Sa loob ng anim na araw, binawi ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) ang resolusyon nito na nagpapahintulot sa local government units na tumanggap ng vaccination card o certificates of quarantine completion ng fully vaccinated domestic traveller bilang “sapat na alternatibo” sa mga COVID-19 test bago maglakbay o pagdating sa destinasyon.
PAHAYAG
Noong Hulyo 2, naglabas ang task force ng Resolution No. 124-B, na nagbibigay ng mga alituntunin para sa fully vaccinated na mga indibidwal, na nagsasabi sa isang bahagi:
“…the presentation of a COVID-19 (coronavirus disease 2019) domestic vaccination card duly issued by a legitimate vaccinating establishment, or certificate of quarantine completion showing the holder’s vaccination status as may be issued by the Bureau of Quarantine, whichever is applicable, shall be sufficient alternatives to any testing requirement (before travel or upon arrival) which the local government unit [(LGU)] of destination may require.”
(…ang pagpapakita ng isang COVID-19 [coronavirus disease 2019] domestic vaccination card na ibinigay ng isang lehitimong vaccinating establishment, o certificate of quarantine completion na nagpapakita ng vaccination status ng may hawak na maaaring ibigay ng Bureau of Quarantine, alinman ang naaangkop, ay magiging sapat na alternatibo sa anumang testing na kinakailangan [bago maglakbay o pagdating sa destinasyon] na maaaring kailanganin ng local government unit [(LGU)] ng destinasyon.)
Pinagmulan: Official Gazette of the Philippines, IATF Resolution No. 124-B, Hulyo 2, 2021
Gayunpaman, ang parehong mga alituntunin sa patakaran ay nagsasaad na ang mga fully vaccinated na may malapit na kontak sa mga kumpirmadong kaso ng COVID-19 ay dapat pa ring sumailalim sa real-time polymerase chain reaction (RT-PCR) tests na isasagawa nang hindi lalampas sa ikalimang araw mula sa pagkakalantad ng isang tao.
ANG KATOTOHANAN
Noong Hulyo 8, binago ng IATF-EID ang mga alituntunin nito noong Hulyo 2 sa pamamagitan ng paglabas ng Resolution No. 125 na nagbibigay sa mga LGU ng pagpapasya na panatilihin ang ipinag-uutos na RT-PCR COVID-19 tests bilang kinakailangan para sa mga papasok na domestic tourist. Sinabi nito:
“…as amended, local government units may accept (i) a Covid-19 vaccination card duly issued by a legitimate vaccinating establishment/authority whether local or foreign; or (ii) certificate of quarantine completion showing the holder’s vaccination status as may be issued by the Bureau of Quarantine, whichever is applicable, as an alternative to RT-PCR testing requirement (before travel or upon arrival) which the local government unit may require.”
(…na amyendahan, ang mga local government units ay maaaring tumanggap ng (i) isang Covid-19 vaccination card na inisyu ng isang lehitimong establisyimento/awtoridad sa pagbabakuna lokal man o dayuhan; o (ii) certificate of quarantine completion na nagpapakita ng status ng pagpapabakuna ng may hawak na maaaring ibigay ng Bureau of Quarantine, alinman ang naaangkop, bilang alternatibo sa RT-PCR testing requirement [bago maglakbay o pagdating sa destinasyon] na maaaring kailanganin ng local government unit.)
Pinagmulan: Official Gazette of the Philippines, IATF Resolution No. 125, Hulyo 8, 2021
Ito, matapos ang League of Provinces of the Philippines (LPP), isang organisasyon na kumakatawan sa lahat ng 81 pamahalaang panlalawigan sa bansa, ay nagpahayag ng pag-aalinlangan na ipatupad ang patakaran noong Hulyo 2 at umapela sa IATF na bigyan ang mga pamahalaang panlalawigan ng opsyon na i-require ang COVID-19 tests para sa mga naglalakbay.
Sa panayam noong Hulyo 6 sa Dobol B TV, binigyang-diin ni Marinduque Governor Presbitero Velasco Jr., pangulo rin ng LPP, na maaaring kulang ang mga screening sa kalusugan at exposure para matuklasan ang mga turistang asymptomatic, kaya ang may apela.
Sa hiwalay na panayam sa Radio Mindanao Network (RMN), sinabi ni Velasco na nais ng mga provincial governor na manatiling mapagmatyag sa pagsugpo sa potensyal na pagkalat ng COVID-19 variants of concern sa bansa. Iniulat ng Department of Health noong Hulyo 5 na 19 na kaso ng Delta variant ang nakita sa Pilipinas. (Tingnan ang VERA FILES FACT SHEET: Amid new COVID-19 virus variants, here’s how the Philippines can prevent another surge)
Habang gumagawa ang Department of Information and Communications Technology (DICT) ng isang authentication system para sa mga vaccination card, sinabi ni Health Secretary Francisco Duque III sa isang panayam noong Hulyo 7 sa ABS-CBN Teleradyo na ang kasalukuyang vaccination verification system ay umaasa sa “good faith” ng mga tao na hindi magpapalsipika ng mga naturang dokumento.
Inalis muna ng COVID-19 task force ang mandatory testing at quarantine para sa mga domestic traveller noong Peb. 26 sa pamamagitan ng Resolution No. 101. Pagkatapos, pinahintulutan ng resolusyon ang mga LGU na mag-require ng RT-PCR test at quarantine kung ang isang turista ay magpakita ng mga sintomas ng COVID-19 pagdating sa destinasyon.
Nitong Hulyo 5, humigit-kumulang 2.87 milyong Pilipino na kabilang sa unang limang priority groups ang nabakunahan laban sa COVID-19. Inanunsyo ni vaccine czar Carlito Galvez Jr. noong Mayo na ang Pilipinas ay nagplano noong una na magbakuna ng 70 milyong Pilipino upang makamit ang herd immunity, ngunit dahil sa pasulput-sulpot na pagpapadala ng mga supply ng bakuna, ang bansa ngayon ay naglalayong mabakunahan ang humigit-kumulang 50 milyon sa 110 milyong populasyon, sa ilalim ng COVID -19 vaccination program.
Sa isang panayam noong Hunyo 25 sa ABS-CBN TeleRadyo, sinabi ni Duque na ang Pilipinas ay makakamit ang herd immunity “humigit kumulang” sa Nobyembre o Disyembre 2021, at “pinakamatagal, posibleng sa Enero [2022],” binanggit ang kasapatan ng supply ng bakuna.
Nakakita ka na ba ng anumang kahina-hinalang pahayag, larawan, meme, o online post na gusto mong i-verify namin? Sagutan ang reader-request form na ito.
Mga Pinagmulan
Presidential Communications Operations Office (PCOO) Official Facebook Page, #LagingHanda | Mga hakbang ng DICT upang magkaroon ng unified issuance and validation ng vaccination cards ang lahat ng lokal na pamahalaan, July 10, 2021
ABS-CBN News Official Youtube Channel, Kuwentuhang Lokal | Teleradyo (7 July 2021), July 7, 2021
Official Gazette of the Philippines, IATF Resolution No. 124-B, July 2, 2021
Presidential Communications Operations Office (PCOO), Children, ages 5 and above, now allowed in some outdoor MGCQ and GCQ areas, July 9, 2021
CNN Philippines, Pandemic task force allows LGUs to require COVID-19 tests, July 9, 2021
Manila Bulletin, LGUs have option to require RT-PCR tests from fully vaccinated individuals entering jurisdiction, says DOH, July 9, 2021
Official Gazette of the Philippines, IATF Resolution No. 125, July 8, 2021
League of Provinces of the Philippines (LPP), About us, Accessed July 9, 2021
GMA News Online, League of Provinces wary of removing COVID-19 test as travel requirement, July 6, 2021
Manila Bulletin, Governors’ group insists on swab test even for fully-vaccinated travelers, July 6, 2021
Radio Mindanao Network (RMN), Resolusyon ng IATF na payagan nang makapag-travel ang mga full vaccinated ng walang COVID-19 testing, tinutulan ng LPP, July 6, 2021
Inquirer.net, Two more cases of Delta variant infection logged in PH, says DOH, July 5, 2021
ABS-CBN News, DOH reports 2 new cases of Delta COVID-19 variant in PH, July 5, 2021
Rappler, DOH detects 2 new cases of COVID-19 Delta variant, July 5, 2021
Official Gazette of the Philippines, IATF Resolution No. 101, Feb. 26, 2021
Department of Health (DOH) Official Facebook Page, [VACCINE ROLLOUT UPDATE: 05 July 2021], July 5, 2021
Manila Bulletin, From 70M to 58M: Galvez wants lower target to achieve herd immunity, May 4, 2021
Philstar.com, Government to inoculate 25 million people by Christmas, May 12, 2021
Inquirer.net, COVID-19 vaccination target may need adjustment – Galvez, May 5, 2021
ABS-CBN News Official Youtube Channel, Teleradyo Balita (25 June 2021), June 25, 2021
(Ginagabayan ng code of principles ng International Fact-Checking Network sa Poynter, ang VERA Files ay sumusubaybay sa mga maling pahayag, flip-flops, nakaliligaw na mga pahayag ng mga pampublikong opisyal at kilalang personalidad, at pinasisinungalingan ang mga ito gamit ang tunay na ebidensya. Alamin ang inisyatibong ito at aming pamamaraan.)