Umaatikabo ang disimpormasyon online katatapos na midterm election. Isang halimbawa ang Facebook post tungkol sa isang pekeng award sa isa kunwaring reporter na nagantad ng umano’y katiwalian ni Cagayan de Oro reelectionist Mayor Oscar Moreno.
PAHAYAG
Ipinahayag sa Mayo 11 na post sa Facebook page Global Transparency Network (GTN) na ang “Philippine Correspondent” nito ay nanalo ng gintong medalya sa isang tinatawag na “Transparency Media” Awards. Ang pagkilala ay para sa isa umanong anim na minutong ulat ng video na nagsasaad ng mga kaso umano ng pagmamalabis at korapsyon laban kay Moreno.
May headline itong “OSCAR MORENO: ANG PINAKA-CORRUPT NA MAYOR SA MUNDO” na may caption:
“(JUST IN: GTN’s Philippine Correspondent wins Gold Medal in Transparency Media Awards for ‘OSCAR MORENO: THE WORLD’S MOST CORRUPT MAYOR.’ 379 cases of graft and corruption totaling more than P1.3 Billion, plus identified as drug protector [sic] in this Southern Philippine city, Moreno is reporrted [sic] to be using hundreds of millions of stolen government funds to buy votes in his country’s upcoming elections.)”
“KAPAPASOK LAMANG: Ang Philippine Correspondent ng GTN ay nanalo ng Gold Medal sa Transparency Media Awards para sa ‘OSCAR MORENO: ANG PINAKA-CORRUPT NA MAYOR.’ 379 na kaso ng graft and corruption na nagkakahalaga ng higit sa P1.3 Bilyon, dagdag pa ang pagkilala bilang drug protector sa Katimugang lunsod ng Pilipinas, si Moreno ay sinasabing gumagamit ng daan-daang milyong nakaw na pondo sa gobyerno para bumili ng mga boto sa darating na halalan ng kanyang bansa.”Pinagmulan: Global Transparency Network Facebook page, OSCAR MORENO: THE WORLD’S MOST CORRUPT MAYOR, Mayo 11, 2019
ANG KATOTOHANAN
Walang opisyal na tala sa Internet tungkol sa parehong GTN at ang sinasabing media award. Ang pinakamalapit na mga resulta ng paghahanap sa online sa “Transparency Media Awards” ay ang Data Journalism Awards’ Media for Transparency, isang pagkilala na ibinigay sa namumukod-tanging mga data-driven na istorya sa Pakistan.
Ang (FB) page, na ngayon ay tinanggal na, ay tila nilikha lamang noong nakaraang linggo. Ang About page nito ay nagsabi lamang na isinusulong ng GTN ang transparency sa serbisyong pampubliko ngunit walang kongkretong impormasyon kung paano ito ginagawa. Ang video tungkol kay Moreno ang tanging post nito. Ang pangalan ng “correspondent” nito ay hindi rin isiwalat.
Si Moreno ay kasalukuyang nangunguna sa bilangan na may 63% ng mga boto, ayon sa website ng Parish Pastoral Council for Responsible Voting, na nagdadala ng datos mula sa transparency server ng Commission on Elections.
Ang nakalaban niya ay si dating agriculture undersecretary Jose Gabriel “Pompee” La Viña, ang direktor ng social media ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kampanya noong 2016. Nagsilbi rin si La Viña bilang Social Security System commissioner at tourism undersecretary.
Sa kabila ng pagtakbo sa ilalim ng partidong pampulitika ni Duterte, ang Partido Demokratiko Pilipino – Lakas ng Bayan (PDP-Laban), si Moreno ay tinawag ni La Viña na “pinaka-anti-Duterte mayor sa buong Pilipinas.”
Kasalukuyang nahaharap si Moreno sa hindi bababa sa 13 na kaso ng graft sa Sandiganbayan kaugnay sa pag-upa ng mga heavy equipment na inaprubahan umano niya ng hindi dumaan tamang bidding noong siya ay gobernador ng Misamis Oriental.
Ang ilang araw bago halalan ng Mayo 13, siya ay naging biktima rin ng isa pang pekeng post na nagsasabing na siya ay tinanggalan ng karapatan na tumakbo ng Commission on Elections. (Tingnan ang Comelec disqualification order vs. CDO mayor Oscar Moreno spurious by MindaNews for Tsek.ph)
Mga pinagmulan
Global Transparency Network Facebook page, OSCAR MORENO: THE WORLD’S MOST CORRUPT MAYOR, May 11, 2019
GEN Data Journalism Awards, Media for Transparency
Media Matters for Democracy, Media for Transparency
Parish Pastoral Council for Responsible Voting, REGION X – MAYOR – MISAMIS ORIENTAL – CAGAYAN DE ORO CITY, Retrieved May 16, 2019
Parish Pastoral Council for Responsible Voting’s website which carries data from the Commission on Elections’ transparency server.
ABS-CBN News, #HalalanResults: Duterte’s former ‘social media strategist’ loses mayoral bid in CDO, May 16, 2019
MindaNews, Moreno leads by wide margin in De Oro race, May 15, 2019
Pompee La Vina official Twitter account, COC signed & sealed, Oct. 16, 2018
SunStar SUPERBALITA CDO, Pompee gitawag nga most-anti Duterte si Moreno, Oct. 18, 2018
Rappler.com, Pompee La Vina running vs. Cagayan de Oro’s ‘most anti-Duterte mayor’, Oct. 18, 2018
Rappler.com, ‘Most anti-Duterte mayor’ wins 3rd term in Cagayan de Oro City, May 16, 2019
Ombudsman.gov.ph, CDO mayor, 4 others face new graft charge, March 16, 2018
Inquirer.net, De Oro mayor arraigned, Dec. 9, 2018
Philippine News Agency, CDO mayor sees arraignment as chance to clear his name, Dec. 9, 2018
SunStar Cagayan de Oro, Oscar Moreno awaits trial of graft charges, Dec. 9, 2018
Sb.judiciary.gov.ph, SB-18-CRM-0496-0497, April 29, 2019
Mindanews for Tsek.ph, Comelec disqualification order vs. Oscar Moreno spurious, May 11, 2019
SunStar Cagayan de Oro, News on Oro mayor’s disqualification fake, May 10, 2019
Mindanao Daily, Oca lawyer brands as fake document purporting Moreno disqualification, May 10, 2019
Rappler.com, Duterte transfers Pompee La Viña to Department of Agriculture, June 7, 2018
CNN Philippines, Duterte appoints former SSS Commissioner to Tourism, April 25, 2018
Rappler.com, Rappler Talk: Did Duterte’s campaign team work with Cambridge Analytica, April 12, 2018