga layunin ng transaksyon.”

Hindi bababa sa isang panukala sa Kongreso ang naglalayong amyendahan ang RA 11525 at i-utos ang pagpapabakuna sa COVID-19. Ang House Bill 9252, na inihain ni Cavite 4th District Rep. Elpidio Barzaga, ay nananatiling nakabinbin sa House committee on health mula pa noong Mayo.

Sinabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Singh-Vergeire sa isang forum ng media noong Nob. 5:

One of the things that we are looking at, because we will never achieve ‘yung immunity na kailangan ng populasyon natin kung may mga sektor sa society na hindi mababakunahan, so isa po sa tinitingnan nating paraan is to make it mandatory.”

(Isa sa mga tinitingnan natin, dahil hinding-hindi natin makakamit ang immunity na kailangan ng ating populasyon kung may mga sektor sa lipunan na hindi mababakunahan, kaya isa po sa tinitignan nating paraan ay gawin itong sapilitan.)

Sinabi ni Vergeire na ito ay “hindi para ipataw” sa lahat ng sektor, ngunit sa “mga partikular na sektor na vulnerable” at mga manggagawang lantad sa face-to-face na pakikipag-ugnayan. Matapos ito sabihin, idinagdag niya na ang Department of Health ay “pakikinggan” ang pahayag ni Guevarra na kailangan ng isang batas para ito ay payagan.

Kasunod ng pahayag ni Duterte noong Nob. 9, naglabas ang IATF ng Resolution No. 148 noong Nob. 11, na nag-uutos sa lahat ng mga establisyimento at employer sa pampubliko at pribadong sektor na “atasan ang kanilang mga eligible na empleyado na nataasang gumawa ng trabaho on-site na mabakunahan laban sa COVID -19” sa mga lugar na may “sapat” na supply.

Binanggit nito, gayunpaman, na “ang mga eligible na empleyado na nananatiling hindi pa nabakunahan ay hindi maaaring sisantihin dahil lamang dito.” Sa halip, kakailanganin silang sumailalim sa mga RT-PCR test o antigen tests (kung ang una ay “hindi kaagad magagamit”) “na regular at sa kanilang sariling gastos para sa mga layunin ng trabaho on-site.”

Ang Pilipinas ay nakapagbigay nang higit sa 69.71 milyong COVID-19 jabs noong Nob. 14. Mahigit sa 31.57 milyon ang ganap na nabakunahan, habang higit sa 38.14 milyon ang nakatanggap ng kanilang unang dosis.

 

Nakakita ka na ba ng anumang kahina-hinalang pahayag, larawan, meme, o online post na gusto mong i-verify namin? Sagutan ang reader-request form na ito.

 

Mga Pinagmulan

On the National Vaccination drive

Timeline

Official Gazette, 1987 Constitution of the Philippines

Official Gazette, Republic Act No. 11525

House of Representatives, House Bill No. 9252

People’s Television Network, PANOORIN: Public Briefing #LagingHandaPH, Nov. 11, 2021

Department of Health, Beat COVID-19 Media Forum, Nov. 5, 2021

Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases, Resolution No. 148-B, Nov. 11, 2021

Department of Health, National COVID-19 Vaccination Dashboard

 

(Ginagabayan ng code of principles ng International Fact-Checking Network sa Poynter, ang VERA Files ay sumusubaybay sa mga maling pahayag, flip-flops, nakaliligaw na mga pahayag ng mga pampublikong opisyal at kilalang personalidad, at pinasisinungalingan ang mga ito gamit ang tunay na ebidensya. Alamin ang inisyatibong ito at aming pamamaraan.)

Get VERAfied

Receive fresh perspectives and explainers in your inbox every Tuesday and Friday.