Skip to content
post thumbnail

VERA FILES FACT CHECK: Duterte mali ang mga pahayag tungkol sa republika ng Pilipinas, Durano political clan

WHAT WAS CLAIMED

Ang republika ng Pilipinas ay itinatag noong 1947.

OUR VERDICT

Hindi totoo:

Ang unang republika ng Pilipinas ay opisyal na itinatag noong Enero 23, 1899 sa Bulacan matapos ihalal ng Malolos Congress si Emilio Aguinaldo bilang unang pangulo ng bansa, na nagdeklara ng kalayaan nito mula sa mga kolonyalistang Espanyol.

By VERA Files

Apr 8, 2022

-minute read

Basahin sa Ingles

ifcn badge

Share This Article

:

Sa isang talumpati noong Abril 4 sa Mataasnakahoy, Batangas, mali ang tinukoy ni Pangulong Rodrigo Duterte, ang ika-16 presidente ng Pilipinas, na taon ng pagkakatatag ng unang republika ng bansa.

Panoorin ang video:

Sa parehong talumpati, sinabi ni Duterte na ang kanyang mga kamag-anak mula sa Durano political clan ay naghahari sa Danao City, Cebu sa loob ng “halos 15 dekada.” Ginawa niya ang pahayag matapos mag mungkahi na amyendahan ang 1987 Constitution upang maiwasan ang maling paggamit ng mga mayaman at political dynasties sa party-list system na naglalayong bigyan ng boses ang mga underrepresented na sektor sa House of Representatives.

Sinabi niyang ang pagiging mula sa isang mahirap na pamilya sa Danao City ang nagtulak sa kanila na lumipat sa Mindanao upang maiwasan ang isang potensyal na pakikipagtunggali dahil sa teritoryo sa naghaharing Durano political dynasty:

“Lahat ng pumunta [sa] Mindanao, umalis sa bayan nila kasi naghahanap ng greener pasture (mas maganda na pagkakitaan), kagaya ng tatay ko,  mahirap man sila doon sa Danao, Cebu City — ah Cebu — Danao City, Cebu Province. Eh hawak nila Durano — Durano family matagal, ilang — about almost 15 decades (mga halos 15 dekada). After the war (Pagkatapos ng giyera), sila na … Pinsan namin because (dahil) ‘yung asawa Duterte… Kaysa magpatayan — ganoon talaga ang nangyari — magkainitan, sumibat na lang siya. Dinala kami doon sa Mindanao. So laking hirap talaga ako.”

 

Pinagmulan: Presidential Communications Operations official website, Talk to the People of President Rodrigo Roa Duterte, Abril 4, 2022, panoorin mula 26:59 hanggang 28:02

 

 

Taliwas sa kanyang pahayag, ipinakikita ng mga rekord ng opisyal na website ng Danao City na hawak ng mga miyembro ng political clan ang kapangyarihan nang halos 62 taon laman, o higit lang sa anim na dekada.

Si Beatriz Duterte-Durano, ang unang mayor ng Danao City, ay nahalal noong 1956, halos 11 taon pagkatapos ng World War 2. Mula noong 1956, ilang miyembro ng pamilya Durano ang nagsalitan sa pag-okupa sa pinakamataas na puwesto ng kapangyarihan ng lungsod. Ang kasalukuyang mayor ng Danao ay ang anak ni Beatriz na si Ramon “Nito” Durano III. Ang anak ni Ramon, si Thomas Mark (kilala bilang Mix), ay kasalukuyang vice mayor. Susubukan ng mag-ama na mag-tandem na magpalit ng posisyon sa halalan sa May 9, kung saan si Ramon ay tatakbo ngayon na bise alkalde at si Thomas Mark naman sa pagka-mayor.

Si Beatriz ay tiyahin sa ama ni Duterte. Naging mayor siya 12 taon matapos maglingkod bilang mayor ng Danao City ang kanyang pinsan, si Vicente, ang ama ni Duterte, na naging mayor mula 1944 hanggang 1946.

 

Nakakita ka na ba ng anumang kahina-hinalang pahayag, larawan, meme, o online post na gusto mong i-verify namin? Sagutan ang reader-request form na ito.

 

Mga Pinagmulan

Presidential Communications Operations official website, Talk to the People of President Rodrigo Roa Duterte, April 4, 2022 (transcript)

National Historical Commission of the Philippines official website, 123rd Anniversary of the First Philippine Republic, Jan. 20, 2022

National Historical Commission of the Philippines official website, The First Philippine Republic, Sept. 7, 2012

National Historical Commission of the Philippines official website, Why is the First Philippine Republic Significant in History?, Jan. 22, 2021

Presidential Museum and Library PH (2010-2016) official Flickr account, Gen. Emilio Aguinaldo, Dec. 12, 2014

United States National Archives and Records Administration, General Aguinaldo [seated, center] and ten of the delegates to the first Assembly (photos), Dec. 8, 1939

Official Gazette official website, 1935 Constitution amended, Accessed April 4, 2022

Official Gazette official website, The 1987 Constitution: A chronological narrative, Accessed April 4, 2022

Official Gazette official website, Republic Day, Accessed April 4, 2022

Official Gazette official website, Republic Act No. 11014, April 5, 2018

Official Gazette official website, Constitution Day, Accessed April 4, 2022

Official Gazette official website, Araw Ng Kagitingan, Accessed April 4, 2022

Official Gazette official website, The Executive Branch, Accessed April 4, 2022

Official Gazette official website, Second Republic, Accessed April 4, 2022

Official Gazette official website, Third Republic, Accessed April 4, 2022

Danao City government official website, HISTORY, Accessed April 4, 2022

Danao City government official website, Mayor Nito D Durano, Accessed April 4, 2022

Cebu Daily News  (published on the Inquirer.net, official website) Duranos still dominate Danao’s politics,  Oct. 12, 2018

Sunstar official website, Cebu’s old political clans still rule Cebu’s polls, May 25, 2019

The Freeman (published on the Philstar.com official website), Tinudlo sa mayor sa Danao gikwestiyon (translated), Aug. 27, 2017

Danao City government official website,  The City Officials, Accessed April 4, 2022

Commission on Elections official website, Ballot face (Danao City, Cebu), Accessed April 4, 2022

Manila Times official website, Ramon Durano marries Beatriz Duterte (column), Accessed April 4, 2022

Inquirer.net official website, ‘Kanto boy’? Duterte is so ‘de buena familia’ (‘sa totoo lang’) May 29, 2016

The Freeman (published on the Philstar.com official website), Ramon Durano Sr.’s “political chain” (column) Oct. 24, 2018

Presidential Communications Operations official website, President Duterte commemorates father’s 52nd death anniversary, Feb. 22, 2020

 

(Ginagabayan ng code of principles ng International Fact-Checking Network sa Poynter, ang VERA Files ay sumusubaybay sa mga maling pahayag, flip-flops, nakaliligaw na mga pahayag ng mga pampublikong opisyal at kilalang personalidad, at pinasisinungalingan ang mga ito gamit ang tunay na ebidensya. Alamin ang inisyatibong ito at aming pamamaraan.)

Get VERAfied

Receive fresh perspectives and explainers in your inbox every Tuesday and Friday.