Iginiit ni dating pangulong Rodrigo Duterte na ang National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) ay isang “napaka-matagumpay” na inisyatiba ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa pagbaba ng bilang ng mga rebeldeng komunista.
Ito ay nangangailangan ng konteksto.
PAHAYAG
Sa episode ng kanyang lingguhang talk show na Gikan sa Masa Para sa Masa na ipinalabas sa Sonshine Media Network International noong Nob. 20, ipinagmalaki ni Duterte ang mga nagawa ng NTF-ELCAC:
“If there was one program of the AFP [that] was really a successful endeavor in cutting down the numbers of the NPAs and the Communist Party of the Philippines—for that matter, [it] was the ELCAC. It was very successful.”
(“Kung mayroong isang programa ng AFP [na] talagang matagumpay sa pagsusumikap na magbawas ng bilang ng mga NPA at ng Partido Komunista ng Pilipinas—sa bagay na iyon, [ito] ay ang ELCAC. Ito ay napaka-matagumpay.”)
Pinagmulan: Sonshine Media, ‘Gikan sa Masa, Para sa Masa’ kasama si Pang. Rodrigo Roa Duterte | Nobyembre 20, 2023, Nob. 20, 2023, panoorin mula 9:54 hanggang 10:16
ANG KATOTOHANAN
Ang NTF-ELCAC ay isang multi-agency body na nilikha sa pamamagitan ng Executive Order No. 70, na nilagdaan ni Duterte noong Dis. 4, 2018, sa ilalim ng Office of the President, hindi ng AFP. Ang AFP Chief of Staff, gayunpaman, ay isa sa hindi bababa sa 20 miyembro ng task force.
Layunin ng task force na ipatupad ang diskarte ng gobyerno na “whole of nation” sa pagtugon sa mga ugat ng insurgency.
Sa isang panayam noong Abril 24 sa The Chiefs sa ONE News PH, nilahad ni National Security Council (NSC) Assistant Director General Jonathan Malaya ang katayuan ng armadong pakikibaka:
“It is in its dying stages now. Kasi, based on the latest data we have, out of the 89 guerrilla fronts of the Communist Party of the Philippines – New People’s Army (CPP-NPA), 67 have been dismantled since 2018. So in 2018, apat; 2019, 13; 2020, 10; 2021, 21 and 2022, 19. So, what we have now is, we have 22 remaining guerrilla fronts all over the country but 18 of these have been severely weakened by focused military operations and the combined efforts of the National Task Force ELCAC and we only have four active guerrilla fronts in the country.”
(“Naghihingalo na ito ngayon. Kasi, base sa pinakahuling datos na meron tayo, sa 89 guerrilla fronts ng Communist Party of the Philippines – New People’s Army (CPP-NPA), 67 na ang nalansag simula noong 2018. Kaya noong 2018, apat; 2019, 13; 2020, 10; 2021, 21 at 2022, 19. Kaya, ang mayroon tayo ngayon, mayroon tayong 22 na natitira pang guerilla fronts sa buong bansa ngunit 18 dito ay lubhang pinahina ng nakatutok na mga operasyong militar at ang pinagsamang pagsisikap ng National Task Force ELCAC at mayroon tayong apat na lamang na aktibong guerilla fronts sa bansa.”)
Pinagmulan: One News PH, THE CHIEFS | April 24, 2023, Abril 24, 2023, panoorin mula 6:50 hanggang 7:30
In-update ng NSC ang pahayag ni Malaya noong Mayo 6:
“75% of all NPA guerilla fronts have been dismantled. Only 22 of the original 89 fronts are still existing. Of the 22 left, 20 are weakened and the remaining 2 are the subject of military operations and development efforts by NTF ELCAC agencies.”
(“75% ng lahat ng NPA guerilla fronts ay nalansag na. 22 lamang sa orihinal na 89 fronts ang umiiral pa rin. Sa 22 na natitira, 20 ang humina at ang natitirang 2 ay nahaharap sa mga operasyong militar at mga pagsisikap sa pagpapaunlad ng mga ahensya ng NTF ELCAC.”)
Pinagmulan: National Task Force to End Local Communist Armed Conflict official Facebook account, “NO PLANS TO DISMANTLE NTF ELCAC. President Marcos firmly committed to ending Communist terrorism in the country through whole-of-nation approach. Let’s work together towards total victory over Communist terrorism.”, Mayo 6, 2023
Sa ilalim ng EO 70, ang mandato ng NTF-ELCAC ay:
“…prioritize and harmonize the delivery of basic services and social development packages in conflict-affected areas and vulnerable communities, facilitate societal inclusivity and ensure active participation of all sectors of society in the pursuit of the country’s peace agenda.”
(“…bigyang-priyoridad at pagtugmain ang paghahatid ng mga pangunahing serbisyo at mga pakete sa pagpapaunlad ng lipunan sa mga lugar na apektado ng salungatan at mga mahihinang komunidad, padaliin ang pagkakaisa ng lipunan at tiyakin ang aktibong partisipasyon ng lahat ng sektor ng lipunan tungo sa hangarin na makami ang kapayapaan są bansa.”)
Pinagmulan: Official Gazette of the Philippines, Executive Order No. 70, s. 2018, Na-access noong Nob. 21, 2023
Ipinagyabang ni Duterte ang NTF-ELCAC kasunod ng desisyon ng Kongreso na tanggalin ang panukalang confidential funds ng mga ahensyang sibilyan, kabilang ang Office of the Vice President, sa 2024 budget.
Nauna niyang sinabi na ang kanyang anak na si Vice President Sara Duterte na co-vice chair ng NTF-ELCAC, na nilayon na gamitin ang confidential funds na hinihingi niya sa Kongreso laban sa mga komunista.
May nakita ka bang kaduda-dudang status, picture, meme, o iba pang post na gusto mong i-fact-check namin? Sagutan lang itong reader request form o i-message sa Viber ang VERA, the truth bot (Philippines).
Mga Pinagmulan
One News PH, THE CHIEFS | April 24, 2023, April 24, 2023
National Task Force to End Local Communist Armed Conflict official Facebook account, “NO PLANS TO DISMANTLE NTF ELCAC. President Marcos firmly committed to ending Communist terrorism in the country through whole-of-nation approach. Let’s work together towards total victory over Communist terrorism.”, May 6, 2023
Official Gazette of the Philippines, Executive Order No. 70, s. 2018, Accessed Nov. 21, 2023
(Ginagabayan ng code of principles ng International Fact-Checking Network sa Poynter, ang VERA Files ay sumusubaybay sa mga maling pahayag, flip-flops, nakaliligaw na mga pahayag ng mga pampublikong opisyal at kilalang personalidad, at pinasisinungalingan ang mga ito gamit ang tunay na ebidensya. Alamin ang inisyatibong ito at aming pamamaraan.)