Skip to content
post thumbnail

VERA FILES FACT CHECK: Duterte binago ang naunang pahayag tungkol sa foreign service degree

Binago ni Pangulong Rodrigo Duterte ang naunang pahayag na siya ay "kumuha ng AB Foreign Service."

By VERA Files

May 3, 2018

-minute read
ifcn badge

Share This Article

:

Binago ni Pangulong Rodrigo Duterte ang naunang pahayag na siya ay “kumuha ng AB Foreign Service,” at sa isang talumpati kamakailan ay sinabi na siya ay “nag-aral” ng foreign service at diplomatic practice and procedure “sa mga sides (sic)” habang kinukuha ang kanyang major sa unibersidad na political science.

PAHAYAG

Noong Abril 29, sa talumpati sa Davao International Airport, sinabi ni Duterte:

“Nakapag-aral ako ng foreign service, ayaw naman maniwala ng iba. AB lang daw. Major ko ang … ganun, syempre, Political Science. Pagkatapos sa mga sides (sic) kumukuha ako ng diplomatic practice and procedure.”

Pinagmulan: Presidential Communications Operations Office, Statement and Press Conference of President Rodrigo Duterte, Davao International Airport, Abril 29, 2018, panoorin mula 1: 04: 02-1: 04: 21

FLIP-FLOP

Nauna nang nagpahayag si Duterte na siya ay isang foreign service graduate. (Tingnan ang VERA FILES FACT CHECK: Is President Duterte a Foreign Service graduate?)

Sa press conference sa Beijing noong Okt. 19, 2016, sinabi niya:

“At ako din ay nagtapos sa Foreign Service. Kaya nalalaman ko kung paano balansehin itong naglalaban… Sa edad na ito, ako ay mayroon na ngayong tamang pananaw upang maghusga kung ang foreign policy ay mabuti para sa atin o hindi.”

Pinagmulan: Radio Television Malacanang, Press Conference, Beijing, China, Okt. 19, 2016, panoorin mula 9: 33-10: 04

At sa press conference sa Davao City noong Agosto 21, 2016, sinabi niya:

“Kumuha ako ng AB Foreign Service. Tingnan ninyo sa Lyceum.”

Pinagmulan: RTVM, Press Conference, Davao City, Agosto 21, 2016, panoorin mula 02: 04: 21-02: 05: 23

Ang mga rekord na nakuha ng VERA Files ay pinasisinungalingan ang mga pahayag; sa listahan ng commencement exercise ng Lyceum University noong 1968 si Duterte kasama sa mga nagtapos ng Bachelor of Arts.

Ang kanyang pangalan ay wala sa listahan ng mga nagtapos ng Bachelor of Science in Foreign Service. (Panoorin BUHAY KA PA BA? Portrait of a president as a source of disinformation)

Mga pinagkunan:

Presidential Communications Operations Office, Statement and Press Conference of President Rodrigo Duterte, April 29, 2018

Radio Television Malacanang, Press Conference in Beijing, China, Oct. 19, 2016

RTVM, Press Conference, Davao City, Aug. 21, 2016

Ang VERA Files Fact Check ay sumusubaybay sa mga maling salaysay at nakaliligaw na mga pahayag ng mga pampublikong opisyal at personalidad, at itinatama ang mga ito gamit ang mga tunay na ebidensya. Kami ay ginagabayan ng mga prinsipyo ng International Fact-Checking Network sa Poynter. Para sa karagdagang impormayan bisitahin ang pahinang ito.

Get VERAfied

Receive fresh perspectives and explainers in your inbox every Tuesday and Friday.