Sa pagsalungat sa paliwanag ng kanyang tagapagsalita, sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na siya ay “hindi nagbibiro” nang kanyang banggitin ang maling payo na maaaring magamit ang gasolina bilang alternatibo sa alkohol para idisimpekta ang mask o mga kamay.
Panoorin ang video na ito.
VERA FILES FACT CHECK: Duterte negates spox; repeats wrong, unsafe claim on using gasoline as disinfectant from VERA Files on Vimeo.
Ang gasolina at diesel — parehong itinuturing na nakakalason na sangkap — ay hindi kasama sa listahan ng United States (U.S.) Environmental Protection Agency (EPA) ng mga disinfectant laban sa SARS-CoV-2, ang virus na nagdudulot ng coronavirus disease 2019 (COVID-19). Ang kasama lamang sa listahan ng EPA ng mga produkto nagpakita ng pagiging epektibo laban sa:
- SARS-CoV-2;
- isang virus na “mas mahirap mapatay” kaysa sa SARS-CoV-2; o
- isa pang uri ng human coronavirus na katulad ng SARS-CoV-2.
Sinabi ng US Centers for Disease Control and Prevention (CDC), na inirerekomenda lamang ang mga disinfectant na nasa listahan ng EPA, sa isang explainer na ang paglanghap ng gasolina ay maaaring “magdulot ng asphyxiation sa kulob, hindi maaliwalas, o mabababang lugar,” habang paulit-ulit o matagal na pagdikit sa balat ay maaaring maging sanhi ng pangangati, dermatitis (eksema), o kahit first- at second-degree burns.
Ang paghinga ng maraming diesel vapor o pag-inom ng mga likidong diesel-based ay maaaring maging sanhi ng pagkahilo, sakit ng ulo, pag-aantok, pagkawala ng koordinasyon, o euphoria, ayon sa mga patnubay ng World Health Organization (WHO) na ibinigay ng Health Protection Agency ng United Kingdom.
Ang paglanghap (ng hangin) patungo sa baga ay nagdudulot din ng “pneumonitis na nakakabulon, nakaka-ubo, nakaka-humingasing, nakapagpapahabol ng hininga, cyanosis, at lagnat,” idinagdag ng mga patnubay.
Nang tanungin kung ang gasolina at diesel ay maaaring magamit bilang disinfectant, sinabi ng isang pangkat ng public health experts na tinipon ng international nonprofit Meedan sa VERA Files:
“No. Gasoline and/or diesel should not be used as disinfectant, does not work as a disinfectant, has not been shown to kill the virus that causes COVID-19, and may be very harmful to human health.
(Hindi. Ang gasolina at/o diesel ay hindi dapat gamitin bilang disinfectant, ay hindi gumagana bilang isang disinfectant, ay hindi nakapagpakita na kayang pumatay ng virus na nagdudulot ng COVID-19, at maaaring makasama sa kalusugan ng tao.)”
Binanggit ng Meedan ang U.S. National Institute for Occupational Safety and Health, na nagsabing ang pagkakabilad sa gasolina sa pamamagitan ng balat o mata, pag-inom, o paghinga “ay maaaring maging sanhi ng maraming mga problema sa kalusugan.”
Kasama dito ang pangangati o pagkasunog ng mga mata, balat, o mga mucuous membrane (tulad ng mga tissue sa ilong, mata, bibig, o lalamunan); sakit ng ulo, kahinaan, malabong paningin, pagkahilo, slurred speech, pagkalito, at kombulsyon; at posibleng pinsala sa atay o bato, bukod sa iba pa.
Kaya, sinabi ng mga public health expert na ang pagkakabilad sa gasolina ay “dapat iwasan” at, kung ang aksidenteng pagkakabilad ay mangyari, “ang paghuhugas ng nabilad na bahagi ay mahalaga”:
“When exposed to gas fumes, it is important to leave the area where the fumes are to an area with fresh air or ventilation. Seek medical help for breathing problems as well as slurred speech, dizziness, confusion, or other symptoms of neurological (brain and nervous system) problems.
(Kapag nalantad sa usok ng gas, mahalagang umalis sa lugar kung saan may usok at pumunta sa lugar na may sariwang hangin o bentilasyon. Humingi ng tulong medikal para sa mga problema sa paghinga pati na rin sa slurred speech, pagkahilo, pagkalito, o iba pang mga sintomas ng mga problemang neurological (utak at nerbiyos).)”
Tulad ni Roque, sinabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na ang pahayag ng pangulo noong Hulyo 21 na ang gasolina at diesel ay maaaring magamit para disimpektahin ang mga mask ay isang pagbibiro:
“Alam niyo naman, ‘pag nagsasalita si presidente, baka ‘yung mga jokes (biro) lang niya ‘yun, especially for gasoline (lalo na tungkol sa gasolina).”
Pinagmulan: Inquirer.net, Reuse face masks? DOH says Duterte referring to cloth masks; disinfection by gasoline maybe a joke, Hulyo 21, 2020, panoorin mula sa 1:10 hanggang 1:23
Sinabi ni Vergeire, sa isang presser noong Hulyo 21, na “sakaling ang mga tao ay walang makuhang malinis na tubig at sabon,” inirerekomenda ng Department of Health at ng Philippine Food and Drug Administration na gumamit ng alkohol o ang mga hand sanitizer na alcohol-based, na may 70 at 60 porsyento na ethyl o isopropyl alcohol content, ayon sa pagkakabanggit.
Sinabi ng health official na ito ay dahil ang 60 hanggang 70 porsyento na range ay “epektibo” sa paglaban sa mga mikrobyo, bakterya, at mga virus.
Bukod dito, hindi lahat ng mga mask ay maaaring magamit muli. Habang ang ilan, tulad ng mga mask na gawa sa tela o fabric masks, ay dapat labahan araw-araw at isampay sa ilalim ng direktang sikat ng araw pagkatapos gamitin, ang mga medical mask, tulad ng mga surgical at N95 mask, ay para sa “single-use only,” ayon sa WHO.
Inisyu ni Vergeire ang parehong paalala sa mga mamamahayag, na sinasabi:
“Especially (lalo na ang mga) surgical masks, hindi mo ‘yan puwedeng hugasan kasi ‘pag hinugasan mo ‘yan, may mga components (sangkap) ‘yang mga masks natin…certain filtering mechanism (ilang panalang mekanismo). ‘Pag hinugasan mo, binasa mo ‘yan, mawawala na ‘yung effect (epekto) nun.”
Mga Pinagmulan
RTVMalacanang, Meeting on COVID-19 Concerns and Talk to the People on COVID-19 7/20/2020, July 20, 2020
RTVMalacanang, Talk to the People on COVID-19 4/16/2020, April 16, 2020
RTVMalacanang, Press Briefing by Presidential Spokesperson Harry Roque, Jr. 7/23/2020, July 23, 2020
ANC, After his ‘disinfect masks with gasoline’ remark, Duterte urged to be ‘more serious’ with COVID-19 messaging, July 23, 2020
RTVMalacanang, PRRD’s Meeting with the IATF-EID and Talk to the People on Covid-19 07/31/2020, July 30, 2020
U.S. Centers for Disease Control and Prevention, Toxic Substances Portal: Gasoline, Automotive, n.d.
U.S. Centers for Disease Control and Prevention, Toxic Substances Portal: Fuel Oils/Kerosene, n.d.
U.S. Centers for Disease Control and Prevention, Agency for Toxic Substances and Disease Registry, n.d.
U.S. Environmental Protection Agency, List N: Disinfectants for Use Against SARS-CoV-2 (COVID-19), Accessed Aug. 3, 2020
U.S. Environmental Protection Agency, How does EPA know that the products on List N work on SARS-CoV-2?, n.d.
U.S. Centers for Disease Control and Prevention, Medical Management Guidelines for Gasoline, Accessed Aug. 3, 2020
World Health Organization, Compendium of Chemical Hazards: Diesel., 2006
Meedan, COVID-19 Expert Database
U.S. National Institute for Occupational Safety and Health, Gasoline, Accessed Aug. 5, 2020
Inquirer.net, Reuse face masks? DOH says Duterte referring to cloth masks; disinfection by gasoline maybe a joke, July 21, 2020
ABS-CBN News, Disinfect masks with gasoline? ‘Baka joke lang,’ says DOH after Duterte remark, July 22, 2020
CNN Philippines, DOH on Duterte’s advice to disinfect mask with gasoline: Baka joke lang, July 22, 2020
Department of Health, WATCH: DOH Virtual Presser | July 21, 2020, July 21, 2020, watch from 34:00 to 34:55
World Health Organization, How to wear a medical mask, June 5, 2020
World Health Organization, Coronavirus disease (COVID-19) advice for the public: When and how to use masks, Accessed Aug. 3, 2020
(Ginagabayan ng code of principles ng International Fact-Checking Network sa Poynter, ang VERA Files ay sumusubaybay sa mga maling pahayag, flip-flops, nakaliligaw na mga pahayag ng mga pampublikong opisyal at kilalang personalidad, at pinasisinungalingan ang mga ito gamit ang tunay na ebidensya. Alamin ang inisyatibong ito at aming pamamaraan.)