Sa kanyang pahayag sa buong bansa noong Okt. 5, binawi ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kanyang mga nakaraang pahayag at sinabi na siya ay “hindi pa nakapatay” o kahit kailan nag-utos na ipapatay ang sinuman.
Tumutugon ang pangulo sa mga panawagan para sa pagsibak kay Health Secretary Francisco Duque III nang sinabi niyang tungkulin niya na tiyakin na ang batas ay sinusunod, na idinagdag na hindi niya maaaring kasuhan ang isang “inosenteng tao” para lamang masabing naghabla sya.
Pagkatapos ay hinarap ni Duterte ang mga kritiko na pinasisinungalingan ang pahayag na ito.
Panoorin ang video na ito:
Gumagamit si Duterte ng marahas na retorika sa maraming mga pagkakataon, lalo na kapag tinutukoy ang giyera kontra droga ng kanyang administrasyon. Sa isang biglaang talumpati noong Abril 1, nagbabala ang pangulo ng pag gamit ng matinding hakbang sa sinumang nagdudulot ng “gulo” habang ipinatutupad ang mga paghihigpit sa quarantine dahil sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic:-
“My orders are (ang aking mga order ay) — sa pulis pati military, pati mga barangay — pagka ginulo at nagkaroon ng okasyon na lumaban at ang buhay ninyo ay nalagay sa alanganin, shoot them dead (barilin niyo para patayin).”
Pinagmulan: Presidential Communication Operations Office, Nation Address of Pangulong Rodrigo Roa Duterte on Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) Pandemic, Abril 1, 2020, panoorin mula 2:41 hanggang 4:45
Ang kanyang pahayag, na umani ng batikos mula sa mga human rights group, ay nangyari pagkatapos ng dispersal at pag-aresto sa Quezon City ng humigit-kumulang 20 indibidwal na nagsagawa ng isang protesta para manawagan ng tulong sa gitna ng enhanced community quarantine.
Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na ang talumpati ni Duterte noong Okt. 5 ay “mula sa puso” at ang magkasalungat na pahayag mula sa nakaraan ay ginawa lamang upang “makakuha ng pansin at talakayan,” lalo na sa “pet isyu, iyong kampanya laban sa droga.”
Mga Pinagmulan
Presidential Communications Operations Office, Talk to the People of President Rodrigo Roa Duterte on Coronavirus Disease 2019 (COVID-19), Oct. 5, 2020
DZMM TeleRadyo, DZMM TeleRadyo: Ikaw Na Ba: Panayam kay Rodrigo Duterte (Unang Bahagi), Dec. 9, 2015
RTV Malacañang, Speech of President Rodrigo Duterte during the Wallace Business Forum Dinner, Dec. 12, 2016
BBC News, Philippines: Duterte confirms he personally killed three men – BBC News, Dec. 16, 2016
Presidential Communications Operations Office, Speech of President Rodrigo Roa Duterte during his meeting with the Filipino Community in Da Nang, Viet Nam, Nov. 9, 2017
Inquirer.net, Duterte says he ordered ambush of ex-mayor Loot, Sept. 17, 2019
ABS-CBN News, Duterte says he ordered hit on ex-Daanbantayan mayor he tagged as drug protector, Sept. 17, 2019
The Freeman via Philstar.com, In brazen, morning shooting: Loot, family cheat death, May 14, 2018
Presidential Communications Operations Office, Duterte names PNP generals involved in illegal drugs, July 6, 2016
Presidential Communications Operations Office, Speech of President Rodrigo Roa Duterte During The Oath-Taking Ceremony Of The Newly Appointed Government Officials, Sept. 17, 2019
RTV Malacañang Official Youtube Account, Oath-Taking of Newly Appointed Officials, Sept. 17, 2019
PTV Philippines Official Facebook Account, Presidential Spokesperson on PRRD’s remarks on Mayor Loot’s ambush, Sept. 18, 2019
RTVMalacanang, Arrival from Official Visit to Vietnam (Speech) 9/30/2016, Sept. 30, 2016
Official Gazette of the Philippines, Media Interview with President Rodrigo Roa Duterte in Bajada, Davao City, Aug. 5, 2016
Presidential Communications Operations Office, Speech of President Rodrigo Roa Duterte During The 45th Philippine Business Conference And Expo, Oct. 17, 2019
Presidential Communications Operations Office, Speech of President Rodrigo Roa Duterte During The National Heroes Day: “Taong Bayan: Ang Bagong Bayani Ng Bayan”, Aug. 28, 2017
Presidential Communications Operations Office, Nation Address of President Rodrigo Roa Duterte on Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) Pandemic, April 1, 2020
PCOO Official Facebook Account, Kumusta po mga kababayan ko? | PRRD’s Message to the Nation, April 1, 2020
ABS-CBN News Channel Official Twitter Account, Commission on Human Rights expressed alarm, April 2, 2020
Amnesty International, Philippines: President Duterte gives “shoot to kill” order amid pandemic response, April 2, 2020
International Work Group for Indigenous Affairs, ‘Shoot them dead’: Duterte’s orders alarm Indigenous Peoples’ Human Rights Defenders, April 17, 2020
CNN Philippines, 21 protesters demanding food aid arrested in Quezon City, April 1, 2020
Philstar.com, 20 arrested at protest in Quezon City during quarantine, April 1, 2020
GMA News Online, QC protesters who demanded aid amid COVID-19 crisis face raps -QCPD, April 1, 2020
PTV Philippines Official Facebook Account, WATCH: Palace virtual presser with Presidential Spokesperson Harry Roque, Oct. 6, 2020
(Ginagabayan ng code of principles ng International Fact-Checking Network sa Poynter, ang VERA Files ay sumusubaybay sa mga maling pahayag, flip-flops, nakaliligaw na mga pahayag ng mga pampublikong opisyal at kilalang personalidad, at pinasisinungalingan ang mga ito gamit ang tunay na ebidensya. Alamin ang inisyatibong ito at aming pamamaraan.)