Skip to content
post thumbnail

VERA FILES FACT CHECK: Sabi ni Duterte hindi siya maaaring kumandidato pa matapos ang kanyang termino. Ganoon ba?

​Sa isang talumpati noong Marso 10, si Pangulong Rodrigo Duterte ay nagbitaw ng maling pahayag na siya ay hindi na puwedeng tumakbo para sa "anumang pampublikong posisyon" pagkatapos ng kanyang termino.

By VERA Files

Mar 19, 2018

-minute read
ifcn badge

Share This Article

:

Sa isang talumpati noong Marso 10, si Pangulong Rodrigo Duterte ay nagbitaw ng maling pahayag na siya ay hindi na puwedeng tumakbo para sa “anumang pampublikong posisyon” pagkatapos ng kanyang termino.

PAHAYAG

Sa pagsasalita sa mga pwersa ng militar sa Zamboanga City, sinabi ng pangulo:

“Wala na rin ako pagkatapos nito. Hindi na ako maaaring tumakbo sa anumang pampublikong opisina. Kaya sinusubukan ko lang na gawin sa abot ng aking makakaya ang iniuutos ng Saligang-batas.”

Pinagmulan: Presidential Communications Operations Office, Speech ni President Rodrigo Roa Duterte, Zamboanga City, Marso 11, 2018, panoorin mula 8:19-8: 21

FACT

Ang ipinagbabawal ng Konstitusyon ay ang reelection ng presidente para sa panguluhan:

“Ang Pangulo ay hindi magiging karapat-dapat sa ano mang muling paghahalal. Ang sinomang tao na nanalo bilang Pangulo at nagsilbi ng higit sa apat na taon ay hindi dapat maging kwalipikado sa paghahalal sa katulad/parehong katungkulan sa alinmang panahon. “

Pinagmulan: Official Gazette, 1987 Constitution, Article VII Section 4

Ang mga taong pinalitan ni Duterte, sina dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo at Joseph Estrada, matapos ang kanilang mga termino ay muling kumandidato at kasalukuyang humahawak ng mga hinalal na posisyon.

Si Arroyo nang matapos ang kanyang termino noong 2010 ay pinahintulutan ng Commission on Elections at kinalaunan ng Korte Suprema na tumakbo para sa isang posisyon sa Kongreso, kung saan siya ay kasalukuyang nasa kanyang ikatlong termino bilang kinatawan ng ikalawang distrito ng Pampanga.

Noong 2013, si Estrada ay tumakbo para maging mayor ng Manila, nanalo, at muling napili noong 2016.

Parehong sina Arroyo at Estrada, sa kabila ng mga kapansin-pansing pangyayari, ay pinahintulutan din na tumakbo muli para sa pangulo pagkatapos na makapaglingkod sa nasabing tanggapan.

Si Arroyo, na noong 2001 ay naupo nang umalis ang nanganganib na si Estrada sa gitna ng kanyang termino, lumaban sa pagkapangulo noong 2004 at ipinahayag na nagwagi sa kabila ng mga paratang ng pandaraya.

Si Estrada, na hindi natapos ang kanyang termino, ay pinahintulutang tumakbo muli bilang presidente noong 2010 ngunit natalo kay dating pangulo Benigno Simeon Aquino III.

Mga pinagmulan:

Presidential Communications Operations Office, Speech of President Rodrigo Roa Duterteduring his Talk to the Troops, Zamboanga City, March 11, 2018

Official Gazette, 1987 Constitution, Article VII Section 4

Supreme Court, Estrada v Desierto

Supreme Court, Poe v Arroyo

Supreme Court, Pormento v Estrada & Comelec

Official Website of the City of Manila, Biography: Joseph Marcelo Ejercito Estrada

BBC, Joseph Estrada elected mayor of Manila

ABS-CBN News, SC OKs Arroyo’s Congress bid

ABS-CBN News, Erap, Isko proclaimed winners in Manila

GMA News Online, Comelec allows Erap to run for President in May 10 polls

GMA News Online, SC junks petition seeking to nullify Arroyo’s congressional bid

GMA News Online, Erap completes political comeback as new mayor of Manila

Philippine Star, It’s final: GMA can run for House seat

Ang VERA Files Fact Check ay sumusubaybay sa mga maling salaysay at nakaliligaw na mga pahayag ng mga pampublikong opisyal at personalidad, at itinatama ang mga ito gamit ang mga tunay na ebidensya. Kami ay ginagabayan ng mga prinsipyo ng International Fact-Checking Network sa Poynter. Para sa karagdagang impormayan bisitahin ang pahinang ito.

Get VERAfied

Receive fresh perspectives and explainers in your inbox every Tuesday and Friday.