Skip to content
post thumbnail

VERA FILES FACT CHECK: Duterte nagbago na naman ng linya sa pagsugpo ng katiwalian sa gobyerno bago matapos ang termino

Sa kanyang pampublikong pahayag noong Okt. 26, nangako si Pangulong Rodrigo Duterte na italaga ang natitirang isa at kalahating taon ng kanyang termino sa "pakikipaglaban sa katiwalian" sa gobyerno.

By VERA Files

Nov 7, 2020

3-minute read

Basahin sa Ingles

ifcn badge

Share This Article

:

Sa kanyang pampublikong pahayag noong Okt. 26, nangako si Pangulong Rodrigo Duterte na italaga ang natitirang isa at kalahating taon ng kanyang termino sa “pakikipaglaban sa katiwalian” sa gobyerno.

Gayunpaman sa isang talumpati noong huling bahagi ng Setyembre, handa nang sumuko ang pangulo.

Panoorin ang video na ito:

Atras-abante ang pangulo sa kanyang kampanya laban sa korapsyon simula pa ng kanyang termino noong 2016. (Tingnan ang VERA FILES FACT CHECK: In his own words: Duterte’s anti-corruption drive; VERA FILES FACT CHECK: Can Duterte stamp out corruption?)

Ang pahayag ni Duterte noong Set. 28, kung saan sinabi niyang “gusto na niyang magbitiw sa tungkulin bilang pangulo,” ay hindi rin ang kauna-unahang pagkakataon na pinalutang niya ang ideya sa publiko.

Noong nakaraang Abril, sinabi niyang handa siyang bumaba sa posisyon kung sasabihin ng militar na hindi na siya epektibo sa pagtugon sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic:

“Sabi ko eh kung totoo ‘yang pinapahirapan ko ‘yung Pilipino, eh anytime (kahit anong oras) po sabihin ni [P]amatong bababa na ako at sinabi ng military, ‘Sige, totoo ‘yan. Subukan niya itong three weeks (tatlong linggo).’ Okay.”

Pinagmulan: Presidential Communications Operations Office, Talk to the Nation of President Rodrigo Roa Duterte on Coronavirus Disease 2019 (COVID-19), Abril 6, 2020, panoorin mula 46:53 hanggang 47:40

Ang tinutukoy ni Duterte ay ang abogadong si Elly Pamatong — idineklarang nuisance candidate noong 2004, 2010, at 2016 presidential elections ngunit patuloy na ipinapahayag ang kanyang sarili bilang “pangulo” ng Pilipinas — na sinasabing may isang “fail-safe plan” umano upang malutas ang COVID -19 crisis.

Bago ang kanyang talumpati noong Abril 6, inanunsyo si Duterte ang mga plano o pangako na magbitiw sa puwesto nang hindi bababa sa 22 beses. (Tingnan ang VERA FILES FACT SHEET: Duterte’s thoughts of resignation)

 

Mga Pinagmulan

Presidential Communications Operations Office, Talk to the People of President Rodrigo Roa Duterte on Coronavirus Disease 2019 (COVID-19), Oct. 27, 2020

Presidential Communications Operations Office, Talk to the People of President Rodrigo Roa Duterte on Coronavirus Disease 2019 (COVID-19), Sept. 28, 2020

GMA News, If elected, Duterte wants to end crime, corruption in three to six months, Feb. 2, 2016

Inquirer.net, Duterte: Kill me if I fail to bust crime, corruption in 6 months, Jan. 17, 2016

Presidential Communications Operations Office, Speech of President Rodrigo Roa Duterte during the Mass Oath taking of Newly Appointed Officials and League of Municipalities of the Philippines, Oct. 11, 2016

RTVMalacanang, Mass Oath Taking of Newly Appointed Officials and LMP 10/11/2016, Oct. 11, 2016

Presidential Communications Operations Office, Talk to the Nation of President Rodrigo Roa Duterte on Coronavirus Disease 2019 (COVID-19), April 6, 2020

Pamatong poll disqualifications

 

(Ginagabayan ng code of principles ng International Fact-Checking Network sa Poynter, ang VERA Files ay sumusubaybay sa mga maling pahayag, flip-flops, nakaliligaw na mga pahayag ng mga pampublikong opisyal at kilalang personalidad, at pinasisinungalingan ang mga ito gamit ang tunay na ebidensya. Alamin ang inisyatibong ito at aming pamamaraan.)

Get VERAfied

Receive fresh perspectives and explainers in your inbox every Tuesday and Friday.